Vienna's POV
4 screen captured pictures. Kinabahan ako. Hindi ako makahinga sa iniisip ko. Yung pakiramdam kong mabigat kanina, mas doble na. Feeling ko pagsasakluban ako ng langit at lupa sa mababasa ko.
Nagkausap na sila
Huminga ako ng malalim, bago ko iclick yung picture. Natatakot akong mabasa kung ano mang napag-usapan nilang dalawa. I know mas frustrated sya sakin ngayon. Mas nasasaktan sya. Mas malungkot sya. Mas mabigat ang dala nya.
Hindi ako natatakot sa isiping magiging ok sila. Masasaktan ako pero syempre matutuwa ako para sa kanya. Atleast magiging ok na sya.
Minsan,iniisip ko na lang na hindi naman talaga ako inlove sa kanya. Hindi naman ko mahal. Infatuation lang to. Nasanay lang ako na lagi ko syang kausap kaya ganito ako.
After 48 years, natapos kong basahin. Hindi ko man maintindihan yung buong usapan nila dahil iba ang dialect. I got her ex girlfriend’s point. Yung last line yung pinakamasakit.
I don’t know how to react. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Anong iaadvice ko? Ano bang alam ko sa ganito? First time kong mainlove. First time ko ding masaktan ng ganito. Nasasaktan sya, mas nasasaktan ako. Malungkot sya, mas triple ang lungkot ko.
Nakakatawa kasi desperada na akong maging ok sya. Nakakainis kasi hindi ko naman talaga alam ang sasabihin ko everytime na nalulungkot sya. Ang magagawa ko lang ay ang samahan syang malungkot. Makinig sa mga hinaing nya sa buhay. Kahit ang patawanin sya hindi ko magawa dahil pati ako nasasaktan. Hindi ko alam kung pa’no ko ihahandle ang sitwasyon ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin yung mga ganitong moment na alam kong sobrang sakit sa part nya.
‘ You can use me to move on? ‘ Pwede akong rebound. Ill do everything for you.
‘ Ok lang yan. Andito ako. Mas mamahalin kita.‘
Hinding hindi ko bibitawan ang mga salitang sinabi nya sayo.
Para naman akong tanga sa mga iniisip ko. Natatawa na lang tuloy ako. I look so desperate.
“ Sapat na siguro yang sinabi nya para mag move on ka na talaga. “ I end up typing that line.
After 2 minutes, wala pa din syang reply. “ Ok lang yan, wag kang magbibigti ha? ” Pagtapos ulit ng ilang segundo wala pa ding response. Madami na kong sinabi. Wala pa din naman syang response. Buti na lang at nasa work sya, wala sa kwarto. Kung hindi baka tuluyan na syang nagbigti.
Eversince na makilala ko sya, hindi na ko makapag advice ng matino. Mas matanda sya sakin. Mas madaming experience. Eh ako ? Unang pag-ibig, unang pagkabigo ang hinaharap ko. Ang matindi pa, pag nalaman nya, lalayo sya, mawawala sya.
Wala pa kong mapagsabihan dahil hindi naman alam ng mga kaibigan ko na nainlove na ko. Ang matindi sa babae pang katulad ko.
‘Holy mother cow, ang tindi ng parusa sa’kin.’ :( Bakit ganito? Nainlove ako sa mas matanda sa’kin. I know that age does’nt matter but how about sex? I know it does matter.
Anong sasabihin nya pag nagtapat ako “ Bata ka pa, baka nalilito ka lang dyan sa nararamdaman mo. “
Kaya ko namang ipaglaban to, kung kasama ko syang lalaban. Kaya ko namang harapin lahat ng mga matang titingin sa akin ng may halong panghuhusga kung hahawakan nya ang kamay ko. Kayang kaya kong ipagtanggol sya sa tututol sa relasyong meron kami, kung meron naman talaga kami.
YOU ARE READING
Will You Stay ? (GirlxGirl)
RandomIs it possible to feel the searing pain of loss for something that was NEVER YOURS in the first place ? - J.M.G