Para bang...

982 10 30
                                    

hapon ngayon dito sa kinalalagyan kong lugar, medyo masakit ang ulo ko. pero wala naman yon kinalaman sa isusulat ko ngayon. naranasan niyo na bang atakihin ng sakit ng tyan sa daan? sa opisina? sa school? , yung feeling na taeng tae ka na pero hindi dapat mahalata. kahit ang pagtayo ng bawat balahibo mu e dapat hindi halata. kahit nginig na nginig ka na e dapat poise ka pa din. lam mu yung feeling na yun?? nag NAGPIPIGIL ka sa kung anu mang nararamdaman mu!!! it sucks di ba? 

  Pero aminin din natin najan yung thrill, this is about sa natatae a, yung thrill na sa bawat atake ng hilab ng tyan mu ay kailangan mong malampasan, na hindi mu alam kung kakayanin pa ng muscles ng pwet mo ang pigilan ang pagbulwak ng galit ng tyan mu. di ba ang lupit ng feeling na yun. exciting!! Every attack is a challenge. parang sa pagpipigil natin ng kung anong nararamandaman natin, and this is not about na sa tae thing.  Yup mahirap pigilan kung ano mang nararamdaman natin na ayaw naman nating ipaalam, na parang pag nanjan siya e kelangan be still!! wag pahalatang kilig ka!!! kung hindi yari ka!. Sa isang hawak pa lang nya o kahit dmpi pa lang ng mga daliri nya sa balat mo, e parang gusto mo ng maghihiyaw, at manlambot at the same time, PERO hindi mu pwede ipahalata sa kanya na ganun ang nararamandaman mu. CHALLENGE di b? at may thril di ba?? 

  E bakit nga ba natin ito kailangang pigilan? (guess kung anong tinutukoy ko) kung alam naman natin na pag nailabas natin ito e napakalaking ginhawa sa pakiramdam. ANu nga ba naman yung isang sigaw, isang bulusok na ng feelings mu, at pagkatapos e success na. siguro kaya ito pinipigilan dahil hindi pa oras para ilabas ito, hindi pa tamang lugar, panahon, pagkakataon para ilabas ito.  ang saklap lang isaipin, BIGLAAN kung iparamdam sa iyo ito pero hindi mu naman pde ILABAS na lang ng basta basta,  weirdooo!! 

anu nga ba ang mga factors kung bakit ntn pinipigilan ang nararamdaman nating pagmamahal  towards sa isang tao.

-HINDI kasi pwede

-hindi pa time

- walang tissue

-walang banyo

-KAILANGAN kasi

-you want to save whatever you have right now.

-wala sa timing

-natatakot sa result. (taeng rason to!)

Madami ka pang maiisip na dahilan... sandamukal talaga, pero hindi kaya nagdadahilan ka lang para pagtakpan ang umaalingasaw na katotohanan? Hindi kaya ginagamit mu lang ang mga dahilang ito para lokohin ang sarili mu sa kung anong tunay na nararamandaman mu? hindi kaya hindi mu lang maharap na ito na ang katotohanan? na iba na ang iyong nararamandaman.siguro pwede rin natin sabihing gumagamit ka lamang ng utak upang labanan ang napaka makapangyarihang puso. 

Hanggang kailan mo ito maiitatago? lalo na sa sarili mo? Alam natin darating ang araw na kailangan mo itong harapin pati ang mga consequences nito. kailan ka aamin? kailan ka magsasabi? kailan mo mailalabas ang nararamamdaman mo? aba malay ko!

parang pagtatae, hindi mu talaga alam kung kelan ka aabutan, pero ang sure ... HINDI MO ITO MAPIPIGILANG LUMABAS. maging kahiyahiya ka man o hindi, sigurado gagaan ang iyong pakiramadam.wag matakot umamin sa nararamdaman, hindi ka iba sa ibang tao.... pareparehas tayong may feelings, hindi man pareparehas ng lebel. Go! express what you feel.. wala pa naman akong nabalitaang nakulong dahil dun o dahil sa pagtatae. 

hai sa wakas tapos na ko tumae..... NAKAKAGINHAWA!! :)

Saglit lang ha?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon