Chapter 4~
Kerstin's (Ang Kaibigan) P.O.V
Naandito ako sa kwarto na wala man lang kagamit-gamit o kahit ano, basta ito lang inuupuan ko, Dinala nila ako dito kasi kailangan ko daw i kwento ang nangyari, Ayokong i kwento sa kanya kaya sa inyo na lang....
---------------------------------------------------------------
FLASHBACK
Mahirap lang ako, Pero nakapasok ako sa isang school, dahil Scholar ako.. Lagi akong binubully dahil parang nalulumaan na ang uniform ko, tas wala pa akong pambili sa sosyal na canteen doon pero isang araw nagbago ang lahat dahil sa mga babae na mayayaman Si Seri , Rena at Phoebe si Seri at Rena ay magkapatid, Kinaibigan nila ako, pero naiinggit ako sa kanila..
Kasi sila Mayaman, samantalang ako mahirap...
Doon nagsimula ang pagka galit ko sa kanila, at di ko namalayan ginagamit ko na sila.... nagpapalibre ako sa ganyan, ganun.. at dumidikit ako sa kanila palagi.
"They don't know, I'm just using them because they're Rich!"
-------------------------------------------------------------
Makalipas ang tatlong araw, tumawag sakin si Seri..
"Kerstin! we're leaving...." malungkot na sabi nya,
Actually, Lumungkot rin ako, pero dahil yun sa wala ng manlilibre sakin.....
"Ganun? Pano naman kaming kaibigan mo?" Paano naman ako... Babalik sa dati ang buhay ko..?
"Wag ka na malungkot.. sige! Paalam na. kasi kailangan ko na talagang umalis.."
"Bye --- *Toot* *toot*" Hayss, Pag nawala sila wala ng magtatanggol sa kin, Sino ng gagastos sa canteen? Si phoebe? eh, pinagtitiisan nya lang naman ako dahil sa kanila eh..
------------------------------------------------------------
Makalipas ang Tatlong linggo Nag group msg. si Phoebe samin na pupunta daw kami sa bagong bahay nila Seri at Rena, Pumunta ako sa meeting place at sumakay kami sa kotse ni Dennis, 4 kami naka alis, at pagkadating namin doon ay 11 na ng gabi, paano kasi 'di namin alam na ganun kalayo!
Pagkadating namin doon sa lugar, tahimik. wala silang kapit bahay at nagiisang bahay lang ito. Nakabukas ang pinto.
Yun ang una naming napansin, Pumasok kami kaagad kasi kilala naman namin ang may ari, dinig na dinig sa baba ang ingay sa taas, di lang maklaro, sabi ni dennis "Shhh.." Tas nung nakaakyat kami pumasok kami sa kwarto kung nasaan sila Seri, Rena at yung Nanay at tatay nya.
Di nila kami napansin... dahil seryoso ang nangyayari sa kanila,
Biglang nagdilim ang paningin ko.. PINATAY ANG ILAW?
Hindi ako gumalaw, Nakikiramdam ako sa mga nangyayari
May nakita akong Kuminang na bagay.. Wtf is that!?!?
'Di ako gumalaw kasi baka isang maling galaw ko ay ikapahamak ko,
Maya-maya't unti nabuhay ang ilaw at pagkabuhay ng ilaw ay isang Karumal-dumal na pangyayari ang bumungad samin.
END OF FLASHBACK
-------------------------------------------------------------
Umalis ang Imbestigador, tatayo na ako ng makita ko si...
Pero diba namatay sya? Patay na sya diba!!!
Nakangisi sya sakin ng nakakaloko...
At may hawak syang Bagay na parang bato pero mas malaki pa sa bato
tatakbo ako pero nahablot nya ang buhok ko
At ipunokpok ang bagay na sobrang tigas
Bago ako matigok sinugurado kung makakapagsalita pa ako...
"Ang galing mo, paano mo napeke ang pagkamatay m-mo, at b-bakit mo pinatay a-ang k-kapatid m---" Hindi ko na natapos, at tuluyan na akong nawala sa mundo
**
May Clue na! Sino sa magkapatid na lang!?!? SERI OR RENA =D
Kailangan basahin ang panig ng dalawang suspects na natira para malaman na kung sino! :D
![](https://img.wattpad.com/cover/7474187-288-k669792.jpg)
BINABASA MO ANG
Who Killed The Two Sisters? [FINISHED]
Mystery / Thriller(FINISHED) "Sino nga ba ang pumatay sa magkapatid?" Ang tanong na hindi mabigyan ng sagot... Kaya sabay-sabay nating basahin ang 'WKTTS?' At alamin kung sino ang pumatay... Suspects : Tatay, Stepmom, Kaibigan, Kaibigan, Kasintahan, at ang Pinsan... ...