CHAPTER TWO

109K 1.6K 56
                                    


PHOEBE'S POV:

Nauna pa ako sa alarm clock ko na nagising dahil natatakot ako na malate sa interview ko sa Lee Enterprise, hindi pwedeng malate ako dahil nakapangit naman yun para sa first impression nila sa akin kapag late akong dumating sa interview ko.

Halos 30 minuto din akong nagtagal sa banyo at atsaka nag handa na rin ng breakfast ko bago ako umalis syempre baka mamaya habang iniinterview ako ay bigla na lang mag-ingay 'tong tiyan ko, nakakahiya yun at ayaw kong mangyari pa iyon. Nang ma-satisfied na ako sa itsura ko ay pumunta ako sa whole body mirror ko atsaka sinipat ang aking suot na damit, nag suot lang ako ng solid casual collar long sleeve blouse at high waited maong jeans at pinaresan ko lang ng 2 inches na sandal heels na kulay puti, dahil naalala ko sa pagkakasabi ng babae kailangan mag suot ng formal attire kaya pagkauwi na pagkauwi ko kahapon ay naglinis muna ako sa sarili ko dahil nilalagkit na ako doon sa natapong strawberry juice sa damit ko dahil sa aroganteng at manyak na lalaki na yun kahapon. Hay naku, phoebe don't stress yourself sa nangyare kahapon move on na girl at baka pumangit ka pa and after nun ay naghanap na kaagad ako nang isusuot ko ngayon araw at nagpahinga na.

Nang okay na ako sa aking itsura ay umalis na ako sa aking apartment at agad naman akong nag-abang nang taxi at mabilis rin naman akong nakakuha.

"Kuya, sa Lee Enterprise po." Malumanay na sabi ko kay manong at tumango lang ito at agad na pinaandar ang kotse. Mukang alam naman yata ni manong at di na sya nag tanong sa akin kung saan ruta, sabagay taxi driver sya and I'm sure marami na syang kabisadong lugar dito.

By the way, bago ako nag pahinga kahapon ay siniearch ko muna ang Lee Enterprise baka tanungin nila ako about sa company nila at wala ako masagot and nalaman ko na isa rin sila sa mga kilala sa buong Asia tulad ng kumpanya ng parents ko at kapag siniswerte ka nga naman ay same activity pa sila na ginawa which is nag p'produce din sila ng magaganda at authentic na furniture.

Siguro mga 30 minutes din ang binyahe namin ni manong at ibinaba nya ako sa nakakalulang building na kulang na lang ay mabali ang leeg mo sa pagtingala. Oh shet! Napaka taas naman ng building na ito at ang ganda-ganda pa pwede mo syang ihanhintulad sa skyscrapers na makikita mo. Oo, ganun sya kaganda at nakakasilaw sa mata ang mga sinag na glasses ng building dahil natatamaan ito ng sinag nang araw.

Binayaran ko na si manong at nagpasalamat sakanya. Malalim na buga ng hangin ang aking ginawa ng tuluyan na akong makababa ng taxi, kinakabahan ako mukang nakakatakot ang aking boss dito kung sakaling matatangap ako sa trabaho na ito.

I compose myself. "Kaya mo yan, Phoebe." Mahinang bulong at pagpapalakas ng loob ko sa sarili ko at naglakad papasok ng magarang building na may malaking nakasulat na Lee Enterprise Incorporation na akala mo ay ginto ang ipinangawa neto doon dahil sa kinis at kinang na nakakamangha nga naman.

Halos mahulog ang aking panga ng makapasok na ako sa loob ng building. Holy shet! Jusko, nasa mansyon ba ako? or nasa aapplyan na trabaho? Sobrang laki ng lobby at unang bubungad sayo ang naglalakihan chandelier at sa gitna naman ay mini fountain na may nakatayong angel na naglalabas ng tubig. "Wow." Ang mahina at tanging lumabas lang sa aking bibig dahil sa mangha ko sa ganda.

Inikot ko naman ang aking mata upang hanapin ang receptionist area dahil hindi nabangit sa email kung anong floor ang aking interview, mabilis ko naman agad itong nakita dahil Malaki ang nakasulat na reception. Naglakad naman ako papalapit don at ng tumingin sa akin ang babaeng reception doon ay agad ko naman sya tinapunan ng ngiti.

"Hi." Ngiting bungad nya ng tuluyan na akong makalapit.

"Hi. I'm Phoebe and I have interview today for secretary position." Magalang at nakangiti kong sabi.

"Okay, Ma'am. Let me check." Agad naman ito bumaling sa computer na kaharap nya pagkatapos nya itong sabihin at walang pang ilang minuto ay bumaling na agad ang atensyon nya sa akin. "Ah, Ms. Phoebe sa 35th floor po ang interview niyo sa CEO floor po." Nakangiting sabi neto sa akin.

Halos manlaki naman ang mga mata ko sa floor na sinabi nya, tama ba pagkakarinig ko o nabingi ako, "35th floor po?" Pag kumpirma ko kung tama ba aking narinig.

"Yes po." Ngiting sang-ayon nya naman.

"Ah, eh. Sige po. Thank you." Tanging nasabi ko na lang. Inikot ko ulit ang aking mga mata upang hanapin ang elevator na mabilis ko rin naman nakita dahil glass yung elevator nila at makikita mong umaakyat at bumababa. Nagtungo naman ako doon atsaka pumasok sa isa sa mga elevator na available at mabilis na pinindot ang 35th floor.

Inhale-exhale. Di ko maiwasan na kabahan, kasi sa totoo lang wala naman akong experience as secretary. Jusq, baka mamaya tanungin nya ako ng mga komplikadong tanong di ko masagot, ano na lang mangyayare sa akin. Sana ma-i-bluff ko mga itatanong nya sa akin. Kinalma ko ang aking sarili at tinignan ang aking sarili kung malinis ba ako tignan baka kasi may nahulog na something sa akin kanina habang nag bbreakfast ako at di ko lang napansin, nag masatisfied naman ako na malinis akong tignan ay mabilis kong kinuha ang aking pabango sa bag at tsaka bahagyang nag spray dahil nakalimutan ko kaninang magpabango, naglagay din ako sa aking pulso at ikiniskis sa aking kabilang pulso at tsaka binalik sa akin bag ang pabango ko.

Ilan minuto pa ang dumaan ay nakarating na rin ako sa 35th floor. I inhaled-exhaled bago ako lumabas ng tuluyan sa elevator. "You can do it, Phoebe." Mahinang bulong ko sa sarili ko. Pampalakas ng loob.

Di rin talaga natatapos ang pag hangga ko sa may-ari ng building na ito, sa 35th floor ay bumungad sa akin ang napakagandang reception area na akala mo ay condo 'tong floor na 'to dahil may magandang chandelier na nakasabit at parang ito lang ang nagbibigay liwanag sa buong floor at sa baba neto ay ang napakagandang ayos ng waiting area or parang living room ng floor na 'to. Wow. Sa design palang at hulma ng mga kagamitan ay talaga mapapanganga ka sa ganda, mahihiya kang umupo sa sakanila.

"Ms. Phoebe?" Natapos naman ang aking pag hangga sa floor na 'to nang marining kong may tumawag sa pangalan ko, dali-dali naman akong lumapit ng makita ko ang babaeng nakatayo sa reception area nya.

"Ay, yes po. Phoebe Dianne Santiago." Pagpapakilala ko at ngitian sya.

"Can I have the documents needed, please?" Ngiting sabi nya na agad ko naman inabot ang mga hinahanap nya. Di naman siguro nila mahahalata na pineke ko ang mga ibang documents ko speacially don sa ma-ttrace na anak ako nang nag mamay-ari ng La Verde Group.

"Okay Ms. Phoebe, follow me." Sumunod naman ako agad sakanya nung sinabi nya yun. "Goodluck." Sabi neto at nginitian nya naman ako  at dahan-dahan nyang binuksan ang pintuan at nag sign sya sa kamay nya na pumasok na ako, ngumiti naman ako at nagpasalamat at tsaka pumasok na.

Ang bango naman ng opisina na 'to at napaka kalmado ng itsura dahil black, gray and white lang ang makikitang mong kulay sa paligid ng opisina tapos ay ganoon din ang pader ng opisina. Di pa talaga ako nabibigo ng building na 'to sa pag pag hangga.

Inilibot ko pa ang aking paningin. Ako lang ba mag-isa dito? Nasaan na yung mag iinterview sa akin? Habang nililibot ko ang aking paningin ay napansin ko naman ang isang lalaki na nakatalikod at nakatingin lang sa malawak na view labas ng building na 'to.

Inayos ko muna ang aking sarili at di pa ako nakakapag salita ng pumihit ito at halos malaglag ang aking mga panga at gusto kong kumaripas ng takbo papaalis sa building na 'to. Oh shet!

"You?"

Shet! I am dead! Double dead!


Xrine13

MY POSSESSIVE BOSS -Under RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon