Final

42 3 4
                                    

Annyeong.


Based on true story po itong story na to. Oh sige diresto niya, this is my story. Bakit BaekSoo? Well, wag kang mag-eexpect ng romance sa kanilang dalawa. Masakit kaya umasa, lam mo yan bes.


Hi sa bestfriend ko dati. Para sayo to Bhe. :)


Warning: Medyo lame, and puro skip skip ng scene.


*

Nasa tapat ako ng wishing well, nakatingin lang ako sa sarili kong reflection. Malalim akong bumuntong hininga at kumuha ng coin sa bulsa ko at inihagis ko yun sa wishing well.


"Yung lalaking naka-leather jacket, tapos may jersey sa loob na may number 4, lalaking naka-ripped jeans tapos naka supra na sapatos tapos may suot siyang capa na pula."


Bumuntong hininga ulit ako at tumalikod. Pagtalikod ko ay nakita may nakita akong lalaki nan aka leather—


Teka ayan na ba siya?!


Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Tumatalbog ang dibdib ko at napapalunok ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at dahan dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Kaya pumikit ako at—


*SPLASH*


Agad akong napatayo at nakaramdam ng lamig sa katawan ko. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Kyungsoo na may hawak na balde at masamang nakatingin sa akin.


"HAYOP KANG BAKLA KA KANINA PA KITA GINIGISING!" – sigaw niya sa akin.


"So kailangan mo kong basain? Takte anong oras palanag! Tsaka anong meron ngayon?!" – sigaw ko pabalik sa kanya.


"TANGA! UNANG ARAW NG PASUKAN NGAYON! KAYA PUMUNTA KA NA NG BANYO AT MALIGO! ALAS SAIS NA!" – sigaw niya sa akin, napatakip ako ng tenga sa lakas ng boses niya, tinanggal ko ang pagkakatapik ng kamay ko sa tenga ko. "Infairness ah? Sakto lang pala ang pagbabasa ko sayo, magsabon ka na dun tapos gora na!" – sabi niya sa akin tapos hinagisan nya ako ng tuwalya.


Nag pokerface na lang ako habang nakatingin sa kanya at naglalakad papuntang banyo.


Ako nga pala si Byun Baekhyun, at yung nangbasa sa akin? Bestfriend ko yun, si Do Kyungsoo. Nakilala ko siya nung Grade 2 ako, transfer ako nun at siya ang unang nag-approach sa akin at di ko mamamalayan na siya pala ang taong magiging bestfriend, madadamayan ako sa lahat at madadamayan din ako sa kalokohan. Nung una nga ay medyo natatakot pa ako nun sa kanya dahil baka bullyhin niya ako dahil bisexual ako.


Oo, bata palang alam kong may mali na sa akin, hindi ako katulad ng mga ibang batang lalaki na naglalaro sa labas o kaya naglalaro ng mga robots o kotse. Nasa loob lang ako lagi ng bahay at alam niyo na siguro kung ano ang nilalaro ko. Hihi. Tsaka tanggap ako ni Hyung at ng mga parents ko.


Hindi ko naman din aakalain na Bisexual din si Kyungsoo, inamin niya sa akin nun na hindi sya lalaki nung bata pa kami. Akala ko nga mabubully ako at si Kyungsoo, hindi pala. Nakakatakot kaya magalit si Kyungsoo, at ayoko nang makita yun kahit kailan. :3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BaekSoo: AMICO 🔴Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon