You'll Be Okay (Second Shot)

203 7 0
                                    

Iniiwasan ko ang mga taong dumadaan sa hallway. Nahihiya ako, kasi kitang kita nila yung ginawa ni Patrick kanina sa gym. Sana man lang walang nakapansin ng halos maluha luha kong mga mata.


"Sya ba yung niluhudan ni Patrick kanina?"-girl 1.

"Oo friend. Sya yun. Ang swerte, oh my gad."-girl 2.


Swerte? Wow.


I just happened to experience the hardest choice in my life that left me hanging with a question: Why did Allan mouthed those words? Why did he say he's okay? Okay with what? Tsaka may luha pang pumatak sa mga mata nya, imposibleng namalik mata lang ako. I saw it with my two clear eyes, his teardrop made a reflection to the light kaya alam kong luha yon.


Pero wala na akong magagawa. I guess, I just have to let things go. May mga bagay talaga sa mundo na hindi para sayo, at di na kailangan pilitin pa para maging sayo. Kasi magmumukha ka lang tanga, totoo yan. 


Pero hindi ko pa din maiwasang hindi manghinayang. Hindi ko din naman alam kung bakit ko nararamdaman 'to. 


Para saan nama't nanghihinayang ako? 

May dapat ba ako panghinayangan?


Hindi ko alam ang mga sagot sa tanong na yan, pero iba talaga ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maintindihan pero ang lungkot ko, na ewan. Parang naghahalo halo na yung nararamdaman ko. 


Let me make it clear to you guys, hindi ko pa sinasagot si Patrick. Oo, umo-o ako sa alok nya bilang partner nya sa college night, but I didn't agree to his offer of being his girlfriend, I didn't and I wouldn't. Hindi ko alam kung bakit parang nagkakaroon ako ng feeling na kailangan kong maghintay, na may mangyayari pang something... I don't know. 



Two days before the college night. It was thrilling to see students getting prompted up to the event. Kita ko na din na nililinis na yung gym kung saan gaganapin ang gabing magtatatak ng hindi ordinaryong event na mangyayari sa isang kolehiyala. First time ko ito kaya naman nakakaexcite... pero siguro mas maeexcite ako kung... Haaay, tama na, Erika. Kinakawawa mo na sarili mo. Wag ganun.


Pumunta akong locker para kunin yung libro ko pa sa next subject. Pero pagkabukas ko neto, may nahulog na note at nakapansin ako ng bouquet of white roses. Pero bago ko muna pakelaman yung roses, binuksan ko muna yung note...


More than words is all you have to do to make it real. Then you wouldn't have to say that you love me, 'cause I already know. 


Whaaaaat? Teka, lyrics 'to sa kanta diba? If I'm not mistaken, More Than Words? Kinuha ko sa loob yung bouquet at inamoy ito, ang bango nya. Kanino naman kaya ito galing? Tumingin ako sa paligid, as if makikita kong palaboy laboy yung naglagay neto sa locker ko, pero wala naman akong nakitang suspicious na tao sa paligid. Wala silang pake kahit dinadaanan lang nila ako at nakikitang may hawak na bouquet.


I flipped the note to see if there is a mark of the sender, pero wala. Ni-isa. Hindi din naman ako familiar sa handwriting neto at imposibleng handwriting ito ni Vicky kasi maganda ang sulat ni Vicky, hindi ganitong medyo sulat pang-doctor.

I'm Okay (Two shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon