Chapter 9

2.2K 65 12
                                    

Neon's POV

"Salamat sa lahat, sa pagsama sakin, sa pagpapatuloy sakin at sa..."

Nakatingin lang ako kay Chi.

Ano bang pinagsasabi ng isang 'to...

Lumalapit ako pero lumalayo sa siya.

"at salamat sa paghanap ng katawan ko."

Bigla siyang naglaho.

"Chiiiiiiiiiiiiii!!!"

"Huy, pinsan, gising" bigla akong nagising

"Ha?" napatanong ako kay Nickel

"Kanina ka pang tulog, naungot ka din, para kang ewan, makinig ka nga sa klase"

"Ah"

Nandito ako ngayon sa school, pasukan na nga pala ulit.

Dalawang linggo na mula ng mawala si Chi.

Oo.

Nawala na si Chi.

Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko talaga maintindihan.

Pagkatapos nung gabing yun,

Nung bigla siyang nawala.

Palagi ko na siyang napanaginipan.

"Pinsan" tinawag ko si Nickel, magkatabi kami

"Oh?"

"Naniniwala ka ba sa multo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi" napakatipid ding sumagot nitong pinsan ko, parang yung gf lang niya na si Ayame.

"Ha? Bakit naman?"

"Basta hindi, bakit ba? Nakakita ka na?" tanong niya

"Huh? A-aah, di ah" di naman talaga, saka di naman multo si Chi, hindi nga daw siya multo diba. Isa siyang Chi.

"Eeh pinsan, alam mo yung Chi?" napatanong ulit ako

"Dami mong tanong, pag tayo nahuling nagchichismisan" pabulong si Nickel nyan, nakukulitan na ata sakin

"Eh matalino ka diba? So malamang alam mo yung Chi" bulong ko na lang sa kanya

"Ano bang klaseng Chi?" ano daw klaseng Chi, teka may klase ba yun at teka... Alam niya?

"Alam mo yun?"

"Oo naman, mahilig akong magbasa ng libro diba, nakabasa na 'ko ng article about dun, bakit?" bigla akong nagulat. Alam nga niya

"Anong nabasa mong artcile about dun?" napatanong na ako ng tuluyan, makulit na kung makulit, gusto kong malaman.

"Nickel, Neon" napatingin kami kay Ma'am

"Stop murmuring and listen to my discussion" panira 'tong teacher namin

"Mamaya ko na lang kwekwento sa'yo, ingay mo, pati ako nadadamay" at nasisi pa

"Sorry naman, sige, kwekwento mo ha"

"Oo na"

At nakinig na lang kami sa klase

MEET THE CHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon