Yun nga natawa lang ako sa sinabi ni laiza hahaha bigla akong nagreply na "baka mafall duh" sabi naman ni novi "ayan pala mc ah" dinugtungan naman ni laiza ng "pag ikaw nafall pre kotong" lakas loob ko namang sinabi na "sige sige ah" then naglog out na ako kasi mag eeleven na nun . Kinabukasan nagfb agad ako pagkagising ko nag goodnight pala sakin si Ace hindi ko nareplyan . Anyway parang may something talaga kay Ace na hindi ko alam . Hahahhaha bahala na nga basta papasok ako , edi yun na nga papasok ako kaya kumain at naligo na ako agad kasi excited ako pumasok ewan ko di naman ganito nararamdaman ko pag papasok eh parang may gusto akong makita ewan hahaha . Umalis na ako sa bahay namin para pumasok , pagpasok ako fresh na fresh ako umattend pa ako ng flag cem. Everyday kasi kami nag fflag cem. Minsan lang ako umattend dun kasi lagi akong late. pagdating ko sa school parang okay parin ang lahat , sinimulan na akong asarin ng mga tropa ko kay Ace kasi nakachat ko sya . Ako naman nakikitawa lang kasi malabong magkagusto ako dun kasi hindi gabun yung tipo ko. Si Ace kasi yung tipong di ko tinititigan sa school at alam kong badboy sya tignan. Yung mga tipo ko kasi yung matangkad , mabait , gwapo pero di ko sinasabing pangit si Ace moreno sya na matangos ilong , matangkad , pogi yan na . pero d ko alam di ganun tipo ko nung una e . Nagrecess na kami , sa 3rd floor pa yung room namin 2nd naman si Ace , matured tignan si Ace hindi mo mahahalatang grade 7 sya kasi mga tropa nya kabatch namin grade 10 halos. Yun na nga nakita ko sya sa room nila para bang may kumoryente sakin yung nakita ko sya ewan parang iba yung naramdaman ko