Umagang umaga pa lang ay nagkayod kalabaw na para madagdagan ang inipon mula sa ilalim ng unan sa aking higaan.
Maagang umextra para maging delivery boy ni tsong sa tubigan. Kahit ang dota, alak at sigarilyo ay tinalikuran.
Naging masaya ang umaga ko. Di na mapakali ang mga paa kong nagsasabing 'tumuloy' na ko. Inarbor ko na din muna ang bagong t-shirt ni totoy, na kapatid ni tolits. Tyak! Dagdag pogi points ang aabutin ko neto.
Maaga kong niliban ang aking lungga at dumeretcho na lugar na pinagusapan namin upang maghintay.
Kagabi ko pa inipon ang mahabang pasensya at matatag na determinasyon para di magkamali sa araw na to.
Ang segundo naging minuto, ang minuto naging katumbas ng ilang oras ng paghihintay ko pero di ko man lang namalayan na tatlong oras na kong naka-tengga sa lugar na to.
Sisiputin kaya ako ni Cielo?
Hindi na ba talaga?
Pero nag "Okay" sya. Diba?
Patay malisya na lang akong tumayo at nagdesisyon ng lumayo. Badtrip talaga!
Binagalan ko ang paglalakad, nagbabakasakaling dumating sya, ilang lingon, ilang hakbang din ang ginawa pero walang napala.
"Nick?"
Isang tinig ang pumukaw ng aking atensyon kaya dali-dali kong nilingon ang taong tumawag ng pangalan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng bumungad sa akin si Cielo.
"Sorry na-late, humanap pa kase ng tamang tyempo para lumabas ng bahay"
Parang nabalewala ang matagal na paghihintay ko ng makita ko na sya na sinipot. Nilapitan ko sya ng walang pag-aalangan.
"Akala ko di ka na pupunta e"
"Hmm.. Di ako nakakalimot. Gusto ko din kasi magpasalamat sayo kaya nandito ako" sagot naman nya sa sinabi ko.
"Wala yun. Tara na?"
Yung pakiramdam na para akong natutulala kapag kausap ko sya. Pakiramdam ko may medyo lumuluwag na ang turnilyo ko sa ulo.
Habang sinusuyod namin ang daan patungo sa gotohan, halos di ako makapagsalita, di ko naman kase alam yung sasabihin pag nandito na sya sa tabi ko.
"Tahimik ka pala e no?" tanong nya.
"Ha? Hindi..."
Nako Nick, mag-isip ka ng itatanong. Dali.
"Hmm"
"Hmm.. Kamusta ka?
Isang malaking sampal ang gusto kong igawad sa mukha ko. Tama ba na itanong ko yung bagay na walang ugnay sa usapan?
Dami-dami naman kaseng tanong e, sana kumuha na lang pala ako sa Guugle ng di ako na pinapahirapan sarili ko.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha nya at biglang pakagat labi nyang pinipigilan ang kanyang pag ngiti.
Di naman malayo ang gotohan kaya madali kaming nakarating sa lugar na yun kaso...
'Sorry we're closed' ang samin ay bumungad. Nako! Para akong pinag sakluban ng langit at lupa.
Dismayado kaming naglakad pabalik. Nako minsan na nga lang di pa ko pinagbigyan ni Big Boss, baka kase siguro nakalimutan kong magdasal kagabi kaya nagtampo.
Big boss nako bigay nyo na sakin tong araw na to.
Wala na kase akong maisip na pwedeng makainan at baka ma-short ang ipon ko.
Palinga-linga akong tumitingin sa bawat dadaanan ko. Ayokong matapos dito ang 'first date' namin ni Cielo.
Ayon! Isang ngiting tagumpay ang sumapi sa pagkatao ko ng makita ang isawan doon sa kanto.
"Tara doon tayo sa turo-turo"
BINABASA MO ANG
Inlove na ata ako pare ko!
RomantikThis is my first try lang na gumawa ng gantong story. Hindi ko inaasahan na susuportahan ako ng madaming tao sa paligid ko :) Thank you sa lahat ng support. Yaan nyo I'll do my best para magustuhan nyong... mga nagbabasa neto :") Enjoy reading :)