CHAPTER 8

33.5K 543 14
                                    

PHOEBE'S POV:

Hangang ngayon ay hindi pa rin mag sink in sa akin ang lahat-lahat na nagyari kanina. I didn't expect na mangyayari yun and I didn't expect na andoon rin pala siya sa bar na pinuntahan namin at di rin ako na-inform na ganoon pala kaliit ang mundo. Sa dami-daming bar na pwede niyang puntahan ay doon pa talaga?!

Halos mabingi na rin ako sa katahimikin dito sa loob ng kotse niya. Miske isa sa amin ay walang nag-ahas na maunang magsalita. I can't take this anymore! Mapapanisan ako ng laway sa ganitong sitwasyon. Nakakabingi ang katahimakan namin.

"S-Sa 99 Condominium mo na lang po ako ihatid, Sir." Nahihiya ko pang sabi. Baka kasi kung saan niya ako dalhin dahil hindi niya alam ko saan lupalop ba ako nakatira.

"I'm tired. Doon ka muna sa condo ko." He simple said na sa daan pa rin nakatingin. Mabilis naman ako napalingon sa kanya dahil sa sinabi niya. Tama ba ang pagkakarinig ko? Saan daw ako? Sa condo niya?

I gulped hard. "H-Hindi na po sir. Nakakahiya po, ibaba niyo na lang po-" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.

"I'm tired. Don't worry wala akong gagawin sayo. I just want to rest." He said in a calmed voice. Nilingon niya ako ng pandalian pero ibinalik niya rin kaagad sa kalsada.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Ano pa ba ang magagawa ko? Wala naman daw siyang gagawin. Sayang naman akala ko meron. Choss!

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag "O-Okay."

*****

"Sir, dahan dahan lang po." Nag-aalala kung paalala kay sir alex habang papasok kami ng elavator. Nang makapasok na kami ng elavator ay napahinto ako sa dapat kong pag pindot kung saan floor ng ma realize ko na hindi ko pala alam kong ano ba ang floor ng unit niya.

"Ah, sir, ano pong floor?" Kakamot-kamot sa ulo na tanong ko sa amo ko na namumungay na ang mga mata at lasing na lasing na talaga.

Ngayon lang yata tumalab sa kanya ang mga ininom niyang mga alak, kanina naman ay okay pa siya pero ng makarating na kami dito ay bigla na lang siyang naging ganito.

"2-20..." Namumungay na sagot niya at muntikan pa kaming matumba dahil pinilit niyang abutin ang number 20 button dahil alerto ako ay napigilan ko ang pag tumba namin.

"Sir naman! Ako na po!" I said pannicking at mabilis na pinindot ang 20th floor at mas inalalayan pa siya ng maige. Napasingap ako ng kumalas siya sa akin mula sa pagkakaalalay ko sa kanya at hiharap niya ako sa kanya.

"S-Sir..." kinakabahan kung sabi. Jusme! Ano naman ang gagawin netong amo ko sa akin? Sesermonan niya na ba ako? Bawal bang bukas na lang?

Natuod ako sa kinatatayuan ko at nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong halikan. M-My lips! My virgin lips! Totoo ba tong nangyayari?! My boss is kissing me right now?! Nanghihina kong naibuka ang bibig ko ng ipilit niyang mag response ako sa halik na binibigay niya. Nakakapanghina ang halik niya, wala ako sa sarili na ipinulupot ko ang mga braso ko sa leegan niya at tugunan na rin ang halik niya. Parang nag slow ang lahat sa akin pati ang pag-akyat ng elavator ay feeling ko ay bumagal din dahil sa halik namin.

I know na dapat itulak at sampalin ko siya dahil sa paghalik niya sa akin pero iba ang inuutos ng puso ko. Gosh! Nakakabaliw ang halik niya! Nang marinig ko ang pagtunog ng elavator at pagbukas neto ay mabilis ko siyang naitulak. Sheyt! Baka may makahuli pa sa amin! Nakakahiya at sa loob pa ng elavator kami naghahalikan.

Mabilis ko naman na inalalayan si sir ng tuluyan na mag bukas ang elavator at medyo napayuko pa ako dahil may nag-aantay pala na mag-asawa, buti na lang ay naitulak ko si sir kundi naabutan pa nila kami. "S-Sir, ano pong unit number?" I asked habang inaalayan ko pa rin siya ang daming unit number dito at malay ko ba kung alin dito.

Imbes na sagutin niya ako ay may dinukot siya sa bulsa niya na susi, aabutin ko na sana ito ng mabitawan niya. "Ako na po." Sabi ko na balak niya pa ang siyang dumampot. Mabilis ko naman dinampot gamit ang paa ko, syempre nag hubad muna ako ng heels bago ko dinampot gamit ang paa ko, di naman kasi ako makayuko para damputin ng kamay ko dahil nakaalalay ako sa kanya at baka matumba pa kami.

Nang mahawakan ko na ay tinignan ko ang keychain ng susi na may unit number na nakalagay unit 2167. Mabilis na hinanap ng mga mata ko ang 2167, tinignan ko naman ang katapat na pintuan na hinintuan namin at 2165 ang unit number kaya isa pang pintuan bago kay sir alex. Naglakad na kami patungo doon at ng makarating kami sa tapat ng unit niya ay binuksan ko na dahil nabibigatan na ako sa kanya.

Agad ko siyang dinala sa kwarto niya ng makapasok kami, halos hindi na siya makalakad dahil sa kalasingan niya. Bwusit tong lalaki na to! Iinom-inom tapos di naman pala kaya. Medyo nawala na rin ang hilo ko dahil sa kanya at sa mga nangyari sa bar at kanina sa elavator.

Nang makarating kami sa kwarto niya ay dahan-dahan ko siyang inilipag doon "Grabe! Ang bigat mo." Reklamo ko habang inuunat-unat ko pa ang mga braso ko. Feeling ko dislocate yung mga buto-buto ko dahil sa kanya. Ang bigat niya super! Daig ko pa ang bumuhat ng isang sako ng bigas.

Napatingin ako sa payapang mukha niya na natutulog, ang gwapo niya talaga no doubt. Wala sa sarili akong napahawak sa labi ko dahil sa halikan na nangyari sa elavator kanina. That's my first time. He got my first kiss and I don't know kasi nagustuhan ko. Napailing na lang ako sa naisip ko at naisipan na lumabas na muna ng kwarto niya para kumuha ng maliit na planggana at malinis na bimpo para ipampunas sa kanya.

Nang maihanda ko na lahat ng kailangan ko ay sinimulan ko na siyang linisan. Inuna ko ang mukha niya, dahan-dahan kong pinunasan ang noo niya at makabilaang pisngi niya at ang matangos at nang-aaway na ilong niya at napahinto ako ng dumaan ang bimpo na hawak ko sa manipis at mapula niyang labi na kanina lang ay nakalapat lang sa akin. Ilan na kaya ang nahalikan niya? Ilan ng mga babae ang nakatikim sa nakakabaliw niyang labi? I sighed. Bakit ba tinatanong ko? Obvious naman yata na marami na. Umiling na lang ako at pinagpatuloy na ang ginagawa ko sa kanya.

Tomorrow is back to normal. Isang masungit at bipolar na Alexander Javier Lee na. Maaalala niya pa kaya bukas ang halik na pinagsaluan namin sa elavator? I sighed and shrug my shoulder. I think no. Bakit pa ba ako umaasa?

----------------------------

Sana napakilig ko kayo😘 Thank you so much guys! Continue voting and comments for this #MPB Love you guys!😘😍

@Xrine13

MY POSSESSIVE BOSS -Under RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon