Chris' POV
*covered court*
"oh tol! Nandito ka na sa wakas! forever late ka parin talaga" timothy
" oh ikaw pala yan tol" ako
"ay hindi si rick to" timothy
"oy bat nadawit pangalan ko diyan?" rick
"wala sabi ko tarang canteen nagugutom na ko" timothy
To talagang timothy na to kaaga-aga canteen agad.
Ah siya nga pala, di ko pa pala sila napapakilala. Yung nauna kong nakausap si Timothy yon, Timothy John Montenegro-Santiago, yung isa naman ay si Rick, Rick Jay Dela Rosa. Nagtataka siguro kayo kung bakit ko sila kilala e samantalang sa iba ako nag-aral noong last school year yung mga magulang kasi namin magkakaibigan kaya mula bata pa lang kami magbebestfriends na kami.
Lahat kami may mga kapatid pero sila palang yung nakikilala at kung sakali man ay sila lang yung naaalala ko.
Papasok na kami ng canteen ng may nakita akong babae sa labas ng CR ng girls and looks like binubully siya specifically binabato ng eggs and flour. And I want to help her.
"pre mauna na kayo susunod na lang ako ah" sabi ko sa kanila
"teka san ka pupunta? Uy!" Rick. Di ko na siya sinagot dahil tumakbo na ko papunta don sa babae na kanina pa inaapi.
" hoy itigil niyo ngayan!" sigaw ko dun sa mga namamato dun sa babae
" Bagong santa mga pre oh di ata tayo kilala" sabi nung mga lalaki na kasama nung mga nang-aaway dun sa babae
" oo at wala akong balak na makilala kayo! Ano aalis ba kayo o gusto niyo makick-out kayo ditto sa school first day na first day ng klase" sagot ko sa kanila aba matapang ata to no!
" at sino ka para sabihin samin yan?" tanong nung mga lalaki
Wala na bang gagawin tong mga to kundi dumada. Di ba talaga sila aalis?
" sino siya? Ang pamilya niya lang din naman ang may-ari nitong school na kinatatayuan mo ngayon" biglang sigaw nitong sila Timothy at Rick
" ano aalis ba kayo?" paninindak ulit nung dalawa sa mga lalaki
Kaya ayun umalis sila ng walang sinasabi
Liana's POV
Papasok palang ako sa canteen para kitain si Sophie, Sophie Ray Montenegro siya yung pinsan ko at bestfriend ko.
Nang naramdaman kong may humatak sa buhok ko at dun pa lang sa galaw na yon alam ko na kung anong mangyayari.
Parang namamanhid na yung anit sa ulo ko dahil sa patuloy na paghila ng mga to sa buhok ko. Eto na naman ako walang laban sa kanila.
Kahit anong gawin ko di nila ako titigilan kaya ayaw ko nang pumasok dito. Gusto kong lumipat ng ibang school kasi ayokong gamitin yung pangalan ng pamilya ko dahil lang sa kami ang isa sa may-ari nitong school na to pero paniguradong magtataka sila mama kaya tiis tiis na lang makakakayanan ko rin to.!
Hindi ko alam na habang pinapalakas ko yung loob ko unti unti ng tumutulo yung mga luha ko kahit na gusto kong pigilan wala e ayaw ng pahinto nitong mga to.
Wala na ring akong marinig na salita kundi puro masasakit na salita "Makati" "malandi" "bitch" "panget""manang" ang dami pang masasakit na salita pero di pa rin sila nakuntento, ngayon naman gusto pa talaga nila akong buhusan at batuhin ng flour at itlog.
Ito na nga talaga ang nakatadhana sa akin pero sana man lang may magligtas sa kin kahit ngayon lang.
" hoy itigil niyo ngayan!"
At maraming salamat Lord dahil tinupad niyo agad naririnig ko palang pero ewan ko bakit unti-unti nang nawawala yung mga mahiigpit na hawak nila sa buhok ko pati na rin yong mga pangbubuhos at pagbabato nila sa akin ay unti unti naring nawawala pero yung katawan ko unti-unti na ring bumagbagsak kahit ang paningin ko ay unti-unti na ring nandidilim then everything went black
Chris' POV
After makaalis nung mga tao ay pinuntahan agad naming tatlo, yung babae at paglapit namin ay nahimatay na yung babae kaya kahit hindi pa namin nakikita yung mukha niya dahil sa flour ay dinala na namin siya sa clinic.
After 30 minutes
" Sir Timothy mukhang binully na naman po si ma'am Lia" sabi ni ateng nurse kay tim
" huh? Si Lia binully na naman kalian? Yun talaga sabi kong huwag masyadong maging mabait" mukhang galit na tong si tim umuusok na yung ilong niya e. nakuha ko pa talagang magjoke no? XD
" actually sir si Lia yung dinala niyo dito and ang dami niya pong pasa at sugat dahil sa panghihila at pangbabato sa kanya" natatakot na sabi ni ateng nurse kay timothy
"ano?! Pwede na ba siyang puntahan ate?" dirediretsong sabi na ni tim. Bakit kaya sobrang alala siya dun sa babae girlfriend niya kaya yun?
"sige po sir" sabi ni ate kaya pumasok na kami
" sabi ng wag masyadong mabait Lia naman e" tulog pa yung Lia daw pero nakaupo si timothy at kinakausap niya yung babae at ewan ko kung bakit umiiyak siya. Lalo tuloy akong nagtaka ano niya ba talaga tong babaeng to. Sila ba? girlfriend niya ba tong babae? o liniligawan niya?