Period One

245 11 4
                                    

PERIOD ONE

“He loves me…….he loves me not…….”

Matagal ko nang gustong sabihin sa kanya.

“He loves me…………”

Kaya lang, paano ko naman sasabihin sa kanya?

Kung……..

“He loves me not…………”

Hindi naman ako ganoon ka-expressive lalo na sa mga nararamdaman ko. I’m too quiet to be true. I’m Ms. No Popular and he’s Mr. Popular.

Isang ‘di hamak na commoner lang naman ako---ang purpose ko lang naman talaga sa school ay mag-aral, to study alone, to study itself.

“He loves me…………”

Nakaupo ako sa isang bench at nagddrama habang tinatanggal ko isa-isa yung petals ng sunflower na tinakas kong kunin sa may garden ng school kanina.

Hindi ko nga alam kung bakit ko ginawa ‘yon eh pero may nararamdaman kasi akong ‘something’.

“He loves me not…………..”

Hindi ako sure sa nararamdaman kong ito kaya parang nagdadalawang-isip ako kung bakit ko nga ba ito ginagawa. Bakit kailangan kong pumitas ng bulaklak at bigla na lang manghingi dito ng favor para sagutin ang tanong na dapat sya ang sumagot? Psh.

“He loves me………..”

Pero siguro it’s about time. It’s about time to tell everything to him. Oras na para sabihin ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Pero paano?

He’s my first crush.

He’s my first love.

I admire him.

I’m inspired by him.

I like him.

I love him.

Kaya lang……

“He loves me not……..”

Ang hirap umasa. Hindi mo alam kung anong magiging response nya. Paano kung kabaliktaran ang sagot nya? Paano kung hindi agad ako mae-enlighten ng sagot nya? Paano kung masaktan lang ako? Bakit ba kasi kailangang masaktan pa eh nagmamahal ka lang naman? Mabuting bagay naman ‘yun ‘di ba?

“He loves me………”

“He loves me not…………”

At sa huling petal na tinanggal ko, lalo pang naguluhan hindi lamang ang utak ko maging ang puso ko.

Ano ba? He loves me or he loves me not?  FOR REAL.

Tumayo na lang ako sa bench at iniwan ko na lang dun ‘yung tangkay ng sunflower na kaawa-awa kong tinanggalan ng mga petals para makahanap lang ng sagot…….sagot na lalo lang naman nagpalala sa nararamdaman ko.

Paano nga ba nya ako mapapansin?

How will he neither love me nor like me back?

Psh. Napaka-demanding ko talaga. Kahit classmate ko sya, parang wala naman syang pakialam. We know each other for sure and I couldn’t say that we’re friends or casual friends but just more than acquaintances. We’re talking to each other usually because we’re seatmates actually—at doon lang nagtatapos ang connection naming ‘yun.

Haaay. Ang hirap. Hindi ko alam kung paano ‘to magiging happily ever after tulad ng mga stories na may happy ending. Kung nasa north pole sya at nasa south pole ako, lalong hindi ko sya ma-reach…imposible. Napaka-imposible.

Umalis na ako sa kinauupuan ko at naglakad na ako papunta sa…………….saan ko nga ba gustong pumunta?

Argh! Bahala na!

Hmmm. I know right. Doon na lang sa lugar na alam kong maiintindihan ako ng nasa paligid ko, ang lugar na alam kong malalabasan ko ng kung ano mang nasa damdamin ko. Ito ang pangalawa sa mga lugar na masasabi kong ‘comfort zones’ ko.

Sa lumang botanical………

Hindi muna ako iiyak ngayon. Mamaya na lang. Irereserve ko na lang muna lahat ng luhang ito para isang bagsakan na lang ang lahat pagdating ko sa lugar na ‘yon. Kailangan kong ilabas ng lahat ng ‘to, para lumuwag-luwag naman na ‘yung pakiramdam ko. Alam kong masyado akong OA sa pagmamahal, pero wala eh, hindi ko naman kayang pigilan.

Pagdating ko sa may botanical, I was not expecting this.

Anong ginagawa nya rito?

Bakit mag-isa lang sya?

Nakatayo at nakatalikod sya sa aisle ng mga flowering plants at tila may hinihintay.

Ito na ba ‘yung something na ‘yun? Ito na ba ‘yung pagkakataong ‘yon? Ito na ba? Ito na ba?

Tumitibok tuloy ng sobrang bilis ang puso ko kaya napahawak na lang ako sa may dibdib ko. Sa pagkakaalam ko, wala namang ibang pumupunta dito kundi ako lang. Naniniwala kasi ‘yung iba na bad vibes daw ang lugar na ‘to kaya hindi na nila tinatangkang tumambay pa dito. Psh. Para sa ‘kin hindi naman, espesyal ‘tong lugar na ‘to kasi ito na ang isa sa mga lugar na sandigan ko, at hinding-hindi ito magiging bad vibes.

“Eul-------“

“Eulrick!”

Hindi ko na natapos ang pagtawag ko sa kanya dahil may ibang tumawag sa kanya na naka-catch ng attention nya……

….si Leila….

…..si Ms. Popular.

WOW! Ang saya-saya! Gra-be! Akala ko ba, hinding-hindi magiging bad vibes ang lugar na ‘to sa ‘kin?!

Kung ito na sana ang oras na literal na sasabog ang puso ko, sasabog na talaga.

Napaatras na lang ako mula sa kinatatayuan ko, napapikit habang hawak-hawak ko ang dibdib kong parang ikinakadena ang puso ko ng sobrang higpit at sa sobrang sikip, halos hindi na ako makahinga.

Lalo pa’t nang makita kong sa pagtagpo ng mga mata nila, niyakap nila ang isa’t-isa.

Siguro, ito na ang tamang oras. Siguro ito na ang tamang panahon….

Ang umiyak ako.

Naglakad na lang ako ng kaunti at sumandal sa may grills ng garden. Hindi ko kayang makinig sa mga pag-uusapan at pinag-uusapan nila higit pa ang tingnan ang mga ginagawa nila. Hindi ko kaya.

Umiyak na lang ako sa tabi. Alam kong naririnig ko pa rin ang mga sinasabi nila sa isa’t isa, ngunit hindi kaya ng utak ko maging wala sa isipan ko na intindihin pa ang mga ito.

Ngunit sa oras ng pagbuhos ko ng mga nararamdaman kong sakit, sa mga oras na alam kong pawala na ang sakit na tila nagsawa na sa pagdurugo, hindi ko akalaing may dadagdag at hahabol pa…………

“Mahal kita Leila.” 

-----end of period one------

Shout Out LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon