1: He's Back

46 11 11
                                    


"I will protect you with my life. I will be loyal and understanding. If you accept me, I will do everything for you. I promise."

Naitaas ko ang kaliwang kilay matapos mabasa ang litanyang ito mula sa isang fairy tale book na binabasa ko.

"I promise, my ass," walang gana kong sabi tsaka isinara ang libro.

Walang kwentang libro.

Inihagis ko ito sa kung saan tsaka pabagsak na humiga sa aking kama.

Bumuntong-hininga ako. "I just wasted a day of life," sabi ko tsaka tumitig na lang sa ceiling ng aking kwarto.

Promises are made to be broken. There is no good in it. Masasaktan ka lang once na naniwala ka. Those are lies disguised in flowery words.

Something that you will look up to.

"Hindi ko na dapat binasa iyon. Tsk!"

Bumangon ako at nag-ayos. Since weekend naman ay gagala na lang ako. Somewhere na makakahinga ako.

"Ah! Kelly are you going out?" Tanong ng babaeng halos magmukha nang katulong sa sarili niyang pamamahay.

"Opo," tamad kong sagot habang nagsusuot ng rubber shoes.

"Pwede bang ibili mo ako nito?"

May iniabot siyang papel na inabot ko naman agad.

"Hm? What for?"

"Hehe. Basta. Bilhin mo na lang. Oh ito ang pera. Sobra pa iyan. Sa iyo na ang iba," dire-diretso niyang sabi tsaka ako nginitian.

I sighed. "Fine. I'll be going," sabi ko tsaka lumakad na.

"Bye. Mag-ingat ka sa daan," wika niya sa malambing na tinig.

Ano na naman kaya ang pakulo ni mama?

Nawala tuloy ang balak ko na gumala. Wala namang okasyon kaya bakit siya magpapabili nito?

Nakatira kami sa subdivision kaya nilalakad ko pa papuntang main gate. Hapon naman na kaya ayos lang.

"Wow. Ang ganda."

"Parang manika."

"Tao ba 'yan?"

"Ang ganda ng pagkakulot ng buhok niya."

"Kainggit."

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot kong 3/4 jeans. Para mawala ang isip ko mula sa mga bulungan ng tao ay nangalikot na lang ako sa phone ko kahit halos wala naman itong applications.

Wala na ba sila ibang pag-usapan? Tsk.

Nakakainis! Nakakainis na ang pagiging half-british ko ang kumukuha ng atensyon na hindi ko naman kailan hinangad.

British ang papa ko at Filipina na half-American ang mama ko. Nang dahil sa kumbinasyon ng genes ng dalawang iyon ay nagiging center of attraction ako ng tao.

That is why I can not even make friends.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa malapit na mall. Hindi ko alam ang pwedeng gawing pampalipals ng oras kaya tumambay na lang ako sa isang book store.

"Ano ba pwedeng basahin?"

Nagtingin-tingin ako ng mga libro pero wala akong magustuhan. Lumabas din ako matapos ang ilang minuto at sinubukang mag-isip ng pwedeng puntahan.

"Tsk. Mabili na nga lang 'to!"

Nang wala nang maisip na pwedeng gawain ay dumiretso na lang ako ng baking and pastry shop.

He, Who Oath To Be My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon