Feels

47 6 0
                                    

Alam kong marami-rami sa inyo amg magbabasa rin ng "Sana" by alyloony. Tanong ko lang, kaninong team kayo? Jaiscelle or Janica? Kung ako ang tatanungin, Jaiscelle ako.

Oo, some of Janica shippers might disagree. Marami ang nagsasabing, "Nasa kaniya na nga dati tapos pinakawalan niya pa. Tapos ngayon maghahabol pa siya?" at "Masaya na si Jasper, Aiscelle! Hayaan mo na siya kay Nica, may Stan ka na!"

Well, eto ang masasabi ko diyan. Oo, may part sa kasalanan si Aiscelle kasi hinayaan niya lang si Jasper noon. Pero diba dapat intindihin natin siya? Paano at saan ba nagsimula ang lahat? First of all, pinalaki siya ng mom niya ng ganon. Na kailangan may iprove. Kailangan may mapatunayan. At hindi natin siya masisi kung bakit mas pinili niya yung isang guy. Bakit? Kasi nga diba napakajudgemental ng mom at dad niya? Na maski si Ice, jinudge nila. Sinabi na, ang pagbabanda walang magagawa chuchu blah blah. Kaya she chose na itago ang relasyon nila.

At isa pang dahilan kung bat niya ito tinago kasi akala niya laro lang ang lahat. Now, before the hate starts, isipin niyo muna. Saan ba nagsimula ang lahat? Diba unang kakilala palang ni Jasper kay Aiscelle eh ginamit niya na agad ang famous line niya. Kung kayo, pinagsabihan ng isang famous line ng isang naturingang playboy, ano sa tingin niyo ang iisipin niyo? Iisipin niyo ba na special kayo from other girls? Hindi diba? Kasi halos lahat naman sinabihan niya ng ganon. Kaya paano natin masisi si Aiscelle? Eh diba maski si Nica, sinabihan niya rin ng ganon.

Next, kaya nga hinahabol ni Aiscelle si Jasper dahil she wanted to make things right. Gusto niyang mabalik sa kaniya ang napakawalan niya. Oo, nasa huli ang pagsisi. But it is never too late to try. You can always try to make things right. To change the wrong into right. At yun ang gustong gawin ni Aiscelle (Sa tingin ko). Yes, kasalanan ni Aiscelle ang pagbitaw kay Jasper noon, pero diba hindi naman kasalanan kung kakapit ulit siya sa lubid? Na kahit alam niyang kaunti na lang ang chance na hawakan ulit ni Jasper ang lubid na nagkokonekta sa kanila noon, she's still ready to take the risk. Sa tingin ko, what she is doing is right. Yes, medyo maliit na lang ang chance para maging sila ulit, pero malay natin na kaya niya lang yun ginagawa dahil gusto niyang makabawi. Gusto niya munang sumaya kahit sa ganong paraan lang. Kahit sa paghihingi lang ng kaunting atensyon mula sa isang taong alam niyang kahit kailan, hindi niya na makukuha ulit. Siguro hinahayaan niya lang ang sarili niya na mapagod. Na kusang sumuko ang puso niya sa pagmamahal kay Jasper. Na gusto lang niyang ibalik yung ibinigay na pagmamahal ni Jasper sa kaniya dati. Kasi yun ang hindi niya nagawa.

Yung sinabi ng iba na may Stan na siya. Na manhid siya kasi di niya nararamdaman yung pagmamahal ni Stan. Hindi. Hindi siya manhid. Dahil paano niya mararamdaman yung pagmamahal na higit pa sa kaibigan na nararamdaman ni Stan kung hindi naman nagpaparamdam tong si Stan. Bakit nung kay Ayen at Timi hindi niyo pinilit si Timi? Kasi May Ice na siya? Hindi ba parang unfair? At unfair din yun sa part ni Stan kung magiging rebound lang siya. Kung magiging second option lang. Kaya sa tingin ko lang talaga,tulad ng ibang Jaiscelle shippers, hinahayaan muna ni Stan si Aiscelle. At kapag napagod o sumobra na si Aiscelle dun palang siya eentra sa eksena. Ganon rin naman si Ayen diba? Hinayaan lang niya si Timi sa kung saan siya sasaya. Kaya in the end talaga, hindi natin masisisi si Aiscelle. At yun lang ang gusto kong iparating sa inyo.

At sana, Jaiscelle parin! Shems!

A Reader's TambayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon