First Date

2.9K 118 6
                                    

"THIS is what you call a 'date'?" hindi makapaniwalang sambit ni Georgina. Sa Tagaytay siya dinala ni Lander. At ang una raw nilang gagawin ay sumakay sa Zipline!

"What's wrong with ziplining? Alam kong hindi ka pa nakakapunta rito at alam ko ring hindi mo gusto ang mga ganitong lugar," naaaliw na sabi ni Lander.

"Bakit dito mo ako dinala kung alam mo naman palang hindi ko gusto dito?" naiinis na turan niya. Kinakaaliwan pa ng hudyo ang pagkainis niya!

"I've been here for several times already and it really feels good. The fresh air, the amazing sunset... Kapag gusto kong ma-relax, dito ako pumupunta kahit mag-isa lang ako. Georgina, hindi lang naman sa mall puwedeng mag-date ang magkasintahan. Dapat mo ring malaman iyan. You should try it. Explore other places. Hindi lang iyong sa mall ka lang at nagsiya-shopping. That's kinda boring."

"Shopping is never boring for me." Inirapan niya ito. Hindi siya ang tipo ng tao na mahilig sa nature. Nabo-boring-an siya.

"Well, wala ka nang magagawa dahil nandito na tayo. Ako ang magtu-tour sa 'yo at ang una nating adventure ay ang mag-ziplining. You'll love it. Maraming couples ang sinusubukan ito sa date nila."

"Magsi-zipline ako nang ganito ang outfit ko? Are you freaking nuts?" asik niya. She was wearing backless light green above-the-knee dress and white high-heeled lacy shoes!

"Hindi ba ang sabi ko sa 'yo, huwag kang magsusuot nang ganyan? Pero matigas ang ulo mo at nagsuot ka pa rin." Umiling ito. "Brat."

Nang makita ni Lander ang suot ni Georgina ay inutusan siya nitong magpalit bago sila umalis ngunit hindi siya sumunod. Nagtuloy-tuloy siya sa pagsakay ng kotse nito kaya hinayaan na lang siya.

Humalukipkip si Georgina. "Kaya wala ka ring magagawa. Hindi mo ako mapapasakay diyan."

"Meron. Na-anticipate ko nang mangyayari ito kaya binilhan kita kahapon ng damit at flat shoes. They're inside of this paper bag. Kaya magpalit ka muna bago tayo sumakay." Inabot ni Lander sa kanya ang paper bag pero hindi niya iyon tinanggap.

Napasinghap siya. "What? No way!" Kanina pa siya nagtataka kung para saan ang hawak nitong paper bag. Iyon pala ay may pinaplano ito. Ibang klase talaga ang lalaking ito!

"This is for your own good. Gusto kong maging comfortable ka sa pamamasyal natin."

"Sinabi nang ayoko! Comfortable ako sa suot ko. End of discussion." She would become unglamorous if she would change her dress. Isang oras pinagpilian ni Georgina nang mabuti ang isusuot pagkatapos ay mababale-wala lang nang dahil sa gusto ni Lander?

"Magpapalit ka, o gusto mong ako mismo ang magpapalit ng damit mo? I'm very much willing, baby." Ngumisi ito.

"Pervert!" nanggigigil na wika niya.

"Gagawin ko talaga iyon kung ayaw mo," hamon ni Lander.

Nagsukatan sila ng tingin. Subalit sa huli ay si Georgina rin ang unang bumigay. "Ugh! I hate you!" Tiningnan niya si Lander nang pagkatalim-talim, sabay pabalang na inabot ang paper bag dito. Nakasimangot na naglakad si Georgina patungong comfort room. Tatawa-tawa namang sumunod sa kanya si Lander. Inunahan siya nito sa paglakad dahil hindi naman niya alam kung saan ang comfort room. Nang marating iyon ay hinintay siya ng binata sa labas.

Nakasimangot pa rin si Georgina paglabas ng comfort room. Nasira ang outfit niya sa araw na iyon nang dahil kay Lander! Pero in fairness, nagustuhan naman niya ang floral blouse at skinny jeans na napili nito para sa kanya. At ang black doll shoes na may pink na bulaklak na design sa gitna, they were super cute! Hindi siya makapaniwalang may fashion sense din pala si Lander. Kasyang-kasya pa kay Georgina ang damit at sapatos na tila isinukat talaga para sa kanya.

GEORGINA MONTEZ: THE GORGEOUS DISASTER ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon