Tinadhanang Maisulat

398 6 19
                                    

   di ku alam kung tinadhana nga bang panisinin ko ang topic na destiny, destined, o sa tagalog ay tadhana. Isa ka ba sa naniniwala tungkol sa tadhana? na nakasulat, nakatatak na sa mga guhit ng palad natin ang mga bagay na nangyayari sa atin, at mangyayari pa sa atin? na ang kakainin ko ay monggo tuwing Byernes? nakatadhana nga kaya yon o dahil sikat ang monggo sa karinderyang kinakainan ko tuwing Byernes...

  Kamakailan ay nakiramay ako sa puso ng kaibigan kong sugatan. Iniwan ng kanyang minamahal. Kaya naruon ako at iba pa naming kaibigan ay para damayan siya at para na rin kahit pano ay makapagbigay ng payo. Sa pag uusap namin about sa mga nangyari sa pag-ibig nilang nabitin at naputol, bawat isa ay nag bigay ng puntos kung bakit sila nagkahiwalay.

"pre baka kasi nagiging routine na lang ang bawat araw nyo.. walang bago.."  sabi ng isa naming kasama..

"baka nga .. pero pre ginagawa ko naman lahat.. blah blah blah!!" sagot ng pusong sugatan

"pre bata pa kasi, d pa matured ang utak.. kaya pde magbago .." hirit ng isa pang kaibigan namin

"di ko naman akalain na manyayari toh pre.. sbi nya mahal nya ko.. blah blah blah...." pusong sugatan again.

"sinu ba mag akakala nga na manyayari yan sa inyo.. miski kami kala namin wala na makapaghihiwalay sa inyo.. (onting tawa) selosa pa siya, yun pala siya ang may iba.. KAMOTE!" ako naman ang may hirit nito

"yun na nga pre e.. alam niya na di ko kayang lokohin siya.. tapos ako lolokohin niya" si pusong sigatan uli.. 

hihirit pa sana ako ng "utot mu! kaya mu ring lokohin siya, may kakayahan lahat tayong manloko... yun nga lang nauna lang siya"... pero di ko na tinuloy... nagmomoment na  kasi siya e.. you know what I mean. tapos nagulat ako may humirit habang nagmomoment si pusong tanga..

"pre baka talagang di kayo para sa isa't isa, hindi kayo destined na magsama habang buhay"..

naks!! upstager ang ungas.. pero nagulat ako at sumaang ayon ang umiiyak na pusong sugatang tanga. at sa puntong iyon unti unti siya kumalma at humirit.. "siguro nga.." .. anak ng!! yun lang pala ang makapagpapatahimik sa kanya, kung anu anu pang naisip naming sabihin.

dahil sa salitang Destiny, parang nawawalan na tayo ng mga dahilan pa, at hinahayaan na lang natin kung anu man ang nangyari sa atin.. parang.. "ok ganun talaga e.. so be it... yun na yun... wala na iba pang dahilan.. wala ka na magagawa ... kumain ka na lang ng monggo..".. hirap paliwanag pero sana nagets niyo yung gusto ko sabihin. 

"@#$%&%*&^* mandurukot yan!! wala pang isang taon cellphone ko!!"

"dude nakatadhanang madukot sayo yun... malay mo may darating na mas magandang phone"

"hindi e!@#$$%#%^....... ahmm.. ok na ko.. " 

see what I mean?

ito masarap itry...

(Bata siguro mga 5yrs old, nadapa )

umiyak.... nakita ko... nilapitan ko..

"tahan na... oo masakit... pero isipin mo na lang na baka nkatadhana na madapa ka at magkasugat sa tuhod.. para malaman mo ang kahulugan ng salitang sakit"

ano kaya ang sasabihin sa akin ng bata? pero one thing is for sure kung may konsepto na siya sa salitang TADHANA e hindi na siya iiyak... at wala na sigurong batang iiyak dahil sa sakit, sugat,  pang aabuso, pang mumolestya, pananakit. Siguro hindi na maiitatag ang bantay bata163 kung alam nila na yun ang nakatadhana mangyari sa kanila. 

Balik ako sa topic ko tsaka na yang seryosong bagay...  wait seryoso din naman ako dito a... ayun nga, Bakit pag ang dahilan na ay tadhana, o destiny e wala na tayong magawa kundi tanggapin na lang ang sinapit natin. 

"monggo nanaman kakainin ko... baka tinadhana ito.. go kain lang"

Bigla ko tuloy naisip para san pa ang ragalong freewill kung lahat ay nakatadhana na. Pero siguro babatay ang destiny natin sa kung panu natin pagaganahin ang freewill natin. kung iniwan ka ng mahal mo, sige tanggapin mong tinadhana iyon, pero alamin mo din kung ano ang naging cause nun kasi sigurado ako na may naicontribute ka din, may bahid ka din kung bakit kayo nagkahiwalay. tapos timbangin mu kung ano ang dapat mong gawin, will you fight and challenge destiny? or hayaan na lang ang nanyari, at imaskara ang katagang TINADHANA YON E... wala namang masama kung maniniwala tayo sa katagang yon.. pero bago mu tanggapin yun alamin mu muna kung anu ang magagawa mo para maremedyohan ang hinaharap na dulot ng nakaraan. kung lagi kang kumakain ng monggo pag byernes.. e di lumipat ka naman ng karinderya na walang tindang monggo pag byernes. (bakit ko kaya napagdidiskitahan ang monggo??)

isa pa pala.. lahat tayo nagsisikap sa magandang buhay, as in lahat gusto ng maginhawang buhay, kung ikaw ay tinadhana na maging mahirap, papayag ka ba?? sus! sinu nga bang tanga ang magpapakakuba sa pagtatrabaho para maging MAHIRAP.. ibig sabihin lahat tayo  NAKATADHANANG maging maginhawa, PERO nasasaatin kung panu tayo makakarating doon.  

Ganito lang yan e.. ikaw na bumabasa nito alam ko naniniwala ka na may taong nakatadhana para sayo, ako ganun din, pero isipin natin... kung tititigan mo lang ang page na to maghapon, magdamag, habang buhay.. tingin mu makakabangga mo ang taong itinadhana sayo?? magkakatitigan ba kayo?? mahahawakan mo kaya ang kamay niya?? sabay kaya ko kakain ng monggo?? o baka ang makatuluyan mo ay ako o kaya ang page na ito. kaya gumawa ka rin ng paraan para magkatotoo ang mga guhit sa palad mo, bago pa yan matakpan ng kalyo e kumilos kilos ka na. 

"Gusto ko umutot pero tae lumabas... ay mali... nasa Dyos pa din ang awa, nasa tao ang tyaga"

tara kain tayo ng monggo.. itinadhana ito... sana nasabi ko na lahat kasi mukang itinadhana na matapos na ito rito..

Saglit lang ha?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon