Ang payo ng matanda

18 1 0
                                    

"Alam mo pre, anohin mo na yang si Cielo, baka maano pa ng iba. Nako kawawa ka talaga!" saad ni kokak habang nginu-nguya ang siopao nyang 'unang kagat, hangin ang laman'.

"Anong ano?!" kunot noo kong sagot.

"Pormahan mo na yan. Baka pormahan pa ng iba. Napaka berde mong mag-isip!" di ko alam kung bat sarap na sarap sya sa kinakain nya kahit sauce lang nagmimistulang palaman.

Kaming dalawa lang sa tambayan, kumakain ng nakasanayang siopao, kahit softdrinks lang ang kinaya bilang panlaban sa pinagpapawisang katawan.

Bugtong hininga lang kinaya kong tugon kay kokak.

"Yun nga problema pre" isang sipsip sa hawak na inumin bago magsalita muli. "Natotorpe nga ko kapag kaharap ko na sya"

"Lul ka nick! Walang torpe sa atin. Tandaan mo yan." patuloy nyang pag nguya at ninanamnam ang huling piraso ng siopao sa kanyang kamay.

Naramdaman ko ang pagkuha nya ng inumin ko na hawak ko kanina lang. "Pre akin na lang ah?"

Napakabalasubas talaga ng kumag.

"Pre, ang babae konting bola lang kakagat na yan. Tiwala lang!" malakas na dighay ang sumunod na ginawa nya. Sanay na ko sa kababuyan ng kaibigan.

"Hindi e. Mukhang hindi e" napansandal na lang ako at di maiwasang di matulala.

"Ah. Para palang kulangot yang chix mo.. Hard to get! Step by step dapat yan e, pero mas maganda kung alam nyang gusto mo sya. Wala naman masama kung susubukan e"

Dapat ko na ba sabihing gusto ko sya? Ilang araw pa lang kami nag-uusap. Baka maisip nyang napaka presko ko naman.

"Ang aga-aga nyong nandito! Nakakaistorbo kayo ng natutulog ah?! Hoy kokak kailan mo babayaran ang inutang mo dito?! Aba! Napakahaba na ng listahan ng utang mo." sumingit pa si aling edna na may-ari ng tindahan na aming pinagtatambayan.

Medyo may katandaan na itong si Aling Edna, nabyuda ng maaga. Walang duda kung bakit masungit syang talaga.

"Aling Edna chill lang, babayaran ko yan kapag nanalo ako sa lotto, dodoblehin ko pa ang bayad ko. atyaka may problema pa tong si nick kaya dapat isipin ng mabuti." palusot ni kokak sa nagsusungit na matanda.

"Alam mo, mamatay na ko ng di mo pa nababayaran yang utang mo at pati yang si nick-nick dinadamay mo!" nakapameywang na sagot ng matanda.

"Ito ho kase tong kaibigan ko, nagbibinata na torpe pa. Pomoporma sa babaeng kolehiyala" tumawa si kokak ng mapang asar.

"Bago nyo unahin yang ligaw na yan. Mas maganda pa din kung may natapos ng pag aaral ang lalaki, nung dalaga pa ko. Never kong sinagot si Ricardo hangga't wala pa syang diploma. E ano ba ang natapos ng kaibigan mo?" patuloy nyang pag-usisa habang nag-aayos na ng paninda.

"Ano pa ba! Edi High School. Kakapangarap na makapag aral sa UP. Napunta sa UPian ng lata!" tawang tawa si kokak sa kalokohan, sinusulit nya ang aking pananahimik.

"Gwapong bata sana tong si Nick, naging laman lang ng kalsada at nabarkada pa mga katulad mong tambay lang." huling sinabi ng matanda bago sya pumasok sa kanyang bahay para ipagpatuloy ang pag-aayos ng paninda.

"Napakasungit talaga nitong matandang to palibhasa di naranasan maging masaya, daig pw ang librarian kung manita!" inis na bulong ni kokak kay Aling Edna.

Ano nga naman bang lugar ko sa may pinag-aralan? Magkaibang magkaiba nga talaga kami ni Cielo.

Kumbaga, gusto ko sya pero di pa man ako nagtatapat ay talong-talo na agad ako sa ligawan. Di man lang ako makasabay.

Sya, ang pangarap nya ay matapos ng pag-aaral. Ako, nabubuhay lang at nagpapalipas lang ng araw sa tambayan.

Magkasing-edad lang kami ni Cielo pero malayo na ang nararating ng dalaga. Malapit na syang umakyat ng entablado para kuhain ang kanyang diploma.

"Pre mauna na muna ako" Tuloy-tuloy lang ang lakad ko pauwi at tila gusto ko muna magpahinga.

Tulala akong naabutan ni ermat, sari-sari ang kanyang dala-dala buhat ng pumunta sya ng palengke ng sya lang mag-isa.

"Tulungan mo nga ko at ilagay mo ito sa kusina!" agarang utos ni ermat kaya nagmadali na lang ako sa pagtulong sa kanya.

Habang nilalabas ko sa plastik ang mga pinili nya, di ko maiwasan na magbaling ng tingin sa pagod na pagod na ina.

"Ma" ang unang salita na lumabas sa mga labi ko.

"Pwede ba kitang makausap?" ang sunod nasabi ko ng mabaling sakin ang atensyon nya.

"Ma.. May sasabihin kasi sana ako.."

Inlove na ata ako pare ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon