God ......parang ayoko na....gusto ko na yatang umatras..... napapalunok na naisip ko pagkakita sa kausap ni Eric.
May edad syang lalaki, mataba, punggok, malaki ang tiyan....
"Dylan!" Nalunok ko yata ang laway ko pagkatawag ni Eric sa pangalan ko kaya naman pakiramdam ko ay nalunod ako.
Huminga ako ng malalim at saka dahan dahan na lumapit sa kanila.
"Mr. Chua...my friend Dylan" pagpapakilala ni Eric sa akin dun sa matandang mataba at inakbayan pa ako ng ugok. "Dylan...Mr. Chua"
Pilit na ngumiti ako dito at saka marahang yumukod.
"Galante yan Pre pag nagustuhan ka nyan jackpot ka na kahit anong hilingin mo ibibigay nyan" bulong ni Eric sa tenga ko.
Tila pinagpawisan ako nang malapot kahit na malamig naman sa kwarto dulot ng aircon.
Pinagmasdan ako nang matiim ni Mr. Chua habang himas himas nya ang aalog alog na baba nya.
Sa sobrang taba nya kasi pati mukha nya di nakalusot...
Para jelly ang baba at leeg nya na pag gumalaw sya kahit konti aalog na ang mga taba nya....
"Ganda nya Eric ha..." nakangiting sabi nito kay Eric. "Kahit lalake sya type ko magkano ba sya?" Tanong nito.
Kapwa kami nagkatinginan dalawa ni Eric at ngumiti ito na tila sinasabi sa akin na sya na ang bahalang makipag kontrata kay Mr. Chua.
"Boss murang mura lang Three hundred thousand" ani Eric.
Nanlalaki ang mga mata na tumingin ako kay Eric.
Pero kinindatan lang ako nang loko.
"Mahal, Mahal" iiling iling na sagot ni Mr. Chua dito.
Agad na nagpanic ako dahil anung sinasabi ni Eric na galante ito?
Eh mukhang babaratin lang ako dito eh,
Ano yun isusuko ko na nga ang bataan ko sa kanya kahit na ang taba taba at di naman din sya singganda....I mean kasingwapo ko.... tapos babaratin nya lang ako?
Isang malaking NO WAY!
"Pero Boss" nakangiti si Eric na inakbayan si Mr. Chua at bahagyang nilapit ang mukha nito sa matandang mataba na yun para bulungan ito.
"Boss di ka naman dehado dyan.... Virgin pa yan" dagling pinamulahan ako
"Maniwala ako sa'yo Eric yang ganda na yan?" Tila di naniniwalang bulalas ni Mr. Chua.
Lihim na napasimangot ako....
Anung tingin nya sa akin?
Magdalena?
Oo mas maganda pa ako sa mga ibang babae dyan pero di ako malandi...
Gusto ko pag nain love ako sa isang tao ke babae ke lalaki pa yun sya na ang Forever ko!
Layasan ko kaya itong dalawa na ito?
Now na!
May iba pa naman na paraan siguro para makalikom ako nang kinakailangan kong pera....
"Okay Deal!" Nagulat pa ako nang biglang magsalita si Taba este si Mr. Chua at nakipagkamay pa ito kay Eric.
Nilapitan ako ni Eric at nakangising inakbayan ako.