Chapter Twelve: Nurse and His nightmares.

8 0 0
                                    



LIA'S POV


Ano ba naman kasing pumasok sa isipan nitong si Chris, at nagpapakapagod. Hindi pa pala kumakain, practice na ng practice. Bugbugin ko to e. #FeelingStrong am


Minsan talaga may problema to sa utak. Bigla na lang hindi mamamansin yun pala may sakit na. Hay nakoo, nasstress ang beauty ko. Char haha


"HOY! Bat mo kinakausap sarili mo?" sabi sa akin ni Kuya


Ha? Masyadong bang malakas pagkakasabi ko?


"Hindi kita naririnig halata sa mukha mo. HAHA"


"Wag ka ngang magulo Kuya, baka magising si Chris."


"Yiee, concerned"


"Malamang kaibigan natin to. Umalis ka na nga. Panggulo ka e"


"OO na po. Paalala ha? wag mong rarape-in yang si Chris"


"Umalis ka na nga!" sigaw ko sa kaniya.


"Haha pikon. Bye Liaaaa!"


Wala na kong magawa dito sa kwarto ni Chris pinaalis ko pa kasi si Kuya -.-


Habang natutulog siya inayos ko na muna yung mga gamit niya sa study table, nakalimutan pa ata nitong ayusin yung mga notebook at books niya.


"L-lia anong ginagawa mo dito" nanghihinang sabi ni Chris


Agad naman akong lumingon sa kanya


"Inaalagaan ka, taas ng lagnat mo kanina e kaya tinawag ako ni Kuya hindi niya daw alam magalaga kaya ako na lang daw."


"S-sorry naabala pa kita. Sige na pwede ka ng umuwi nandito naman si Yaya" napansin ko namang sinusubukan niyang umupo.


Kaya agad ko na siyang linapitan at inalalayan.


"S-Salamat"


Nginitian ko lamang siya. Pagkatapos non ay wala nang nagsalita samin.


Nakakabingi.


Nakapikit lang siya at nakakunot ang noo


"May masakit ba? masakit ba yang ulo mo?" pagbasag ko sa katahimikan.


"Hindi na, kaya ko pa naman. Sige na uwi ka na. Baka hinahanap ka na nila Tita"


"Nope, nakapag-paalam na ko and I insist."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon