Chapter 6

2.3K 57 4
                                    

Neon's POV

"Miss, may nakita kayong weird na babae na nakaputi?" tanong ko dun sa nurse, nakapauti kasi si Chi tapos best description e di weird. Ano pa nga ba?

"Naku, wala po, try niyo na lang po sa guard kung may nakita sila, nagraround po kasi ako kanina, pasensya na po" sabi nung nurse, kay galang naman.

"Sige, salamat" saka ako pumunta dun sa may guard.

Tinanong ko yung guard pero ang sabi wala naman daw siyang nakitang babaeng lumabas dun.

Siguro nandito lang si Chi sa ospital?

Haaaaay. Bakit ba kasi ako pinagiisip ng babaeng yun!

Naglibot na lang ako sa ospital, mula first floor hanggang last floor, baka sakaling makita ko si Chi and I never fail.

Nakita ko siya sa third floor, nakatayo sa may pinto ng isang room.

Tatawagin ko na sana siya pero hindi ko nagawa, nakita ko kasing may pumatak sa mata ni Chi.

Muta, este luha pala.

Nagtago na lang ako dun sa may halaman na nasa third floor, galing noh? Automatic nagkahalaman bigla!

Kita ko pa din si Chi pero bigla siyang tumakbo palayo nung makita niyang magbubukas yung pinto nung kwartong sinisilipan niya.

Nagulat ako nung makita ko kung sinong lumabas sa pinto.

*

Chi's POV

Yung nakita kong babae na kasama ni Human,  hindi ako pwedeng magkamali.

Parang kilala ko siya, parang nakita ko na siya dati.

Tumakbo ako papalayo, medyo sumakit ang ulo and at the same time natatakot ako.

Natatakot ako sa nakita ko.

Yung babaeng kasama ni Human, kilala ko siya.

Sobra ng sakit ng ulo ko, hindi ko na makayanan.

Umupo ako dun sa bench na nakita ko, malayo na ako kina Human, sinundan ko kasi sila nung babae.

Di ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko, ang sakit na ng ulo ko.

Yung babae, yung babaeng kasama ni Human, kilala ko siya.

Hindi ko lang matandaan kung sino siya pero kilala ko siya.

Sobrang sakit na ng ulo ko, di ko na ata kaya.

Tama. Kilala ko nga siya.

Kilala ko nga ata.

Agad akong bumalik dun sa lugar kung saan naguusap si Human at yung babae pero pagbalik ko dun wala na sila.

Hinanap ko kung saan sila nagpunta, nakita ko yung babae sumakay ng elevator, agad akong pumunta sa second floor at inabangan yung elevator.

Kailangan kong malaman kung sino siya.

Kilala ko siya, alam ko, ramdam ko, kilala ko siya.

*

Neon's POV

Yung babaeng lumabas ng pintong dinudungawan ni Chi.

Si Girl of My Dreams yun. Teka, anong ginagawa ni Chi dun?

"Huy, ikaw ulit?"  nagulat na lang ako, si Girl of My Dreams, nasa harapan ko na.

"Ayyyy, Ca--camille!" napabati na lang ako, ano namang sasabihin ko, malay ko bang makikita ko siya.

"Third Floor ka din? Third floor din ba yung dinadalaw mo?" tanong niya sakin, ano namang isasagot ko? siyempre palusot. kesa naman sabihin kong may hinahanap akong kakaibang nilalang. masabihan pang sira ulo ni Girl of My Dreams.

"Ah. Oo. Third Floor din ako" saka ako nagsmile.

"Ah, sino nga bang dinadalaw mo dito?" tanong niya sakin.

"ah eh, yung pinsan ko kasi naaksidente kanina sinugod sa emergency room dito"

"Ganun ba? Sige, mauna na ako, sana gumaling yung pinsan mo" saka siya nag smile saka umalis.

Nakahinga din ng maluwag, teka, ano nga ba ulit ginagawa ko dito sa Third Floor?

Oo nga pala. Si Chi.

Tiningnan ko yung hallway kung saan ko nakita si Chi pero wala na siya.

Saan na naman kaya yun nagpunta?!

MEET THE CHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon