PROLOGUE:

194K 1.8K 38
                                    

*Alarm Ringing*

"Urgh." Unggol ko habang kinakapa ko ang alarm clock ko na ayaw tumigil sa pag tunog at ng makapa ko ay agad ko itong pinatay at tamad na tamad na tumayo sa higaan ko na nakapikit pa.

Nagtungo naman ako sa aking kusina na papungay-pungay pa na halatang inaantok pa, binuksan ko ang electric kettle upang makapag init ako ng tubig at makapag kape para magising ang aking kaluluwa, naghanda na rin ako ng aking breakfast.

Napabuga ako ng hangin, kung dati ay gigising na lang ako at kakain ng breakfast ko dahil naka handa na ito ngayon ay kailangan ko 'tong gawin na mag-isa, dahil wala nang taong pwedeng gumawa nun sa akin at kung nagtataka kayo kung bakit ay dahil umalis ako sa puder ng aking mga magulang dahil nasasakal na ako sa mga ginagawa nila sa akin and I understand naman dahil ako lang ang nag iisang anak nila and nagiging OA na sila sa pagiging over protective sa akin na nakalimutan na yata nilang malaki na ako at may sarili narin isip.

Pero wala akong pinagsisihan sa ginawa kong pag-alis sakanila actually mag-aanim na buwan na ako ngayon sa apartment na tinitirhan ko at masaya ako kasi nagagawa ko na ang gusto ko na walang nakasunod sa akin na "Bodyguard" at nirereport lahat sa magulang ko ang ginagawa ko, opo tama kayo di-bodyguard ang lola nyo.

Ako lang naman ang tiga pagmana ng kumpanya na pinapaandar nila ngayon ang La Verde Group Inc. kung saan ay pumapangalawa ang aming kumpanya sa mga malalaki at kilala sa buong Asia na nag p'produce nang magaganda at mamahalin na furnitures isipin nyo na lahat ng klase ng furniture, meron ang kumpanya namin n'yan. Hindi naman sa nagmamayabang pero yun ang totoo.

Ilan minuto pa ang nagdaan at natapos din ako sa aking pag gawa ng aking breakfast, kailan ko na rin magmadali dahil kailangan ko pa maghanap ng trabaho. Oo, tama kayo ng iniisip maghahanap ako ng trabaho upang may ipambayad ako sa bills ko at may makain. Finreeze kasi ng parents ko ang lahat ng credit & debit cards ko na akala nila ay babalik ako kapag ginawa nila yun but no, papatunayan ko na kaya ko kahit walang pera galing sakanila.

I sighed. Papatunayan ko sakanila na kaya ko mag-isa, na I'm old enough para tahakin itong landas na pinili ko.

AUTHOR'S NOTE:

Hi, MPB reader! This is my first book & praying na sana ay magustuhan ninyo at samahan ako hanggang dulo nitong sinisimulan kong libro.

This book is not suitable below 13 years old dahil may mga SPG moment po tayong mababasa dito pero kung matigas ang ulo mo at gusto mo po talaga 'tong basahin you're very most welcome but no judgement please.

So, let's go! Samahan n'yo ako sa kwentong ito.

Read at your own risk!

Follow and vote me mga ka-MPB!

Your Ms. Author,

Xrine13

MY POSSESSIVE BOSS -Under RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon