Siya kasi, hindi niya ako nakita.**
"So yes, we were together for like, 10 years. Tapos isang umaga nagising na lang siya na.. hindi na ako yung gusto niyang makasama sa buhay niya." Sagot ko sa tanong ni ate sabay inom sa dark chocolate na binili ko dito sa 7eleven.
Tumango siya at kitang kita ko ang nagbabadyang luha sa mga mata niya. Alam ko, naaawa na siya sakin. Kanina ko pa kasi ikinukwento sakanya ang kinahantungan ng aking buhay pag-ibig.
Ngumiti ako ng matipid. Napatingin sa wrist watch ko at nakitang alas dos na pala ng madaling araw.
Pasimple pa siyang nagpahid ng mata. Namumula na rin ang ilong niya. Awang awa na siya sakin.
Kaya naman napagpasyahan ko nang umalis.
Tumayo na ako sa upuan at ngumiti sakanya.
"Sige ate. Mauuna na ako. Salamat sa pakikinig ha. Good luck sa lovelife niyo ni kuya." Sabay tingin ko sa kamay ni ate na humigpit ang hawak sa braso ni kuya na kanina pa nakasubsob at natutulog sa mesa.
Siguro sa isip niya, wag naman sanang mangyari sakanila ang nangyari sakin.
Well, sino nga naman ba ang gugustuhing maranasan ang naranasan ko, di ba?
Tumango si ate at ngumiti sakin. Hindi na siya makapagsalita dahil alam kong nagpipigil na siyang humikbi.
Tuluyan na akong lumabas sa 7eleven. Lumingon ako ulit doon bago lumiko sa kanto namin at nakita kong nakamasid pa rin sakin si ate.
Napailing na lamang ako.
Why is it always easier to talk to strangers about your deepest problems?
Siguro dahil alam mong hindi ka nila huhusgahan sa huli dahil hindi ka naman nila totoong kakilala.
I really have this habit of sharing my problems to a complete stranger. Hindi ko alam kung kailan ko pa ito ginagawa pero nakasanayan ko na.
Kagaya nung si ate. Nakiupo lang talaga ako sa lamesa nila ni kuya at ayun na nga, napakwento na.
Habang naglalakad ako pabalik sa bahay namin, naalala ko na naman yung sakit.
Well, 10 years is not a joke. Hindi naman talaga madaling kalimutan.
Wala naman talaga akong magagawa kundi indahin yung sakit.
The pain feels like it was only yesterday.
Well, kahapon lang naman talaga kami naghiwalay.
"I'm sorry Charie but I can't do this anymore. I love you but I don't see "us" in the future anymore. I'm so sorry. Let's.. let's just break up."
And poof. Here we are now.
Four sentences. A bunch of words. It took only that to break a 10 year relationship.
Yun lang.
Sa dami ng pinagdaanan at pinag awayan namin, yun lang.
Yun lang pala ang tatapos ng lahat.
10 years.
10 years worth of our lives.
At sa 10 taon na yun, hindi na sapat na "mahal niya lang" ako para makasama habang buhay.
Masakit?
Hindi na nga ata accurate ang salitang yan para ipaintindi ko kung ano ba talagang nararamdaman ko ngayon.
Imagine planning your whole life ahead of you with that certain someone.
Getting married.
Building your dream house.
BINABASA MO ANG
Sometimes, Love Is Never Enough
RandomCompilation of One shots, movie reviews, rants at kung anu-ano pang kailangang ilabas sa utak ng mahaderang author, dahil kapag hindi niya nailabas, mababaliw siya. In short, garbage bin. ;)