Revenge

3.5K 178 9
                                    


"LANDER, alam kong tapos na ang klase n'yo ngayon so hurry up. Ayoko nang male-late ka sa pinag-usapan. I won't accept any of your excuses now. You promised me."

Bumuntong-hininga si Lander. "Yes, mom. I'll be there. Heto nga po at paalis na," sagot ni Lander sa ina na kausap niya sa cell phone. Naglalakad na siya papunta sa parking lot ng DBU.

"Good. I expect you to be here in thirty minutes. Malapit lang ang school n'yo sa venue kaya walang rason para ma-late ka. Nakakahiya sa pamilya ni Alice," estriktong sabi pa ng ina.

"All right, Mom. Thirty minutes it is," tugon na lang ni Lander. Tinapos na ng mommy niya ang tawag. Muli siyang napabuntong-hininga. Kanina pa siya pine-pressure ng ina. No. Noong nakaraang linggo pa pala. Napaka-persistent nito. Walang duda kung kanino siya nagmana.

One month ago ay may dinaluhan silang birthday party ng kaibigan ng ina na si Tita Emerald. Ipinakilala si Lander ng ina sa nag-iisang anak na babae ni Tita Emerald, kay Alice. Na-love at first sight agad si Alice kay Lander. Samantalang hindi magkandatuto si Lander na makalayo kay Alice. Palagi na siyang binubuntot-buntutan ni Alice mula nang ipakilala sila sa isa't isa. Maganda si Alice, pero hindi ang mga tipo nitong babae ang gusto ni Lander. At para makalayo kay Alice, tumakas si Lander sa party.

Galit na galit kay Lander ang ina dahil kabastusan daw ang ginawa niya. Hindi na raw siya nahiya kay Tita Emerald. Nagtalo pa sila ng mommy niya noon. Bakit bigla-bigla ay inireto siya ng ina kay Alice. Nagulat si Lander nang sabihin ng ina na ipinagkasundo pala siya nito kay Alice. Gustong-gusto raw ng ina si Alice para sa kanya.

Hindi makapaniwala si Lander na ginawa iyon ng kanyang ina. Ni hindi man lang ito nagpaabiso kung papayag siya. Karapatan niyang mamili kung sino ang mamahalin. Bakit kailangang pakialaman iyon ng kanyang ina? Labis ang pagtutol ni Lander sa ginawa nito. Pero tila hindi iyon batid ng mommy niya. Patuloy pa rin ito sa pakikipagkasundo sa kanya kay Alice. Naniniwala ang kanyang ina na magugustuhan din niya si Alice. Bigyan lang daw niya ng chance ang babae na kilalanin niya. Napailing-iling na lang si Lander. Kahit ano ang sabihin at gawin ng ina, hinding-hindi siya magkakagusto kay Alice.

Mabuti na lang at medyo nag-lie low si Alice sa pagsunod-sunod kay Lander. Dati ay palagi siyang pinupuntahan ng babae sa DBU at pinipilit makipag-date dito. Nabalitaan niya sa ina na busy si Alice sa school kaya hindi na siya napupuntahan sa mansiyon. Tinatawag-tawagan at tine-text na lang siya ni Alice pero hindi naman niya iyon sinasagot. Kampante na si Lander. Pero isa palang maling-akala iyon. Ngayon ay ang kanyang ina na ang gumagawa ng paraan para makapag-date sila ni Alice. Gustuhin man ni Lander na umeskapo sa setup date nila ni Alice sa pangunguna ng ina ay hindi puwede. Ayaw niyang magtalo na naman sila ng mommy niya. Kaya pagbibigyan na lang muna niya ito.

Kung alam lang ng kanyang ina na may isang babae si Lander na nais mapaibig, titigil na ito sa pakikipagkasundo kay Alice. He could get any girl he wanted, yes, but this particular girl was different. Really different.

Napangisi siya.

Inilabas ni Lander sa bulsa ng pantalon ang susi ng kotse niya at pagkabukas ay dali-daling sumakay doon. Nagtaka siya nang hindi umandar ang kotse. Wala naman siyang problema sa makina. Salubong ang mga kilay na umibis si Lander at ch-in-eck kung ano ang sira. Doon niya nakita na flat ang dalawang gulong ng kotse sa likod. Tiningnan niya ang suot na wristwatch. Napangiwi siya. Shit! I only have twenty-five minutes left. Twenty-five minutes pero mababawasan pa kung aayusin niya ang dalawang flat tires. Siguradong male-late na si Lander sa "date" niya. Katakot-takot na sermon na naman ang aabutin niya sa ina. Damn.

Lumuhod si Lander upang bistahan ang dalawang sirang gulong. Mukhang ang laki ng galit sa kanya ng taong may gawa niyon. Ni hindi man lang niya napansin.

Bahagyang natigilan si Lander nang may nakitang letrang "G" at heart sign na nakasulat sa hood ng kotse niya. Napangisi siya at umiling. Alam na ni Lander kung sino ang may kagagawan niyon. Hindi talaga magpapatalo ang brat na iyon. Imbes na magalit, na-amaze pa siya.

Georgina.

Natawa siya. Kung may makakakita siguro kay Lander, iisipin na nababaliw na siya. Kung hindi lang siya nakapangako sa ina, magpapasalamat pa siya sa ginawa ni Georgina. Oh, he would love to see Georgina's lovely face burning with anger if he thanked her. Natawa na naman siya.

Ah, baby. You made my day.

GEORGINA MONTEZ: THE GORGEOUS DISASTER ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon