They... MEET /with matching kulog and kidlat/

392 10 8
                                    

     B A Y' s P O V 

   Kyaaaa~ May Ppoint of view na ako! Salamat mga kalog na author!

   [BibiA/N: Tuwang-tuwa ang bruha.]

   Huwag niyo na lang pansinin ang sinabi ni author Bibi. ANYWHO- sa kasalukuyan, may nakabunggo si Ira. And- oh  y gwim, anong sinabi ko?? MAY NAKABUNGGO KAY IRA?! Uh oh.. not good.

   "Are you stupidly blind!?" bulyaw ni Ira sa lalakeng nakabunggo sa kan'ya. Wait, he's not an ordinary lalake. Siya si.. Evan James Cruz! Shemness!

   "I..ira, calm down," sabi ko naman at hinawakan ko ang balikat niya. Eeek! Tama na ang isang eksena sa araw na 'to. Kahit na, sanay na naman ako. E basta!

   "How can I calm down kung ang dami-daming tatanga-tangang tao dito sa school na toh?! Tsk," reklamo niya at halatang nagpaparinig siya. Tinignan ko naman si Evan James Cruz na halatang naaasar kay Ira. Oh no.

   "Ang sakit mo magsalita a. Alam mo naman na may nadaang tao e, bakit hindi ka umiwas?!"  sigaw ni Evan James Cruz. Tinaasan naman siya ng kilay ni Ira. Hay nako. Wala nang makakapigil sa kan'ya.

   "For your info, ikaw dapat ang tumabi kasi ako ang reyna dito. At, ngayon ko lang nalaman na tao ka pala. Hindi kasi halata sa mukha eh," mapang-asar na sabi ni Ira sabay ngisi. Hayahay nako. Naman Ira e!

   "Aba't! Hoy, ang gwapo-gwapo ko para maging tao lang!! Bulag ka ba?!" sigaw ni Evan James Cruz. Hahahaha. Natatawa ako sa kanila! 

   "Eh ano ka? Gwapong halimaw? Tss," Ira rolled her eyes at Evan James. "Mas gwapo pa aso ko sa'yo e. Wala kang binatbat," pagkatapos niyang sabihin 'yun ay nagpeke siya ng hikab. "I'm just waisting my golden time sa walang kwentang halimaw na 'to. Bay, tara na nga," sabi ni Ira sabay walk out. Tinignan ko naman si Evan James Cruz na nakayukom na ang kanyang kamay. Hahaha. Nabwisit si koya!

   "Ang kapal ng mukha niyang sabihan na halimaw ako. Tsk," bulong ni Evan James Cruz. Tss. Talo pala 'to kay Ira e.

   "Suimasen, pero, saan ka naman nakakita ng tao slash halimaw slash reyna na may manipis na mukha?" sarkastikong pagkakatanong ko. Dadagdagan ko lang ang pagkainis niya. Mwaha! Napatingin naman siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

   "Sino ka ba?" tanong niya at may hint ng pagkainis ang tono ng boses niya.

   "Excuse me, iniri ako hindi ako sinuka. Abnormal kapag sinuka ka. Tss.. tanga lang?" sagot ko sa kan'ya sabay inirapan ko siya.

   "Tsk. Who the f-ck are you?!" sigaw niya. Hahahaha. Sorry na, mapang-asar ako e.

   I fake a gasp at gulat ko siyang tiningan, "Didn't your parents taught you not to say those words? At sa babae mo pa mismo sinabi. Wala kang modo!!" Actually, pigil na pigil na ang tawa ko sa lalaking 'to.

Fixing A Casanova's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon