Bisikleta (easy rider)

425 4 4
                                    

Isa sa pinaka magandang nangyari sa buhay ko ay nung natuto ako magbisikleta(magbike). Pero nakakapagtaka simula ng matuto ako mag bike e hindi ko na ito makalimutan. Kahit gaano na katagal akong ma-tengga sa pagba-bike, e hindi mawala sa katawan ko ang magbalance at pumadyak once na makasakay uli ako ng bike. Parang automatic sa pagkatao ko na “marunong ako magbike”. Kahit yung sa puntong nagbibisekleta ako tapos sasabihin ko sa sarili ko na “hindi na ko marunong magbike” e wala pa din, hindi pa din ako masemplang semplang, nakabalance pa din ako.

If my memory serves me correctly, natuto ako magbike noong bakasyon ng grade 2, so incoming grade 3 ako noon. Hiniram ko yung easy rider na bike ng kuya ko, kung bakit easy rider ang tawag dun e hindi ko na alam, ang alam ko lang ay dalawa ang gulong na may mahabang upuan. Syempre kayak o yun hiniram ay para matuto ako, at hindi nmn ako nabigo, natuto ako magbalanse paunti-unti at magpatakbo ng derecho, ang hindi ko pa alam noon ay ang kung paano hihinto ng walang sugat, tama, sumemplang ako, nagkasugat, umiyak ako, tumakbo at iniwan ko ang bike ng kuya ko sa daan, at syempre ang ending napagalitan pa ako, at muli ay….. umiyak.. Peero pagkatapos ng pangyayaring yun, sa muli kong pagsakay ng bike e hindi ko na napansin na marunong nap ala ako mag-bike. KINAILANGAN PANG MASAKTAN AKO BAGO MATUTO.

Gayanga ng sinabi ko, ngayong marunong na ako e hindi ko na ito makalimutan.Parabang pag-ibig. Once na mtutunan mong magmahal e hindi mo na malilimutan; ang tinutukoy ko ay yung “pagmamahal” at hindi tao,sanagets niyo. Sa una mag ta-try ka magmahal at sesemplang ka, masasaktan, iiyak, pero after ng mga iyon, for sure magmamahal ka uli, kasi hindi mo na malilimutan kung papaano ang magmahal. Kahit ilang beses mo sabihing ayoko na mag-bike, kakalimutan ko na ang pagba-bike, e hindi mo ito magagawa, magmamahal ka uli. Wala namang problema kung masaktan ka at masemplang, ang mahalaga, ay ang pagtayo mo, pag pagpag ng mga sugat, at pagsakay uli sa bike, pag padyak muli, at pagkatuto sa mga bawat pagkakamali at sakit. Pero kailangan pa nga ban a masaktan para lang matuto, diba pwedeng matuto ka samaling iba?? Para sa akin, oo kailangan masaktan, kasi kasama yun sa pagba-bike, ganito lang yan e, narinig ko lang pero di ko alam kung kanino, sabi nya “paano mo malalaman ang liwanag kung di mo pa nararanasan ang dilim, panu mo masasabing matamis, kung hindi mo alam ang mapait”.. ang sabi ko naman, panu matututunang magbalanse, kung di mo pa nararanasang sumemplang?. Pano ka tatayo kung hindi mo alam kung paano bumagsak? May point naman siguro ako dib a?? sa paniniwala ko, siguro may mga bagay talaga na kailangan nating maranasan ang pait at hirap, para matuto tayo. Naniniwala din kasi ako na sa pag ibig, pag nasakatan ka, matuwa ka, kasi nagmahal ka talaga

Kahit marunong na ako mag bike, paminsan minsan nasesemplang pa din ako. Minsan kasi mabilis ako magpatakbo, tapos biglaang pepreno aun subsob ako sa aspaltong daan. Siguro may pagkakataon na masyado akong bilib sa sarili ko, kampante sa abilidad ko…. Mag bike. Hindi pala dapat ganun, kasi kahit marunong ka na, may posibilidad pa ding masaktan, masemplang, lalo na kapag nagiging pabaya ka, kaya kahit marunong tayong magmahal wag tayong kampante, Sana alamin natin ang kakayahan natin. Tandaan natin Maraming lubak sa daan ng pagmamahal,sanamaging aware tayo sa mga lubak, sa bilis, baka di natin alam pasemplang na tayo. Matuto tayo maghinay hinay, at wag pabigla bigla, Sige ka malubak ang daan, gusto mo ba laging masugatan??

Ikaw, marunong ka ba mag bike??  

Saglit lang ha?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon