Chapter 1

5.5K 139 25
                                    

"Gusto mo hatid na kita?"

"Talaga Neon?!" at saka kami umalis ng may ngiti sa labi itong babaeng kasama ko.

Para naihatid lang masayang masaya na siya? Ang babaw ng kaligayahan ng babaeng 'to grabe!

"Sige, hanggang dito na lang" saka ko ako nagpaalam sa kanya.

Hindi pa rin mapawi yung ngiti sa mukha niya.

Naglakad na ako palayo habang sisigaw sigaw pa rin siya.

"Ah, Neon!" tawag pa niya sa akin, napalingon naman ako, "Next time ulit ah!" tuwang tuwa siya habang kakaway-kaway sa akin.

Nginitian ko lang siya at muling tumalikod.

Anong next time? Last na 'to uy!

Napatingin ako sa aking relo. Sht. Mukhang natagalan ata ako. Kailangan ko ng magmadali, may tatagpuin pa akong isang chix

Bale yung babae kanina, isa lang naman sa mga chix ko. What else to expect? Marami ako no'n. At sa sobrang dami, hindi ko na mabilang pa.

"Hatid mo rin ako." bigla na lang may umiimik sa kung saan, guni-guni ko lang siguro yun.

"Huy! Hatid mo rin ako." may naririnig talaga ako.

"Psssst! Hatid mo rin ako!" napalingon na ako sa makulit na natawag sa akin.

Pagtingin ko, may isa palang babaeng nakasunod sakin

Teka, kelan pa siya dito?!

Nakaputi siyang dress. Maliit lang siya, siguro mga hanggang balikat ko lang.

Bilugan ang mata niya, hindi bagay sa sobrang kapal niyang kilay. May malalaking pimples at nagmumurang blackheads din siya sa mukha. Flat yung ang ilong niya, gano'n din ang kanyang dibdib.

To sum it up, hindi siya maganda.

"Miss anong trip mo? At sandali nga, sinusundan mo ba ako?"

"Ang dami mo namang tanong! Nagpapahatid lang naman po ako." Nginusuan niya ako na parang nagpapacute. Akala niya siguro ikinaganda niya 'yon.

Natawa na lang ako, nakahithit siguro 'to, "Bakit naman kita ihahatid? Bukod sa hindi naman kita kilala, hindi ka rin mukhang chix."

Muli ko siyang tinitigan mula ulo hanggang paa. Napailing ako, not my type, and will never be.

Maglalakad na sana ako palayo nang muli siyang magsalita, "Ah! Hindi ako chix, isa akong 'chi'!" sabi niya na parang may light bulb na nagsindi sa ulo niya.

"Ako nga pala si Eba at isa akong chi at.. kailangan ko ng tulong mo!"

Napataas ang kilay ko. Ano bang pinagsasasabi niya, "Chi? Chumi ka na ng chumi. Tumabi ka na lang miss nakatulong ka pa. May pupuntahan pa kasi ako kaya chupi ka na."

"Kuya naman e! Sige na! Hatid mo ko! Kelangan ko nga kasi ng tulong mo!" pagpupumilit niya.

Nakahara siya sa daan, lintek na babae 'to, naiinis na 'ko ha. "Tumabi ka nga! Hindi kita kilala okay?! I don't talk to strangers!"

Sa halip na pakinggan ako ay pumikit siya saka huminga ng malalim.

"Ako si Eba, isa akong chi at kailangan ko ng tulong mo! Nice meeting you!" iniabot niya sa akin ang kanyang kanang kamay.

Psssh. Sino raw siya? Si Eba? Isang chi? May sayad ata 'to e? At, ano bang kailangan ng tulong ko?

"Ok, ako si Adan, hindi ako isang charity worker, makakaalis ka na." itinulak ko siya at natumba siya.

MEET THE CHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon