11

1.1K 39 4
                                    

"So....your name is Dylan?" Maarteng tanong sa akin ng babaeng kanina bago kami makaupo ay hinahaplos ang braso ko.

Magkakasama kami ng upuan nina Roman, Aries, at Sandro habang sa harapan na upuan naman namin nakaupo ang apat na naggagandahan na mga dalaga.

Alanganin na tumango ako dito.

Naiilang kasi ako dito.

"Then my name is Mylene Zaragosa" pagpapakilala nito sabay lahad nang palad nito sa akin.

Di ako interesadong malaman! Sigaw ng utak ko pero tinanggap ko pa din ang pakikipag kamay nito, mahirap na masabihan pa ako nang bastos.

"Teka Mylene makikipagkilala din ako" singit bigla nung isa pang dalaga na katapat ko naman at saka inagaw nito ang kamay ko na nakahawak kay Mylene at ito naman ang nakipag hanshake sa akin.

"Julie Sarmiento" nakangiting pagpapakilala nito sa sarili.

Muli nailang na naman ako pano ba naman kasi bukod sa kung makatitig sa akin ay wagas yung palad ko ayaw pa din n'yang bitawan.

"Teka awat na yan!" Nakasimangot na wika ni Mylene at pinaghiwalay ang mga kamay namin na dalawa.

"Mylene naman eh" angal nito pero pinanlakihan lamang ito ng mata ni Mylene ay nakalabing inirapan na lamang ito ni Julie.

"Nak's Pre mabenta ka talaga" bulong sa akin ni Sandro na nasa kaliwa ko.

"Shut up ka lang please at saka gusto ko nang umuwi" sagot ko dito.

"Teka maya maya na wag ka namang KJ d'yan oh" anito at saka ako inakbayan.

"Eh sa gusto ko na maging KJ eh" angal ko dito na tinawanan lamang ni Sandro nang mahina.

"Teka mga girls may gusto pa kayong orderin aside sa mga naorder nyo na?" Tanong ni Aries sa mga dalaga habang inaabot sa waiter ang kopya nang menu nila.

Sabay sabay na umiling ang apat na dalaga.

Yun lang at yumukod na sa amin ang waiter at saka tumalikod na.

Lihim na napabuntunghininga ako.

Kakain pa kami, meaning magtatagal pa ako bago makauwi.

After lamang ng ten minutes ay dumating na din ang inorder namin at nagsimula na kaming kumain habang masayang nagkukuwentuhan ang pito kasi ako naman ay manaka naka lamang na nakikinig at nakikisali mas gusto ko kasi na kumain.

"Anyway how does it feels na maka date nyo kami?" Napaangat ang tingin ko kay Mylene sa tanong nya.

Hmm....gusto ko na talagang umuwi...yun ang gusto ko na isagot pero ayoko naman na maging harsh kay Mylene kaya iba ang nanulas sa bibig ko.

"It's great and I wish sana maging magkakaibigan tayong walo" nakangiting sagot ko.

Naku Dylan anung pinagsasasabi mo d'yan? Singhal sa akin ng isip ko.

Nagningning ang mga mata nito tapos sumilay ang malaking ngiti sa mukha nito.

"I knew it!" Anito at pagkatapos ay may dinukot sa handbag nito.
"Do you want to exchange numbers to me para naman text mate na tayo at saka anung facebook name mo para makapag sent ako nang friend request sa iyo" excited na tanong nito sa akin habang hawak hawak ang cellphone nito.

"Ha? Eh kasi...." napahaplos ako sa nakapony kong buhok.
Kasi naman wala naman akong facebook account tapos may cellphone nga ako pero gusto ko sina Papa at Johanna lamang ang kausap at ka textmate ko.

"Wala kasi ako---"

"Sa akin ka na lang Mylene makipagpalitan ng number madalas naman sa hindi na magkasama kami kaya masasabi ko kay Dylan ang mga text mo o kaya pag nag cacall ka ibibigay ko na lamang kay Dylan wala kasing cellphone pa si Dylan pati na facebook account" singit ni Sandro.

Lumingon ako kay Sandro na kinindatan naman ako.

Ngumiti ako dito at saka humarap kay Mylene.

"Tama si Sandro, Mylene magkaklase kaming dalawa at madalas nakatambay ako sa bahay nila kaya sa kanya ka na lamang makipagpalitan ng number" susog ko at wala nang nagawa pa si Mylene kundi ibigay kay Sandro ang numero nya.

Nang makaramdam ako nang tawag ng kalikasan ay nag excuse muna ako sa grupo namin na magsi cr.

Nang makapasok na ako sa cubicle agad na nagbawas na ako naghuhugas na lamang ako nang kamay nang parang naramdaman ko na may mga pares ng mga mata na nakatitig sa akin kaya naman nag angat ako ng tingin sa salamin at nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa mahal ko na nakahalukipkip na nakatayo sa likod ko.

Agad na napaharap ako dito.

"Johanna anung ginagawa----" natigil ang pagtatanong ko nang idampi nya nya ang hintuturo nya sa labi ko.

Tumingkayad ito at pagkatapos ay kinabig ang mukha ko pababa at sinalubong ang labi nya.

Napaungol ako dahil sa mga sensasyon na agad na nadama ko sa paglalapat pa lamang ng mga labi namin.

Tinugon ko ang halik ni Johanna at hinawakan ko ang makitid nyang beywang para mas mapalapit pa ang katawan nya sa katawan ko.

Tumagal nang ilang segundo ang paghahalikan namin tapos hingal na naglayo ang mga labi namin.

"Who you belong again Dylan?" Nakangiting tanong nito sa akin habang hinahaplos ang mukha ko.

Napangiti na din ako.

"To you Johanna...only you" sagot ko.

"Then if you are really mine to belong too why did you flirt other girls?" Matiim ang mga mata na tanong nito.

Kumabog nang malakas ang puso ko at napalunok ako.

"Johanna kasi... ano----" muling ang hinaplos nya ang mukha ko.

"Expect your punishment pag uwi mo sa condo natin" nakangiti nitong wika at pagkatapos ay marahan na tinulak ako at pumunta na sya sa may pinto ng CR at pinihit papabukas ang pinto at nakangiting nilingon ako.

"I want my slave ready when I arrived" anito at pagkatapos ay lumabas na.

Ayaw ko man ay nakadama ako nang excitement.

Mas lalo na gustong gusto ko nang makauwi para sa punishment na naghihintay sa akin.....





BUY ME....LOVEWhere stories live. Discover now