4 : The gift <3

470 19 13
                                    

Here's the update :) Sorry sa hindi na naman masasatisfy. Maraming salamat din sa mga nag-aabang. Open po ang MB ko sa mga errors ng chapter na to! :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vienne’s POV

 

“Bwisit na Red yan!” yamot na yamot akong pumasok ng bahay. Akala ko pa naman nasa labas talaga sya. Eh ni anino nya wala don!

“Hoy,ano ba yang mukha mo Vienne? Kanina pa Biyernes santo! Ano bang nangyayari sayo?” Salubong ni ate sa’kin sa sala. Umiinom ito ng kape at relax na relax na nakaupo sa single sofa.

Pasalampak akong umupo sa sofa’ng kaharap ng inuupuan nya. “ Pa’no si Red nagtext nasa labas daw sya ng bahay, eh wala naman! Napaka uto-uto ko talaga kahit kailan.”

Tumayo si ate at pumunta ng kusina. Pagbalik nya, pailing iling na iniabot niya sa’kin ang isang box. Nagtataka lang ako na tinignan ng maigi yung box. Kasing laki ng box ng lalagyan ng rice cooker. Hindi ko naman birthday eh.

“Buksan mo na,dali excited akong makita laman nyan eh!” Lumipat pa sya sa tabi ko at tsaka inagaw yung card na dapat bubuksan ko na sana -___-‘

“Yan na munang box ang buksan mo! ^_^” nagtataka ako sa ikinikilos nya ngayon. Hindi naman kami close pero kanina nya pa ko ginaganito ha.

“Ito na, ano ba kasing laman nito.” Nakakadalawang bukas na ko ng balot kaso may balot pa din.

“Ate! Ano ba to? Bakit puro balot lang?” Ngumiti lang sya sakin at tsaka sumenyas na ipagpatuloy ko ang pagbubukas.

“Pambihira naman to, Ilang layer ba ng balot nito? Ang OA naman.”  

“Alam mo imbis na nagrereklamo kang bata ka dyan, buksan mo na laaang! Dali na.” sa tono ng pananalita nya, halatang excited syang makita yung laman.

“Kanino ba to galling ate? Kay Marc na naman?” botong boto kasi si ate Alei kay Marc. Si Marc ay ang aking ex-boyfriend slash manliligaw ngayon. Magulo? Nanliligaw ulit sya. Nag-aantay sya. Nag-aantay sya saw ala.

“Hindi! Basta ang cute nya, kasing tangkad ni Arkid tapos mas cute pa dun sa crush mo sa campus namin.”

“Wee? Talaga ate? Akin na kasi yang card ng yan muna ang titignan ko!” inilapag ko muna sa tabi ko yung box tsaka pilit na inagaw sa kanya yung card.

“ Ako na lang magbabasa Vienne.” Tumayo pa sya at tsaka parang tangang sumampa sa sofa.

Nakatingala tuloy ako sa kanya. “Ok ‘to na baby. Haha! Kuha ka munang oxygen, baka kiligin ka eh. Magkwento ka mamaya ha!”

“Hoy ikaw ate! Nagtataka na ako sayo ha?! Kumain ka ba ng isang daang sako ng bubog kaya ka ganyan?! O nakulam ka?! Anong nangyaring kababalaghan sa’yo at parang sinaniban ka ng kabaitan at kasweetan?”

Pumulot pa sya ng throw pillow at tsaka binato sakin. Buti na lang nasangga ko. Im so great!

“Hoy Vienna Paris Alcantara, minsan na nga lang ako nandito, ganyan ka pa! Isusumbong na kita kay mommy! Ang OA OA mo pa. Pakainin kita ng pako dyan!”

Will You Stay ? (GirlxGirl)Where stories live. Discover now