06/14/17
Title:
1. Just The Benefits (Completed)
2. Just The Strings (Completed)
3. Just This Once (On-going)Language: Taglish
By: beeyotchNote: yan po ang pagkakasunod sunod ng mga books and naka self-pub na po ito. Ang alam ko merong pasilip si otor sa "Just The Benefits" yung published version. Tig 10 chapters sila Parker Y. and Shiloah. Dun niyo malalaman side nila 😉 plus published na rin yung Just The Strings and ang alam ko nay mga special chapters and scenes ata na idinagdag si otor.
WARNING BAKA MAISPOIL!!!
Wag ka na tumuloy dito sa susunod na sasabihin ko. Maiispoil ka lang.
Kung ayaw mo ng spoiler WAG MO NA ISCROLL.
LEGIT AKO HINDI AKO NAGSISINUNGALING.
Enough na yung info sa taas tama na sa pag scroll pls.
This is my last call.
You have been warned.
So ayon na nga, ang tagal ko na ring hindi nagrecommend ng stories to read haha. Just because wala lang nahilig ako sa pagbabasa these past few days eh.
I know marami na sa inyo ang nabihag ng mga characters ng Just series and and I just want to say na WOOH PERFECT BEH.
Like to the point na hagulgol ka every chapter pag dumating ang unos sa buhay nila Imo, Mary at Gen.
So start muna tayo sa Just The Benefits.
Sino ba sa inyo ang mahilig sa BS HAHAHAHAHA. Wag na kayong mahiya, madaming wattpader na kagaya niyo. Hindi ako kasama napipilitan lang akong basahin yon. Wag nga kayong ano. HAHAHAHA 😂
JUST THE BENEFITS
So dito sa Just The Benefits, mafifeel mo lahat ng emotions. Like hatred towards Imogen. Omo. I really DO NOT hate her. BIRI BIRI SLIGHT LANG. Naaunderstand ko naman kasi siya. I mean, kung ikaw naman kasi sa posisyon niya diba? Sinong nasa hindi malulumbay kung namatay ang boypren mong labs mo parin.
Syempre need niya din na maging happy. Ang mali niya lang ay ginamit niya si Shiloah. Pero diba kahit sino naman ayaw mawalan ng minamahal. Maybe she just doesn't want to experience losing ulit. Nawala na si Parker sa kaniya eh, pati ba naman si Bebe Shi hahayaan niya?
Pero I HIGHLY RECOMMEND THIS SA MGA HINDI PA NAKAKABASA NA SINABI KONG WAG BASAHIN TO DAHIL MAIISPOIL LANG KAYO HAHAHAHA.
Mababaliw ka dito pramis.
JUST THE STRINGS
Dito naman, biri biri light lang. Kilig kilig lang sila kasi knows mo naman si Mary diba? Medyo mahinhin. Inosente mana kay daddy HAHAHAHA.
Maloloka ka naman dito ng bonggang bongga sa charms ni Saint jusko! O diba? Pangalan pa lang bagay na.
Sa totoo lang guys, shiniship ko kasi talaga si Parker P. For Imogen the second eh.
Bakit nga ba walang junior or the second sa mga babae no?
So back to the story. Ayon na nga. Kaya lang, nakuha yalaga ni Saint ang loob ko. TBH HA. Nagpapakatotoo lang ako. Meron kasi akong Second Lead Syndrome (o diba bongga ako founder ng sakit ko na yan 😂🙊)
Pero kasi si saint kasi, like alam mo yon? Parang akala ko pampagulo lang siya eh. Akala ko talaga pampaharang lang siya sa labstori nila Imo. UMASA KASI AKO SA LETTER NI PARKER HUTEK MERON NGA PALANG SUMPA ANG MGA PANGALANG PARKER HAHAHAHA. Kaya naman allllllthroughout the story, kumapit talaga ako kay Parker.
Kaya sabi ko akin na lang si Saint HAHAHAHA. Kasi diba? Kawawa naman si Saint wala siyang love team. Kaya umasa ako. Tas magulat gulat ako beh dumadamoves si Saint ng bongga. Sama mo pa mga bibe nila 😂🔫
Kaso ayon nga. Hindi pinagbigyan ang lola mo.
Pero kahit ganoooooon, this story is one of a kind. You should---no, YOU MUST read this.
JUST THIS ONCE
Sinabi ko na kanina diba? HINDI PA COMPLETED ANG STORY NA TO AS OF NOW KAYA MAGTIGIL KA WALA AKONG MAISSPOIL HAHAHAHA.
Pero dito sa story naman na ito, wala kang gagawin kung hindi umiyak, kiligin, umiyak, kiligin, umiyak, umiyak, umiyak.
LIKE YOU KNOW? First chapter palang beh pamatay na. PAKAMATAY NA BEH.
Tas nung naknows ko na ETO NA NGA TIME TO SHINE NA NI BEBE PARKER BWAHAHAHA. Pero wala beh. Saklap 💔
Ewan ko ha. Pero as of now, Parker Gen parin ako. Like what I did to Parker P. and Mary like WOOH sinuportahan ko talaga sila all the wayyyyy.
Kaya lang eto nama kasing si Maven. MASYADONG PAMYSTERIOUS EFFECT! Lam mo naman ako mahilig sa ganoooooon 😂 saka hello, ang perfect kaya ni Maven 😍 Matalino, Gwapo, DE MARCO PA! O diba pag pinakasalan mo bongga surname mo.
Kaya nga yon, sa mga Parker-Gen shippers diyan, KAPIT LANG BES. Wag balimbing ha. Bad yan. Alamin mo kung saan ka talaga. Parang ako, kahit talo cavs sa gsw, cavs parin.
Sa mga Maven-Gen naman diyan, lam niyo na. Malapit na kong maging kasapi niyo HAHAHAHA.
(BTW MAY BS TO HAHAHAHAHA)
Sooooooo comment down below kung nabasa niyo na ba to or hindi pa and I'm sorry kung naispoil ka. Binalaan naman kita eh ;<
And icomment niyo na rin mga feels niyo sa mga Characters. Kasi wala lang. Pag iisipan ko kasi kung itutuloy ko yung "A Reader's Tambayan (Feels!)" iiinclude ko kayo don beh 😉🙊
Kung gusto niyo lang naman hihi. But thank you for reading this. Ineexpect ko talaga na basahin mo hanggang sa dulo ng update na ito.
Saranghaeeee 😘💕 oo ikaw. Thank you sa pag trust mo sa akin for you book choices mwaa!
See you for the next update 💓
BINABASA MO ANG
A Reader's Tambayan
Non-FictionGreat authors with great stories For authors and readers. Note: Kung iniisip niyo na masisiyahan ka sa tambayang ito, wag mo ng ituloy kasi mabobored ka lang. Joke! 😂 Ang tambayang ito ay punong puno ng recommendations at favoritism. If you're new...