Meet Captain Antipatiko

388 12 0
                                    

     E V A N' s P O V

   "Ba-ba-ba-ba-ba-na-na! Ba-ba-ba-ba-ba-na-na! Bananaaa!! Potatonaa!! i-"

   "Uhmmmm..."

   "Ba-ba-ba-ba-ba-na-na! Ba-ba-ba-ba-ba-na-na! Bana-"

   "Urggh!! Stop that f*cking ringtone of yours Yuan!!"

   "Oh! Sorry! Hehehe! Gising na kasi lazy head! 7 am ang training naten. It's already 6:30!"
sabi ni Yuan at pilit na tinatatanggal 'yung kumot na nakabalot sa'kin. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to. Tsk.

   "Tsk. Oo na. Bwisit 'to, sagabal sa tulog ko." Sabay bangon sa kama ko. Natawa naman 'tong bwisit na 'to sa akin.

   "Teka nga, bakit ka nga pala nandito?" tanong ko habang inaayos ang kama ko.

   "Para gisingin ka, alangan naman rape-in ka."

   "Hoy! Di kita papatulan ulol!" sabi ko sabay punta sa walk-in closet ko at kinuha na ang school uniform ko.

   "Hoy! Di kita papatulan! Straight 'to!" sigaw nya. At nung makalabas na ko sa walk-in closet ko, nakita ko naman siyang nakahiga sa kama ko. Putek 'to!

   "Hoy! Kaaayos ko lang ng kama ko! BWISET! Lumayas ka sa kwarto ko!" sigaw ko sa kan'ya at hinila sya patayo.

   "Pikon talaga. Oo na. Kung makataboy naman 'to kala mong hindi ako kaibigan," pagmamaktol niya at ngumuso. T-ngina. "Kita na lang tayo sa court ha?" sabi niya at pinagpag ang damit niya.

   "Oo na! Hindi ako matanda para makalimutan ko yunkaya lumayas ka na dito!" inis na pagkakasabi ko. "Tsaka pwede ba 'wag kang ngumuso? Ang bakla mo tingnan," dagdag ko. "Lakad! Layas na!" pagtataboy ko sa kan'ya at tinulak siya palabas nang kwarto ko.

   "Makapagtaboy ka ah!" sigaw niya mula sa labas since sinaraduhan ko na siya ng pinto. Hahaha! Sarap talaga asarin nito!

   "Just leave already," I said. "Para namang hindi kita makikita mamaya," bored kong pagkakasabi at pumasok na sa banyo at naligo. Alangan namang maghugas ng plato 'di ba? After 15 minutes ng paliligo at paglinis ng macho kong katawan, sinuot ko na 'yung uniform ko at bumaba na.

   "Good morning sweety," bati sa akin ni mama at hinalikan ako sa pisngi. Hindi parin talaga nagbabago.

   "Morning po Ma."Pero syempre, mahal ko parin ang mama ko.

   "Hey Son!" bati ni Dad sabay tapik sa balikat ko. 

   "Yo Paps!" bati ko sa kanya at sabay-sabay na kaming kumain. Nang matapos na kami ay sinukbit ko na ang backpack ko at nag-ayos na kaunti.

   "Anak, be good sa school mo ha," sabi ni mama habang nakangiti. "Ibaba mo lang ng konti, kahit kaunti lang ang pride mo ha?" sabi ni mama sabay tapik sa balikat ko. Napailing naman ako at ngumiti.

Fixing A Casanova's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon