Chapter Six

12 1 0
                                    

Dedicated to @applegreenprincess hindi ko alam kung binabasa mo ito, pero thankyou pa din sa pagfollow mo!:)

New York
Hade's Flat

"Hades, sayang naman ang tinapos mo kung hindi mo magagamit sa kompanya." Sabi ni Neptune sa kapatid.

"Ang dami nating magagaling na empleyado kuya. And besides, nandyan naman si ate Hestia para tumulong. Kaya niyo na 'yan."

"That is not my point. Ang gusto ko, magamit mo yung tinapos mo. Hindi yung happy go lucky ka lang!" Tumayo si Neptune mula sa kinatatayuang single sofa at pumunta sa mini bar ni Hades.

"Buti pa si Zeus, siya na ang nagpiprisinta na tumulong sa kompanya natin." Dagdag na sabi ni Neptune habang nagsasalin ng brandy sa baso niya. Napaikot ang mata ni Hades sa sinabi ng kapatid.

"Here we go again,kuya." Frustrated na sabi niya at tumayo na din para sundan ang kuya niya. "Hindi ako si Zeus,okay? Magkaiba kami. So please, stop comparing us."

"Paanong hindi maikukumpara? Palagi kitang pinagbibigyan sa gusto mo, now, you return the favor. Tumulong ka sa kompanya."

"Tutulong naman ako. Pero, pwede ba i-enjoy ko muna ang buhay ko? I'm just 23 years old. Wag mo naman akong itulad sayo na halos ibuhos na ang buhay sa kompanya. I have a life,dude."

"Fine. But, let's make a deal." Tinuro ni Neptune si Hades na kasalukuyang nagsasalin ng alak sa baso niya. "Isang kalokohan na magagawa mo, no more excuses, you will start to work in the company."

"What? Kahit isang maliit na away lang?"

"Yes. That is my deal. Your only choice." Nakangising sabi ni Neptune. Napailing si Hades, kahit kelan talaga hindi niya mauutakan ang kuya niya.

"Like you've said, it is my only choice. Then be it." He said forfeiting before they hand shake. "One more thing kuya." He added after releasing his brother's hand. "I want my credit card back." Grounded kasi siya ngayon.

"And why? You still have more two days bago ko ibalik ang credit card mo at ang susi ng kotse mo dahil sa ginawa mong pagsapak sa anak ng investor natin."

"That bastard deserve more than that. Kulang pa nga yun e." He grin. "I want my cards back because I'm leaving for Philippines."

"What?" Neptune asked bewildered.

"Yes kuya. I'm going to Philippines. To get my future wife back." He said with full confidence.
-
Philippines
Royal's beanery

"Okay lang ba sayo na dito tayo kumain?" Tanong ni Zeus pagkababa nila ng kotse. Gusto sana niya na mag-motor sila kaso naka-dress si Hera. Siya nalang ang nagmaneho ng kotse at iniwan nila ang motorbike sa parking lot.

"Oo naman. Hindi naman ako maarte no." Sagot ni Hera. "Kahit nga sa turo-turo mo lang ako dalhin. Bakit ka napatigil maglakad dyan?" Tanong niya ng biglang napahinto maglakad si Zeus.

"Wala naman. You are just unpredictable." Nakangiti niyang sabi kay Hera.

"Should I take that as a compliment?" Natatawang tanong niya. "Thankyou." Sabi niya sa guard ng pagbuksan sila ng pinto ng restaurant.

"Depende sa'yo. It is still your choice kung paano mo ihahandle ang sinasabi sayo ng ibang tao. Pero I meant to compliment you." Sagot ni Zeus bago siya ipaghila ng upuan at pinaupo. "You are unpredictable in a good way." He said as he sat down at the opposite side of the table.

"Hindi ko alam kung paano mo nasabi sakin yan."

"Nakaka-suprise lang kasi ang ugali mo. Ibang-iba sa akala ko." Sasagot pa sana si Hera ng biglang dumating ang waitress at kinuha ang order nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Changed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon