CHAPTER 1
Hulyo's (Ang Tatay) P.O.V
"Handa ka na bang mag kwento sa nangyari?" Imbestigador
Naririnig ko sya.. Naririnig ko ang Imbestigador.. Pero nanatili akong nakayuko..
"Mr Hulyo, Mag Kwe-kwento lang naman kayo sa nangyari noong buhay pa ang inyong mga anak..." Naramdaman ko na lang na may tubig sa aking pisngi.
Naaalala ko pa... Naaalala ko... Parang kagahapon lang..... Bago sila mamatay....
--
FLASHBACK
Hinihintay kung bumaba sa sasakyan ang aking dalawang anak, Sinundo namin sila ng bago kung asawa sa dati naming tinitirhan, ang bahay ng mama nila. Patay na ang mama nila, limang taon na ang nakakalipas, at gusto ko dito na sila tumira sa bago naming bahay."Seri at Rena, hindi pa ba kayo ba-baba?" Sigaw na tanong ko sa kanila.
"Papa!!!" Lumabas si Rena sa backseat ng kotse at tinalon ako ng yakap, siya ang bunso. Maiksi ang buhok, maputi, at maganda katulad ni Seri. Kamukhang-kamuka nila ang kanilang nanay.
Lumabas narin si Seri sa kotse ngunit walang eksprisyon na umuukit sa kanyang mukha, Marahil galit parin siya dahil sa bago kung asawa...
"S-sige, ipapasok ko lang ang mga gamit niyo mga anak, Maglibot muna kayo diyan!" Nagpaalam na ako sa kanila. Ngunit bago ako pumasok, nakita ko si Seri na naka upo sa duyan ng playground malapit sa bahay namin, Ako ang nagpagawa ng playground na 'yan, Siya lang nakaupo magisa, nasaan si Rena? Tinignan ko ulit si Seri, may kausap sya sa tabi ng duyan... Ngunit, wala namang tao. Siguro 'di nya lang nainom ang gamot niya.
Pumasok na ako sa bahay at nakita ang aking bagong Asawa.
"Hon, Bakit ka malungkot dyan?" Naga-alalang tanong niya.
"Wala... Nalulungkot lang ako, dahil hindi parin tanggap ni Seri" Sagot ko.
--
Tatlong linggo na ang nakakalipas.. Ngunit, parang hindi naman kami nagpapansinan ng mga anak ko.. Sa umaga aalis ako upang mag-trabaho, dadating ako alas dose ng gabi. Lagi kung nadadatnan na ang lamig ng bahay...
ISANG GABI...
Paguwi ko ng bahay ay agad naman sumalubong sa akin ang tunog ng T.V pagkadating ko sa sala ay nakita ko ang t.v na bukas, sira ito kaya Black&White na nag bu-buzz ang makikita mo, masyadong maingay kaya pinatay ko, at pumunta sa 2nd floor.
Narinig ko ang bangayan sa kwarto ni Seri, Ngunit 'di ko ito marinig ng maklaro kaya Pumunta ako doon at nakitang sinabunutan ni Seri ang asawa ko. Nasa likod niya ang kapatid, na takot na takot.
"Anong nangyari dito, SERI!?!?!?" Sigaw ko. Dahil si Seri ang nakita kong nanakit sa kanyang pangalawang ina.
"Ba't di niyo itanong sa magaling niyong Asawa!?!?" Sagot niya.
Tumingin ako sa asawa ko, at nakitang gulo-gulo ang buhok at may kalmot sa mukha, tumingin naman ako kay Seri na wala namang nangyari sa kanya, maayos parin ang itsura.
"Wala kayong kwentang magkapatid, hindi kayo nakakatulong!"
Nang biglang namatay ang ilaw.
END OF FLASHBACK
--
Naaalala ko pa lahat, Ngunit ayokong i-kwento sa Imbestigador, tahimik parin ako.
"Ok, Mr. Hulyo kung wala po kayong Sasabihin, Iiwan ko muna po kayo..." Umalis ang Imbestigador.
Noong nasigurado kung wala na siya, tyaka ako nagsalita.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"AAMININ KO..... *BLAG!*" Nakita ko ang Pulang likido na galing sa ulo ko, na kumakalat sa sahig.. Isang tubig na naramdaman kong umagos mula sa aking mata, bago ako tuluyang mawala sa mundo.
--
Ang Tatay kaya ang pumatay? ;)
Sino kaya iyong humampas ng matigas na bagay sa Tatay? ;)
BINABASA MO ANG
Who Killed The Two Sisters? [FINISHED]
Misterio / Suspenso(FINISHED) "Sino nga ba ang pumatay sa magkapatid?" Ang tanong na hindi mabigyan ng sagot... Kaya sabay-sabay nating basahin ang 'WKTTS?' At alamin kung sino ang pumatay... Suspects : Tatay, Stepmom, Kaibigan, Kaibigan, Kasintahan, at ang Pinsan... ...