Nag aalalang inayos ko si Miss Hanna sa pagkakahiga nya.
Kasi naman bigla na lang itong nawalan ng malay pagkatapos kong sagutin ang tanong nya.Sinuri ko ang lagay nito at nakahinga ako nang maluwag nang masiguro ko na ayos na lang marahil maya maya ay magigising din ito.
Nang matapos ako ay lumabas naman ako ng kwarto nya at pumunta sa may kusina para magluto na nang almusal para pag nagkamalay na ito ay mapakain ko na sya at sana di na sya mawalan ulit nang malay....
Nang maisaing ko na ang bigas sa ricecooker ay pumunta naman ako sa may ref at naghanap nang mailuluto at nakakita naman ako ng mga itlog at sausages at bacon...
Hmm....ano kayang gusto ni Miss Hanna na inumin sa umaga?
Kape kaya o Juice?Nang di ako makapag decide ay nagkibit balikat na lang ako at kinuha na lang ang kape na nakita ko na nakaseal pa at saka agad agad na binuksan ito at kumuha ng panala sa kape at inilagay sa Coffee maker saka nagsimula na akong magluto ng kape...
Nang matapos ko na ang lahat ay bumalik na ulit ako sa kwarto ni Miss Hanna.
Tulog pa din ito kaya naman dahan dahan na naupo ako sa kama at pinagmasdan ang maamong mukha nito at saka dagling naalala ko ulit lahat lahat nang nangyari kagabi.....
---------------
Natigilan ako pagkakita sa nakalagay na notice sa Bahay namin ni Tatay at padaskol na tinanggal ko ito at gamit ang susi ko ay binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin ang walang kagamit gamit naming tinitirahan....
Napabuga na lang ako nang malakas at iiling iling na pumunta sa may pinto ng kwarto ng Tatay ko at pinihit ito at saka napatakip ako nang ilong nang maamoy ko na naman ang alak na naiwan na naman o malamang naitapon ni Tatay dala ng kalasingan....
Nilinga ko ang mga mata ko para hanapin ang Tatay ko pero wala ni anino nito...
Napakamot ako ng batok ko at napansin ko na natanggal na naman ang pagkakatali ng rubber band sa lampas balikat na buhok ko....
Di sa wala akong perang pambayad sa barbero kaya mahaba ang buhok ko na alangan sa akin dahil lalaki ako...
Well wala nga akong pera but still....
Mahal na Mahal ko ang buhok ko na kulay tsokolate na namana ko sa Nanay ko na nang iwan sa amin ni Tatay nun pitong taong gulang pa lamang ako kasi naaalala ko pa nun di pa nasisira ang pamilya namin...
Si Tatay pa mismo ang nagtatali nang buhok...
Nagagalit nga si Nanay kasi daw ayaw ni Tatay na paputulan ako nang buhok baka daw lumaki ako na binabae....Na tatawanan lang ni Tatay...
Ang sabi pa nga ni Tatay ay okay lang sa kanya kahit na maging binabae ako kasi carbon copy ko naman si Nanay...
Na ikakapamula naman nang pisngi ni Nanay at maghaharutan na silang dalawa at ako naman ay masayang papanoorin silang dalawa.....
Di ko naisip na agad na matatapos din lahat ng iyon...
Nagulat na lang ako nang datnan ko si Tatay sa bahay namin na umiiyak at wala si Nanay sa kahit saan...
Lumapit ako kay Tatay para sana patahanin ito pero niyakap ako nitong bigla at lalong umiyak ng malakas...
"Tayo na lang Dylan ang magkasama....iniwan na tayo nang Nanay mo...." humihikbing wika nito sa akin.
At napaiyak na din ako pagkat Mahal na Mahal ko si Nanay at mahal din sya ni Tatay kaya wala akong maisip na dahilan para iwan nya kami....