Chapter 3

17 2 0
                                    

Nagising ako ng may sunud-sunod na katok akong narinig mula sa pintuan ng aking kwarto.

HAYS. MY SOUL STILL IN SLEEPING ISLAND.  Sa pagkakaalam ko, sabado ngayon at walang pasok.

"Iha? Bumangon ka na diyan at may bisita ka sa baba. Inaantay ka na. May pupuntahan daw kayo sa Collins University. " Sigaw ni Yaya Cora mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

Naman e. Who is that fucking visitor? Ayaw ko pa sanang bumangon kaso di rin naman ako titigilan ni Yaya kapag di pa ako bababa rito.

Kahit inaantok pa ako pinilit kong bumangon at binuksan ang pinto.

"Good morning ya." Inaantok kong saad.

"Hay naku bata ka. May pupuntahan ka pala ngayon e. Di ka gumising ng maaga. Nandyan na sa baba yung naghihintay sayo. Kanina pa yun doon." Nakangiting sabi ni Yaya. Nagtaka nga ako kung bakit ang aliwalas ng mukha ni Yaya e. Anong nangyari dito?

"Sige na magbihis ka na muna. Ang gwapo pa naman ng naghihintay sayo sa baba. " dagdag pa niya.

Parang nagising ang natutulog kong diwa dahil sa sinabi niya.

"What did you say yaya? Gwapo? " Nakakunot kong tanong.

"Oo nga. Naglilihim ka na sa akin a? May boyfriend ka na pala." Parang nagtatampong saad ni yaya.

"Ya, wala po akong boyfriend. Atsaka kung meron man ho. You are the first person na pagsasabihan ko." Niyakap ko si yaya.

Humiwalay kami sa isa't-isa. "Oo na. Sige na magbihis ka na. Pero di mo naman sinabi sa akin." Pagmamaktol pa niya tsaka niya ako itinaboy para  magbihis.

Nagtungo na lang ako sa banyo. Naghilamos lang ako at nagsepilyo. Nagsuot ng black skinny jeans, white loose shirt at converse. Pwede na to sa akin kapag wala akong pupuntahan.

Nakaponytail lang ako at naglagay ng konting pulbo. Tapos na.

Bumaba na ako ng hagdan. Habang nasa kalagitnaan ako ng stairs. I heard a familiar voice. Oh shit. Don't tell me, it's Collins.

Dali-dali akong bumaba patungong sala and to my surprise I found out that it was the Collins guy.

What is he doing here?

Ang loko ngiting-ngiti pa na kausap ang Daddy ko. Akala mo naman kung sinong pinakamabait na Tao.

"Oh. Here she is. Princess, why don't you tell us that you have already a boyfriend?" What?? Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Dad.
"Kay Jello ko pa nalaman. O siya. May date daw kayo. I appreciate Jello because he told me about your relationship with him. He is a nice boy. Nice catch my princess. " Dagdag pa ni Daddy. What is my dad talking about?

Yumakap pa si daddy sa akin bago umalis. Shete di man lang ako pinagsalita.

Parang alam ko na naman kung sinong may kagagawan nito.!

I look at him with my eyebrows raised. "Hey! Why did you tell to Yaya Cora and you even say it to Dad  that we are in a relationship? " I gritted my teeth.

He just smiled and sit on the couch. Relax lang ang loko.

"Why? Is there something wrong?" At nagdekwatro pa.

"Tinanong mo pa. Maling-mali. " Sabi ko.

"Walang mali doon. You should be proud because this Collins will be yours. " Iw. As if naman.

"Over my dead sexy body. Hindi kita matake. Isa kang hambog." Tumalikod na ako sa kanya. Halos umusok na ang ilong ko dahil sa inis.

"Huwag kang magsalita ng tapos Dapne. You can't predict what your heart will be   in the future." Malalim niyang saad. "Sa gwapo kong ito? Posibleng di ka maiinlove sa akin." Hay naku. Akala ko pa naman seryoso na ang gago.  Nakangiti pa.  Di ba kinikilabutan ang lalaking ito sa pinagsasabi niya?

"Whatever you say. I will tell them that your not my boyfriend." Insist ko.

"Go ahead. Then, I will tell them that you commit an offense in the University. Remember what happened in the library yesterday? " At balak pa akong iblock mail nito a. Shit, oo nga. I forgot that thing at ngayon pala yung punishment na yun.

"Isa ka talagang sadista Collins. " nangigigil kong saad.

"I just played better than you Hurdiss." Awtomatiko niyang sagot at ngumisi. Ang hilig ngumisi nito.

"Okay. You win. " Pagtanggap ko ng pagkatalo sabay taas ng dalawang kamay ko.

Ngumiti siya. "Okay, from now on. You will be my girlfriend and I will be your boyfriend."

I want to protest but no. I just can't allow him to tell to my family what I did in the university. They know me as a good student there. If he is playing with then I will give him the game he wants.

Humanda ka sa akin Collins. If you are a better player, then I'all assure you that I will be the best player I can be. Nginitian ko siya habang iniisip no yan. He smiled back at me with his sweetest smile.

My Boyfriend is My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon