Pag katapos ng senaryong yun. Halos di na ko nakakapag isip ng maayos. Sa madaling salita, Lutang!
Ganto ba talaga ang epekto isang neneng katulad nya?
Gusto ko syang ayain lumabas at hingin ang kanyang ilang sandali. Ngunit nasasanay na lang din akong patuloy na magbakasakali.
Gwapo naman ako ah?. Buong tapang na bulong ko sa sarili habang patuloy na inaayos ang porma ng buhok sa side mirror ng jeep ni Mang kanor.
Kailangan mag ayos. Kailangan magmukhang tao sa harap ni Cielo sapagkat ilang minuto na lang ay darating na ang pinaka magandang dilag ng buhay ko.
Pasilip silip sa gilid ng mga nakaparadang sasakyan. Hinihintay na masilayan sya kahit sa malayo lamang.
Hanggang sa sandaling di ko inaasahan. Nakarinig ako ng ingay mula sa aking likuran.
"Huli ka balbon! Bat nandyan ka? May tinataguan ka ba?" napaka ingay talaga tanginang bakulaw.
"Wala ah!" patay malisya kong nilingon ang linya ng mga pasaherong nagsasakayan.
Hanggang sa....
Muli ko syang nasilayan.
Nakatingin sya sa dereksyon ko, seryoso lang ang kanyang mukha.
Uurong.. Susulong.. Ganyan yung tanging galaw na nagagawa ko. Nakakatawang isipin pero mukha na kong naiihi sa mga sandaling ito.
Aba jusko naman! Halos lahat ng sikat na linya ni Robin Padilla ay kinabisado ko na kaso naiinis ako umuurong ang dila ko kapag kaharap ko na sya.
Aba ilan na ang natira mo, torpe ka pa?
Ilang beses syang tumingin sa dereksyon ko. Nahahalata na kaya nya?
"Ganda naman nya!" nakangising bulong ni kokak sa aking tenga.
"Oo nga e" sagot ko na malayo sa kamalayan.
"Gusto mo ba sya? Eh bat di mo pa lapitan at nang magkakilanlan na?" tanong ni kokak na halos maamoy ko na yung hininga nyang pamatay tao sa sobrang lapit nya sa pagmumukha ko.
Inangat ko ng konti yung suot kong t-shirt na sasakto para matakpan ang ilong kong di makatagal sa amoy ng hininga ni kokak.
"Humahanap lang ako ng tyempo tyaka pre. Konting distansya naman oh! Di ko na matagalan eh"
"Sus! Ilang taon ka ng tuli, weak ka pa din?!"
"Tangina mo! Sinong nags- - -" haharapin ko na si kokak para magilitan ng leeg ngunit nawala ng sobrang bilis na parang....
"MAGNANAKAW!"
Mabilis kong nilingon ang taong sumigaw ngunit natigilan ako ng makita ko syang halos umiiyak na dahil sa pagkatakot sa taong tumatakbo palayo sa kanya.
Si Cielo...
Kailangan ako ni Cielo.
BINABASA MO ANG
Inlove na ata ako pare ko!
RomanceThis is my first try lang na gumawa ng gantong story. Hindi ko inaasahan na susuportahan ako ng madaming tao sa paligid ko :) Thank you sa lahat ng support. Yaan nyo I'll do my best para magustuhan nyong... mga nagbabasa neto :") Enjoy reading :)