Drinking Marathon

21 3 0
                                    

Hilata.

Gulong.

Lipat sa kabila.

Dapa.

Nagpagulong na naman.

Talukbong.

Upo.

Di ako makatulog ngayong gabi. May nag uudyok sa loob ko na kamustahin sya pero kase...

Wala akong load.

Pero di ko sya matiis, masyado ko na syang miss, kaya nagmamadaling tumayo at nagbihis.

Kahit nagmimistulang akyat bahay sa sariling tahanan ay tumuloy pa din para lang makaiwas sa mga mata ni ermat na naglilisik.

Ilang langgam pa ang sa katawan ko ay nagkasiyahan bago ako makababa sa likod bahay na nagmimistulan kong daanan sa tuwing ako ay mahuhuli ng uwi galing tambayan.

Agad kong narating ang tindahan para kargahan ng load ang cellphone kong napaglumaan, ngunit malaking 'SARADO NA KAMI, BUKAS KA NA LANG BUMAWI' ang sa mga mata ko ay bumalandra. Nakakasuya naman!

Di pa nagtatagal ang mga paa ko sa lakaran ng bigla akong nakita ng mga tropa kong nagtatagayan. Mukhang malalim na ang kanilang usapan. Nilapitan ko na lang sila sabay 'shot' para sa kanilang kahilingan, tangina at ang hirap lumiban lalo na at napapasarap na ang inuman.

"Pre! Dalawang araw ka ng absent sa tambayan. Kamusta na ba ang yung chix mo sa todahan?" ang pag uusisa ni kokak na halos namumula na dahil sa dami ng boteng natutungga ng punyeta.

"Yown! Nagbibinata na ba talaga baka naman libog lang yan ah?" singit pa ni nognog na halos maramdaman ko na ang bigat ng braso nya na sa akin ay naka-akbay.

"Mga ulol! Ibahin nyo na to ngayon" ang pagmamalaki ko pa sa harap nila.

Nagtuloy tuloy lang ang ikot ng tagayan, kahit tirang ulam lang nila nognog ang pinagsaluhan. Kahit ganto ang aming libangan, masasabi ko pa din na solid ang aming samahan.

Kung saan saan na nakarating ang kwentuhan, mga kwentuhan na walang saysay, pero kung minsan ay meron naman. Halakhakan at kantyawan paniguradong talo ang uuwing pikon sa gitna ng asaran.

Tuloy tuloy lang ang ma-boteng usapan, ngunit naantala ang aming hiyawan ng marinig namin na tumunog ang cellphone ni tolits na nakapatong lang sa aming hapag inuman.

Mukha syang pinagpawisan at agad pinatahimik ang lahat sa sandaling sila ay magkausap ng tao sa kabilang linya.

Agad naman akong nagtaka sa biglaang inasal ng isa sa aming tropa. Nakita ko ang mapang asar na tinginan ng iba sa kanya. Panigurado naman ako na may di pa ko nalalaman kay tolits na alam na ng iba sa aming barkada.

"Sino yun?" pagtatakang tanong ko sa kanya ng makita kong tapos na ang ilang minuto nilang usapan.

"Pre! Di mo pa ba alam? May shota na yang si tolits" sabay sipol nila kokak na sigurado akong tinamaan na.

Isang malutong na mura at konyat ang binigay ni tolits sa kanila. Napaka sira ulo talaga! Kaya masaya ako pag kasama ko sila.

Si Mae pala ang bagong babaeng nabola ni tolits. Tyak akong maganda sya katulad ng unang babaeng nasungkit nya bago pa yung Mae. Akala ko nung una, sa Counter Strike, Dota at LOL lang magaling tong ulupong na ogag, hindi pala, pati pala sa babae, todo bigay sya. Kung tutuusin ay di naman sila lugi kay tolits kahit na sadyang mas lamang ako ng konting ligo, eh masasabi ko din namang pinagpala sa pagiging gwapito ang lokong kaibigan.

"Kala ko pre poreber ka ng magtatago sa palda ng nanay mo, may alam ka pala sa panliligaw" patuloy na pang aasar ni kokak.

"Easy-han mo lang kokak baka mapikon si tolits, umuwi ka ng may pasa sa mukha" nakatawang singit ko.

"Sabi ko sa inyo e. MAE POREBER!" sigaw ni nognog, sabayan pa ng pagtaas nya ng bote ng REID HORSE.

Nagtuloy-tuloy ang walang kwentang usapan hanggang abutin kami ng pasikat na araw. Tumigil lang ang tagayan ng isa sa amin ay Knock out na sa inuman. May amats na din ako kaya kailangan ng umuwi galing sa nangyareng Drinking marathon kanina lang.

Chilax lang, may mamaya pa para makita mo ulit sya..

Inlove na ata ako pare ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon