Chapter Three

17 4 2
                                    

Dedicated to @Iamkrisane . Thankyou sa pag-follow! Pati na din kay Pe kelly Gardoña :* Missyou pepero. :'x

Halos ihagis na ni Hera ang sarili niya pahiga sa kama ng Flat niya na kinuha ng Daddy niya para sa kanya. Kakarating niya lang ng America. Mabuti nalang malapit ang Flat niya sa University na papasukan niya next week. At least, hindi hassle sa pagbyahe dahil wala pa din naman siyang sariling kotse.

Papikit na sana siya para umidlip ng biglang mag-ring ang cellphone niya. May tumatawag sa account ng Skype niya. Walang ganang inabot niya ang cellphone niya sa bedside table niya kung saan niya ito nilapag kanina.

"Demi." Bati niya sa kabilang linya.

"Ate! how was your flight? Nandyan kana ba sa Flat mo? Maganda ba dyan?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Uhm. Hindi ko pa masyadong na-appreciate yung lugar dahil I was too tired to look around. Natulog lang ako sa taxi. But the flat is awesome,though."

"That's great. Keep me updated ate ha. I miss you already." Na-imagine ni Hera na naka-pout ang kapatid niya habang sinasabi ang mga huling salita. Napangiti siya.

"Syempre naman. Hahayaan ko ba naman na hindi mo malaman ang kaganapan dito? Just promise me na magbe-behave ka dyaan ha. Mag-aral ka mabuti."

"Yes,ate. Wag ka mag-alala, susunod ako sa yapak mo." Masiglang sagot nito.

Muli nanaman siyang napangiti. "Good. Uhm,Demi. I'll just call you later,okay? Kumain kana din dyan ng breakfast mo. Magpapahinga na muna ako. May jet lag pa kasi ako e."

"Okay ate. Take care of yourself. Bye." Then the line ended.

Napabuntong hininga si Hera matapos makausap ang kapatid. Hindi pa din niya maiwasan na hindi malungkot. Hindi siya sanay na mag-isa. Though, sa bahay nila para din siyang mag-isa dahil lagi siyang Out of place sa mga ito.

Kahit inaantok, pinilit niya pa din na bumangon at pumunta sa Cr para maghilamos at magtooth brush bago matulog. Matapos gawin ang mga ito, nagpalit na siya ng leggings at sweatshirt dahil mas komportable ito sa pagtulog niya.

"Kaya mo'to, Hera. Tiwala lang." Napangiti siya ng mapait bago mahiga sa Queen size bed niya. Parang langit ang pakiramdam niya dahil matapos ang mahaba at nakakapagod na byahe, makakaranas na din siya ng totoong tulog.

🎶 Shot to the heart, and yours to blame, darling you gave love a bad name!

Halos mapabalikwas si Hera ng marinig ang malakas na volume ng speaker ng katabing unit niya. She groaned in Frustration. Dapat ba niya itong puntahan at sabihin na manahimik? Pero baka naman magmukha siyang mayabang at dominante. Kakarating niya lang naman . Pero pagod siya at kelangan niya ng pahinga!

"Kapag sinuswerte ka nga naman,oo. Pagod yung tao e." Inis na sabi niya bago lumabas ng pinto ng unit niya.

Naka-mahigit limang malalakas na katok na siya sa pinto ng katabing unit niya pero wala pa ding nagbubukas. Sobra na ang inis na nararamdaman niya . Pagod siya at inaantok. She need a rest!

"Bingi ba ang mga tao dito? Gosh! Mas masahol pa ata sa mga pinoy to." Inis na bulos niya at muling kumatok ng malakas. "Excuse me, is anybody there?" Sigaw niya para sakaling marinig siya kahit na malakas ang tugtugan sa loob ng Unit.

"Gawd. I'm so sleepy!" She groaned again. "Kapag hindi ka pa lumabas diyan sa huling katok ko, pasensyahan tayo, sisipain ko yang kwarto mo." Medyo malakas na sabi niya tutal hindi naman siya maiintindihan ng kung sino man ang nakatira dito. Nice one.

Mas malakas kesa sa mga nauna ang ginawa niyang pagkatok pero wala pa ding nagbubukas ng pinto.

"Pasensyahan tayo." Mukhang magagamit niya ang pagiging Black Belter niya sa Judo dahil dito. Umatras siya ng bahagya para makabwelo at maya-maya buong pwersa at lakas siyang sumipa sa pinto.

Changed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon