Introduction pa ba?

85 4 0
                                    

Ayoko ng kahit anong drama. E ganto ako e. Madrama na nga buhay makikisama pa ko. Isa lang naman ang gusto ko eh. Ang palaging mag happy happy kasama ang mga tropa.

Sa umaga, dederetcho sa tambayan, itutuun ang sarili sa isang nakahain na long neck sa lamesa. Mabenta ang paninda nila aling Edna na mga inumin namin na pampatanggal ng uhaw. Dapat laging present sa lamesa baka murahin ako ng mga punyeta, at masabihang walang pakisama.

Aabutin kami ng magdamag sa ganto. Sa pagtungga ng alak, pagsimot ng tig-pisong pang laman tyan at paghithit ng sigarilyo na halos wala ng pake kung anong masamang epekto sa katawan. Eto ang tinatawag na happy happy ng barkada.

"Oy magaling na lalaki, inabot ka na naman ng umaga! Di ka na ba marunong umuwi ng nasa oras! Sa susunod sasaraduhan na kita ng pintuan. Wag ka na lang umuwi dito"

Maingay na naman si mama. Eto na naman kami sa gantong senaryo. Sabi nga nila isa akong masamang damo sa pamilya. Sanay na ko.

Nagtalukbong na lang ako ng unan, gusto ko pang matulog. Masyado pang maaga para sa kin.

Di ko masisisi si mama kung bat ganyan na lang sya sakin. Magisang anak ako. Katorse anyos palang nagloko na ko sa pag aaral. Di ko matagalan ang high school. Ayoko ng mga responsibilidad. Ewan ko ba naman kase kung bat nakakailang repeat na ko. Mahina lang siguro ang utak ko. Sabayan pa ng katamaran. Kaya ko na sarili ko. Kumikita naman ako ng paextra extra sa pagtatawag ng pasahero ng jeep eh.

"Ano di ka pa ba babangon dyan?! Uuwi ka ng umaga, gigising ka ng tanghali tas lalayas ka nanaman, halos di na kita nakitang napirme sa bahay, wala ka na bang pangarap sa buhay mo?!"

Ano nga ba pangarap ko? Meron naman siguro kaso sa ngayon ayoko na munang mangarap ng mataas.

Di ko na matagalan to. Di na mabalik ang antok ko. Makatayo na nga. Deretcho sa lamesa. Naghahagilap na naman ako ng pagkain. Nagwawala na ang bulate ko sa tyan. Habang pinipilit palabasin sa kabilang tenga ang mga sermon ni mama.

Minsan lang ako makatyamba ng pagkain sa lamesa. Pag minalas ka. Magtiis ka. Sinasadya kase na wag akong tiran ng pagkain kapag di ako bumabangon ng maaga para daw magkusa ako kaso wala naman pagbabago.

Kung sinuswerte ka nga naman. May natira pang isa't kalahating tinapay na putok. May kagat na kase yung isa pero pwede na, laman sikmura din.

Habang nginunguya ang nagiisang tinapay. Nakarinig ako ng sipol sa labas. Sinyales na tinatawag na ko ng mga punyeta.

Tumingin na muna ako sa kaliwa't kanan. Tyumityempo na di mahuhuli ni ermat paglabas. Dali dali kong kinuha ang tsinelas at kumaripas ng takbo palabas.

"Tangna mo! Tagal mo lumabas" yan si kokak. Isa sa tropa. Mahilig manilip yan eh. Malibog ang hayop na yan eh kaya siguro kokak ang tawag sa kanya.

"Gago nagtoothbrush ka ba?! Baho ng hininga mo gago!" nakakasulasok na kase pag nagsasalita sya.

Niyaya ko na sila umalis at baka makita pa kami ni ermat. Yare na naman ako. Parang mga nakawala sa hawla.

Mga tambay at walang dereksyon sa buhay kung ituring ng mga nakakakita. Masaya ako sa presensya nila.

Inlove na ata ako pare ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon