At dahil gusto ko talagang panoorin yung movie na “The Conjuring” isinama ko pa dito sa update pasensya pala at napaka lame ng updates ko ^_^
Para sa pinakamakulit na nilalang na kilala ko. Pinilit kong mag update ngayon kaya bayaran mo ko ng mahal! -_-‘ Tsaka sana naubos na yang dugo mo Pido II. HAHAHAHA :D
Para sa hindi masasatisfy, pasensya na po. And by the way, meet Cielo Legaspi, new main character.
Enjoy reading!
--------------
Vienne’s POV
Inis na inis akong inioff ang cellphone ko, nakakailang miss calls na sya pero wala akong balak sagutin. 7 araw siyang hindi nagparamdam tapos bigla na lang syang tatawag at sasabihing “ I’m happy.” Ibabalitang ok na ok sya. Bla bla bla na nagkita sila. Nang-aasar lang? Napaka insensitive na nilalang. Hays.
Hindi nya man lang naisip na sa pitong araw na hindi sya nagpaparamdam, may nag-aalala sa kanya. Ang masaklap pa, parang wala lang nung kinausap nya ko. Parang akala mo kahapon lang magkausap kami.
*FLASHBACK*
Busy’ng busy ako sa paghahanap ng babagay na damit para sa birthday na pupuntahan namin mamaya ng tumunog ang mahiwagang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha sa pag-aakalang tumatawag na ang nanay ko para ipaalalang inumin ko ang gamot ko dahil lunch hour na.
“ Great! After 1 week nagparamdam ka. “ oo na para na akong tangang kinakausap ang sarili ko habang hawak ang isa sa mga damit na nagustuhan ko at kaharap ang cellphone ko. Agad akong umupo sa upuan malapit sa fitting room.
“ Hello?” wala talaga akong ganang kausapin sya, o kahit na sinong santo ngayong araw. Pakiramdam ko kasi kahit sino masisigawan ko once na dinagdagan pa nila init ng ulo ko. Ang OA di ba?
“Hello Vienne? May ibabalita ako sayo.” Halata namang Masaya ang gaga sa tono palang ng pananalita.
“Bakit ka napatawag?”
“Ang dry mo naman.May ibabalita nga ako.” Oh so tatawag lang pag may ibabalita? Ang galling talaga.
“Sige na simulan mo na,busy pa ko.” Inilapag ko na yong dala kong dress para mamaya at tsaka ako umayos ng upo.
“Ang sungit ha. Nagkita na kami. Magkikita ulit kami mamaya. Tsaka ok na ko Vienne. Sobrang ok!”
“ Tapos na? Ok ingat kayo.” Ipababaril ko na kasi kayo mamaya. J
“ Ohsi---“ Pinatay ko na yung tawag. Halata namang masaya na sya.
Pagkatapos ng tawag na yon, nagtext sya ng pagkahaba haba saying na bastos ako. Whatever. At ayon nga tumawag pa sya ng madaming beses.Nakakairita lang.
*END OF FLASHBACK*
“ Babe, try this one. Dali! Nang mawala naman yang lukot sa mukha mo. Kanina pa consistent yang gusot na yan. Planstahin na natin! “agaw atensyon ni Cielo na kulang na lang idikit sa mukha ko yung hawak nyang gummy bears. Yung ngiti nya ngayon pati mata nawawala.
Nasa isang candy shop kami at kasalukuyang namimili ng pasalubong para daw sa mga bata sa bahay nila. Marami kasing bata sa kanila ngayon. Mga pinsan nya at mga pamangkin daw.
YOU ARE READING
Will You Stay ? (GirlxGirl)
RandomIs it possible to feel the searing pain of loss for something that was NEVER YOURS in the first place ? - J.M.G