Lia's POV
" alam mo nandito naman na ako kaya wag ka ng malungkot, ha?" sabi ni Chris sa akin
" talaga lang ah?" gusto kong maging sigurado ngayon time baka iwan niya din ako ng basta-basta e
" oo naman, ano? Bestfriends?" pag- aalok niya sa akin, grabe ha ngayon ko lang to naexperience mula nung iniwan ako nung kababata ko.
Kung kanina umiiyak ako dahil sa hirap at sakit, ngayon? ewan ko ba parang gumaan yung loob ko. Ngayon hindi na dahil sa hirap at sakit ang mga luhang to dahil na sa saya na sa wakas may magiging kaibigan din akong handang prumotekta sa akin siyempre hindi naman pwedeng si kuya lang.
" o? bakit umiiyak ka pa rin" tanong niya.
"wala masaya lang ako na may nagging kaibigan na rin ako" siyempre yun naman talaga yung sasabihin ko sa kanya.
"halika na nga habol tayo sa second period natin, drama mo kasi e. haha" aba, loko to a pasalamat siya kaibigan ko siya
"aba, sinisisi mo ata ako ah" ngayon ko lang nalaman na mahirap palang magpigil ng tawa. Ngayon ko nga lang talaga ako nagging Masaya yung nakatawa ng totoo yung nakangiti ng walang halong pamemeke, ang sarap pala sa pakiramdam na may handa pa ring tumulong at magmahal sayo
" hindi no! halika na nga" sabay hila niya sa akin. Siyempre naglakad na rin ako mahirap makaladkad no.
" uy! Masakit na yung kamay ko bitawan mo naman. Haha" sabi ko sa kanya kasi naman yung part na nung may pasa yung hawak niya
"ay! Oo nga pala, o sorry na ha" Chris
Aba kung di lang to guwapo e! jk.
"apology accepted. Ay! Thank you talaga Chris, I really owe you one pero bakit mo pala ako tinulungan?" sabi ko sa kanya. Huminto muna kami para nama makapagusap muna kami.
"teka nga, ikaw ba gusto mopang umattend ng klase? O gala muna tayo?" sabi sa kin ni Chris with matching taas baba kilay pa haha
"BI ka. Haha jk. Ako, okay lang sa akin siya rin lang naman na excuse na tayo. E di ienjoy na natin ito" ngayon ako naman ang humila sa kanya papunta sa rooftop. Ewan ko ba ditto ako dinala ng mga paa ko.
Pagdating namin dito sa taas umupo na agad ako sa bench. Ganon din si Chris.
"tuta---" hindi ko na pinatapos si Chris sa sasabihin niya
"hep hep hep. Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko sayo kanina." Tanong ko kay Chris
"Bakit ayaw mo ba nang may tumutulong sayo? E baka nga kung di kita o namin tinulungan dun kanina hospital na abot mo. E dim as patay ka sa mga magulang mo tas makikickout pa yung mga estudyante. Naaawa naman ako sa kanila" natatawang sabi niya sa kin
"hindi naman sa ganon pero nagtataka lang ako bakit sa dinami dami ng nangangailangan ng tulong ay ako pa ang tinulungan mo. Pwede namang yung mga babae sa canteen diba? Tulungan mo silang magbuhat ng tray ganon." Ako
" kaya na nila yun may kamay naman sila tsaka mas kinikailangan mo ng tulong ni Batman" sabi niya sa akin sabay nakakalokong ngiti.
Chris' POV
"hep hep hep. Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko sayo kanina." Aba di pa nakalimutan yun pero kapag mga atraso at pananakit ng iba nakakalimutan niya. Lia talaga o
"Bakit ayaw mo ba nang may tumutulong sayo? E baka nga kung di kita o namin tinulungan dun kanina hospital na abot mo. E dimas patay ka sa mga magulang mo tas makikickout pa yung mga estudyante. Naaawa naman ako sa kanila"
Ewan ko ba yan nalang yung bigla ko na sabi ayaw ko na rin naman kasing padramahin pa yung usapan XD pero jk lang siyempre para hindi na malungkot to ilighten up na lang ang mood
"hindi naman sa ganon pero nagtatalka lang ako bakit sa dinami dami ng nangangailangan ng tulong ay ako pa ang tinulungan mo. Pwede namang yung mga babae sa canteen diba? Tulungan mo silang magbuhat ng tray ganon." Sabi niya sa akin.
" kaya na nila yun may kamay naman sila tsaka mas kinikailangan mo ng tulong ni Batman" Sagot ko naman sa kanya, e totoo naman e
Sa totoo lang di ko rin alam kung bakit ko siya tinulungan pero nung nakita ko siya na sinasaktan naalala ko na may kaya akong gawin sa mga ganong oras kahit masaktan ka pa. yan yung tinuro sa akin ng mga magulang ko kaya pag may nakikita akong binabastos at sinasaktan ay hindi na ko nagdadalawang isip na tulungan sila
-flashback-
"tama na! nasasaktan na ako. Maawa na kayo please!" pagmamakaawa nung babae sa mga lalaking kanina pa siya sinasaktan, binabato ng itlog ng flour pati na nga plastic at tray nagawa na nilang ibato sa babae.
Hanggang sa marealize ko na lang na yung babae na yun ay isa sa mga anak nung kaibigan ni mama
" tama na! maawa naman kayo babae yan!" sabi ko dun sa mga lalake
" e sino ka ba para namnan pakielaman kami dito" tinulak ako nung lalake pagkatapos niyang sabihin yon.
" isa lang naman akong lalaking marunong at malaki ang respeto sa mga babae." sagot ko. Tatayo na sana ako pero bago pa man ako makatayo may sumuntok ulit sa akin.
Pagkatapos nung suntok na yon. Tumayo na ako at tinulungan ko yung babae. Dinala ko siya sa clinic at dun ko nalaman yung name niya siya pala si Sophie Ray Montenegro. Sobra yung thank you niya sa akin kaya biniro ko siya na pag di pa siya tumigil isusumbong ko sa parents niya yung nangyari. Malamang kakilala namin sila e. kaya tumigil na rin sila.
"o sige na iwan mo na ako ditto padating na rin naman yung sundo ko" sab niya sakin na nakangiti pa parang walang masamang nangyari
"sigurado ka?" paninigurado ko
"oo sige na pumunta ka na dun" sabi niya sa kin
"binilin ko na lang siya sa nurse tas umalis na rin ako
Pero bago pa man ako makalabas ng gate may nagaabang na sa akin dun sa hallway mukhang yung mga lalake kanina dadaan lang sana ako pero bigla nalang nila akong sinaktan
-then everything went black-
Pag gising ko na sa hospital na ko at nandon sila mama at papa. Para akong may mga nakalimutang bagay kaya pinasabi ko yun sa doctor,
May mga tao at pangayayari nga akong nakalimutan pero hindi lahat.
Tinanong ko kila Mama kung anong nangyari pero wala din daw silang slam. Tinawagan nalang sila para sabihing may nangyari sakin.
Pinagpahinga lang nila ako sandal bago nila sinabi sa akin na ililipat na nila ako ng school at pinapakickout na rin nila sa school yung mga nanakit sa kin. Sabi ko nga wag na kasi buhay pa naman ako pero sabi nila "our decision is final. At ipapakickout talaga namin sila" kaya no choice na rin ako. 2nd year pa lang ako nung nangyari yon kaya linipat ako sa states until nagdecide sila na mas maganda kung kasama ko sila kaya ditto na ako sa pinas nag 4th year.
-end of flashback-