Open Letter #02

26 0 0
                                    

I just finished watching I'm drunk, I love you on YouTube. Yea, yea, I missed it on the theaters. Ang ilap niya kasi nung time na pinalabas siya, if you know what I mean. Anyway, ito yung naging epekto at impluwensya niya saken. Hahaha, read away.

**

To the first guy I ever loved, yet.

Mahal kita.

Matagal na.

Been 5 years too long.

We're friends. Well, I never would've wanted to introduce you as my "friend" because of my stupid rule of no crossing of lines with friends.

So let me rephrase that.

We're classmates. We're not close at all.

But we had that one moment.

I really didn't know when it exactly started. I just woke up, I already love you.

With just a snap. Mahal na pala kita.

Hindi naman tayo close. Suplado ka kasi sakin. Hindi ko rin alam kung bakit.

Pero yun siguro yung isang dahilan kung bakit inokupa mo ang utak ko. Pinag isip mo kasi ako ng mga dahilan kung bakit hindi tayo close samantalang halos lahat ng mga kaklase ko ay naging kaclose ko.

We graduated. But I never get to graduate from you.

Nagkaroon tayo ng magkaibang mundo. Magkaibang mga kaibigan. Magkaibang trip.

But I always find myself looking out for you.

Hanging for every tiny bit of information I could get about you without being caught. Ang lakas kasi mang alaska ng mga kaibigan natin.

We're in the same circle of friends. But you're that one guy who's always missing in action.

Ako naman yung laging present.

Lumipas ang mga panahon na hindi tayo nagkikita, nag uusap. Pero normal naman satin yun kasi nga, hindi naman tayo close.
Pero alam ko, ramdam ko kapag nandyan ka na. Pano, nahihirapan na akong huminga.

You always make my heart race by just talking. Hearing your voice does that to me.

Lalo na kapag ngumingiti ka na. Wala na. Hulog na naman.

Kapag may happenings, nag uusap naman tayo. Inaasar mo ko tas tatawanan kita. Tapos magtitinginan mga kaibigan natin ng mapang asar sakin, kasi alam nila.

Alam nilang baliw na baliw ako sayo. Noon.

Ikaw lang naman ang walang alam.

Nakailang girlfriends ka na daw. Hindi ko alam. Alam mo kasi yung UNFOLLOW but remain as friends sa FB? That's the greatest feature FB has ever created!

Yun. Kaya hindi ako updated. And I'm so glad I did that.

Nalalaman ko na lang naman kapag may session tayo tapos inaasar ka nila.

Ngingiti na lang ako kasi sa isip ko, Shit! Buti na lang hindi ko nakita.

Hindi ko nakita kung gaano siya kaganda.
Hindi ko nakita kung paano mo hinawakan ang kamay niya.
Hindi ko nakita kung paano mo siya titigan.

Hindi ako nasaktan nung mga panahong nandun pa siya. Kasi tapos na nung nalaman ko. Ang galing ko di ba?

Pero wag ka, sinubukan ko namang tumingin din sa iba.

Flings, harot, landi, you name it, I've tried it.

Pero ayun nga, no matter where I look, no matter how many other guys I stare at, I always find myself gazing back at you.

It sucks. I know.

Pero iba kasi talaga ang dating mo sakin eh.

Hindi ka naman kagwapuhan. Malakas lang talaga ang bilib mo sa sarili mo. Aminin mo totoo to. Hahaha!

Pero ikaw palang kasi yung nagpatigil ng mundo ko.

Ikaw palang yung nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Ikaw palang yung nagpakapos ng hininga ko.

Pero sana, hindi LANG ikaw yun.

Kasi matagal ko nang tanggap na hanggang kaibigan lang ako sayo.

Ilang beses ko na bang sinabi sa sarili ko yan? Hindi ko na mabilang.

I want to experience to fall in love with someone again. And most of all, I want that someone to fall in love with me as well.

Masarap magmahal. You taught me that.

Yung kilig na halos atakihin na ako sa puso. I miss that feeling.

Ngayon, I want to tap myself on the shoulder. Kasi, kaya na kitang titigan sa mata nang hindi ako nanghihina.

Kaya ko nang makipagsabayan sa mga banat mo na dati nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

Kaya ko na.

Kaya ko na.

Kaya ko na.

At alam ko, malapit na.

Though you'll always have a special place in my heart.

I'm loving you a little less everyday.


Yours always,

The girl who loved you from afar.
❤❤❤

Sometimes, Love Is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon