Chapter 2
Lyn's (Ang Stepmother) P.O.V
"Pwede niyo po bang i-kwento ang nangyari?" Imbestigador.
Nandito ako ngayon sa isang kwarto kung saan walang gamit, walang kahit ano sa paligid. Tanging upuan ko at upuan ng lalaking nasa harap ko. Kaya pag nag salita ang isa sa amin, malinaw at may echo pa, hindi naman ako mute. nakakapag salita ako pero pagkatapos ng nangyari sa kanila... parang ayoko na mag salita pa. dahil alam ko ang katotohanan.
"Sige po kung ayaw ninyong magsalita, maghihintay lang ako dito. Hanggang sa ready na po kayo..."
Tinaas ko ang ulo ko at tumingin sa kisame... Nakita ko ang babaeng mahaba ang buhok na nakakapit sa taas, at ang mata niya ay napalibutan ng itim, nakakatakot! Nakatingin siya sa akin... May dugo-dugong napalibot sa puti niyang damit, sa itim niyang mahabang buhok, at sa mukha niyang madilim na hindi mo makilala kung sino, Pumikit ako at inalala ang nangyari, bago mamatay ang dalawang magkapatid...
--
FLASHBACK
Nasa byahe kami noon papunta sa bago naming bahay. Pagkadating namin, ay nauna akong pumasok sa loob. at naghintay ako ng mga minuto pumasok narin ang asawa ko. Dati KABIT lang ako ngayon ako na ang ASAWA, Oo. kami na ni Hulyo noong nabubuhay pa ang asawa niya pero 'di alam ng magkapatid, Ang alam nila ay bago ang relasyon namin ni Hulyo. Ang sarap sa pakiramdam ng ako na ang tinatawag na legal na Asawa.Napansin kong malungkot ang asawa ko ng pumasok na siya dito.
"Hon, Bakit ka malungkot diyan?" Tanong ko sa kanya.
"Wala... Nalulungkot lang ako... dahil hindi parin tanggap ni Seri" Sagot niya.
Wala akong paki-alam kung hindi ako tatanggapin ni Seri, basta gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tanggapin nila ako.
--
Nakatagal kami ng isang linggo, ngunit 'di parin ako pinapansin ng mga anak niya gusto ko magpatulong sa asawa ko para maging close sa kanila pero busy 'yun dahil may trabaho. Umaga hanggang Gabi, kaya 'yun, hindi ko na lang siya gagambalahin.
Maglalaba na ako at kinolekta ang mga labada sa bawat kwarto. Inuna ko ang kwarto namin ng asawa ko at ng nakuha ko na ang mga labada, Isusunod ko na ang kwarto ng magkapatid...
Kumatok ako ng mahina sa pinto ng kwarto nila, at ang nagbukas ay si Seri. Pumasok ako dahil tahimik lang siya, Kinuha ko ang labada nila.
"WAG.MONG.PAKI-ALAMAN.IYAN" Matigas na sabi ni Seri. Tinignan ko si Rena natutulog pa pala.
"Ano ka ba anak, lalabhan ko lang naman ang mga damit niyo eh.." Malambing na sabi ko sa kanya.
"Bakit? Hindi naman po kailangan.. Trabaho ko po 'yan di niyo yan trabaho, Dahil akin ang mga Damit na yan!" Sigaw nya sa pagmumukha ko, hindi ko siya pinansin at kinuha ang labada.
![](https://img.wattpad.com/cover/7474187-288-k669792.jpg)
BINABASA MO ANG
Who Killed The Two Sisters? [FINISHED]
Mystery / Thriller(FINISHED) "Sino nga ba ang pumatay sa magkapatid?" Ang tanong na hindi mabigyan ng sagot... Kaya sabay-sabay nating basahin ang 'WKTTS?' At alamin kung sino ang pumatay... Suspects : Tatay, Stepmom, Kaibigan, Kaibigan, Kasintahan, at ang Pinsan... ...