Changed Hearts

27 5 0
                                    

"Hera, pinapatawag ka ni Ma'am Dela Cruz sa Principal's Office. Ngayon na daw." Anunsyo ni Nyx sa kaibigan/kaklase niyang si Hera.

Kunot-noong napa-angat ng tingin si Hera mula sa pagbabasa at takang tumingin sa kaibigan. "Ha? Bakit daw?" Tanong niya.

Nagkibit balikat lang ito at umalis na. Mabilis na inayos ni Hera ang mga gamit niya sa ibabaw ng kanyang armchair at nilagay sa bag. Kinakabahan siya. Bakit naman siya ipapatawag sa Office? Hindi ba't ang mga may kasalanan lang ang pinapapunta doon. Ang alam niya ay wala naman siyang ginawang offensive.

"Goodafternoon po,Miss Estopace." Bati niya sa secretary ng kanilang Principal. Nasa front desk ito sa tapat ng pinto ng Principal's office. Gumanti rin ito ng bati at magiliw siyang pinapasok sa loob.

"Goodafternoon po." Bati niya sa kanilang Principal at Adviser na si Mrs. Dela Cruz. "Pinapatawag niyo daw po ako?"

"Yes. Please Sit down Miss Delamerzed." Nakangiting paanyaya ni Mr. Matibag ang kanilang Principal.

Umupo siya sa tabi ng kanyang adviser na nasa tapat ng desk ni Mr. Matibag. Kahit malambot ang itim na couch na inuupuan niya, hindi komportable ang pakiramdam niya dahil sa kaba.

"Sigurado ako na nagtataka ka kung bakit ka naririto." Panimula ni Mr. Matibag, Hera nodded mentally. "Mrs. Dela Cruz reported to me how you excelled in her class. Not just in Academics but you are also achieving awards in your extra curricular."

Unti-unting nawala ang kaba ni Hera at napapalitan ito ng excitement.

"And I know you know what I am about to say next,Miss Delamerzed." Nakangiti pa ding sabi ng kanilang Principal.

Lumalakas ang tibok ng puso niya. Kung kanina sa kaba ngayon naman sa pagkasabik sa ibabalita sa kanya. Alam niya sa sarili niya ang susunod na sasabihin ng kanilang Principal pero nais niya na lumabas ito sa bibig niya.

"H-hindi ko po alam.."

"Miss Dela Cruz." Tawag ni Mr. Matibag sa guro. Isang gesture na pinapaubaya na nito ang pagsasabi sa huli.

Nakangiting hinarap siya ng kanyang adviser. "Hera, I know you thrived so hard to maintain your excellent grades and did all your best to excel." Hinawakan niya ang kamay ni Hera na nasa mga hita nito.

"At lahat ng iyon ay nagbunga na ngayon. Hera, proud kami na sabihin sayo na ikaw ang Class Valedictorian sa taong ito." Pagka-anunsyo niya, para bang nabingi sa sobrang tuwa si Hera at ang tangi niya nalang naririnig ay ang palakpakan ng mga tao sa paligid niya kasama na si Miss Estopace na kanina ay nasa labas.

"T-talaga po?" Hindi pa din makapaniwalang tanong niya.

"Oo! Sa galing mo, nagulat ka pa na ikaw ang Valedictorian?" Biro ng kanilang punong guro. "Your parents must be really proud. I need to see them on Monday morning."

Sa sobrang saya at tuwang nararamdaman ni Hera, wala na siyang masabi kaya tango nalang at thank you ang sagot niya bago lumabas ng Office.

Excited na siyang ibalita ito sa kanyang Mommy at Daddy.

Sana lang ay pansinin siya ng mga ito.


"Yaya Agnes, si Mommy at Daddy po?" Tanong ni Hera sa kanilang Mayordoma pagkauwi niya sa kanilang Mansion.

"Wala,e. Ang alam ko, umalis kasama si Demi." Sagot nito bago kuhain ang school bag niya. "Bakit?" Tanong nito matapos ilapag sa taas ng Breakfast counter ang bag.

Naglakad na papunta sa dining table si Hera at malungkot na umupo sa upuan. "Ganun po ba? Hindi man lang nila sinabi sa akin."

Lumapit sa kanya si Agnes. "Wag ka ng malungkot." Inabot nito ang plato na may lamang sandwich at isang baso ng orange juice. "Baka pumanget ang maganda kong alaga."

Changed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon