Vienne's POV
Ilang araw ng lumipas. Hindi ko pa din matiis na hindi sya makausap. Ganon pa din ang routine namin.
Binabalewala ko lahat ng kirot kapag nagkukwento sya tungkol don sa kung sinumang alien na nagpapatibok ng puso nya.
Masakit. Pero hindi pa din naman sya nawawalan ng oras sa'kin. Kaya kahit papaano, nababawasan yong bigat na nararamdaman ko.
“ Ok ka na? “ I’m worried, magsabi ka ng totoo.
Lahat na yata ng projects, homework at kung ano ano pang gusto kong gawin sinasabay ko siya. Kaya sobrang affected mga activities ko kapag hindi siya ok. Kapag pakiramdam ko nasasaktan siya. Just like now, gumagawa na naman ako ng project na lumilipad ang presensya sa ko sa kung saan dahil sa sitwasyong hindi ko maintindihan.
5 minutes . . .
6 minutes . . .
10 minutes . . .
15 minutes . . .
Tulala lang ako sa harap ng laptop. Specifically sa chatbox namin. Wala pa din siyang reply after saying that she’s fine. Syempre naglilibang muna ako, though I cant concentrate. Pinagpatuloy ko na lang yung ginagawa kong presentation para sa computer subject namin.
Noon, gusto kong isulat kung anong love story ko. Yo’ng masaya, yo’ng parang katulad lang ng mga binabasa ko. Hindi happy ending. Oo hindi man happy ending atleast sumaya sila. Once. Eh ako ? Paano ako sasaya sa love story ko na to, nang hindi ko man lang naipagsisigawang mahal ko siya ? Hindi dahil us against all odds ang sitwasyon, hindi din dahil tutol ang magulang namin sa ganitong relasyon. Hindi din dahil mayroon siyang inspirasyon ngayon.
Siya lang naman ang problema eh, siya lang. Siya lang na mahal ko ng sobra. Siya lang na ayokong mawala.
Nakakainis. Gustong gusto ko na siyang kulitin para magreply siya. Nakakabaliw yung pakiramdam na ganito. Daig ko pa yata ang girlfriend sa pag-aalala. We're friends by the way. WE'RE FRIENDS. Good friends.
Bumalik lang ako sa katinuan ng narinig ko yung tone na ibig sabihin may nagchat sa facebook.
" Tapos ka na sa computer project mo? " may nagpm lang pala na classmate akala ko naman sya na.
Dumaan ang ilan pang minutong parang dekada na sa pakiramdam ko. Sasabog na ko sa inis, sasabog na ko sa magkahalong feeling na pag-aalala at pagkamiss sa kanya. Matatapos na ko sa presentation ko pero wala pa ding Red Sy Rayola ang nag aappear sa chatbox ko :(
Nawawalan na naman ako ng energy. Lahat ng saya ko kanina no'ng nagbibiruan kami hinigop na ng pakiramdam na hindi ko na yata sya makakausap ngayong araw.
1 hour and 49 minutes na ang nagdaan, ayaw ko pa sanang mag out pero anong oras na. Sunday ngayon at may pasok kami bukas.
" Hoyy baliw!"
YOU ARE READING
Will You Stay ? (GirlxGirl)
AcakIs it possible to feel the searing pain of loss for something that was NEVER YOURS in the first place ? - J.M.G