PERIOD FOUR
“Kahit kailan, hindi ko sya niloko, pinaasa ni ginamit. Ngayon, naiintindihan mo na ba?”
Oo nga. Ngayon naiintindihan ko na kung anong mga nangyari.
Pero, asar, hindi pa rin ako makapaniwala kung totoo ba talaga ‘tong mga nangyayaring ‘to? Hindi ba ako nananaginip?
Kung panaginip man ‘to, sana, hindi na ako magising.
Habang nakikinig lang ako sa kanya, ang weird pero parang nalagyan na ng super glue ‘yung mga paa ko at parang hindi na ako makagalaw lalo na at my tears ran off. Bigla na lang natigil sa pagtulo habang ang puso ko eh mas lalong bumilis sa pagtibok. Damn. Mukhang sasabog na ata talaga dahil sa mga naririnig ko.
*dubdubdubdubdub*
“P-pero….”
Humarap na sya sa ‘kin at nginitian ako.
“Pero ano, sa tingin mo, ikaw naman ‘yung niloloko ko?”
Tapos bigla syang lumapit sa ‘kin.
As, in malapit na malapit.
Huwag na please..baka himatayin ako bigla.
Kahit halos ilang inches na lang ang pagitan namin sa isa’t-isa, hindi ko mapigilang mapayuko na lang at mapapikit.
*dubdubdubdubdubdub*
Screw it!
Lalong bumibilis ‘yung tibok ng puso ko, ten times. Exagge na kung exagge pero parang kailangan ko na atang magpa-confine sa heart center kapag nagkataon.
“Sa tingin mo ba, kaya kang lokohin ng gwapong nilalang sa harapan mong ito?” sabi nya habang hawak nya ‘yung kaliwang balikat ko at ramdam ko na naka-bend sya habang dinedare nya na makita ‘yung mukha ko.
Shocks. Shocks. Shocks. Magbiro ka pa. Huwag kang ngumiti ng ganyan.
Lalo akong naninigas sa kinatatayuan ko. Anak ng tokwa ang almusal! Hindi na rin ako makahinga! Breath. Breath. Breath.
“S-sino bang may sabi na gwapo ka? Asaness. *lunok* ”
Bigla syang umatras at tumawa.
“Anong nakakatawa?”
“Hahaha. Ikaw. Ibig kong sabihin, ikaw kaya ang nagsabing gwapo ako.”
“Ano? Wala kaya akong sinasabing ganun. Asa ka naman! Kailan ko sinabi aber?”
“Hahaha. Kanina lang. Rinig na rinig pa nga kita eh.”
Palusot dot com. SABLAY!
“He-he-he. FYI. Hindi ka gwapo. Assuming ka masyado ah.”
“Eh kung hindi ako gwapo, ano lang?” sabay lapit nya sa ‘kin at tinapat nya ‘yung mukha nya sa mukha ko.
“A-a-ano….a-ano..eh”
“Crush slash love mo?” tapos pitik nya sa ‘kin sa may noo.
Napahawak na lang ako sa may noo ko. Asar! Alam kong nag-bblush din ako.
Huh. Compose yourself Daena.’Wag kang masyadong magpapadala.
“H-hoy! W-wala akong sinabi------“
“Oo, wala ka ulit sinabing ganun? Hahaha. Daena, narinig ko rin kaya ‘yun kanina.”
“C-c-che! *pouts*”
BINABASA MO ANG
Shout Out Love
Ficção AdolescentePaano mo ba mailalabas ang namumuong damdamin na matagal mo nang gustong ilabas? How could you let your feeling be out? How could you say what you really feel? Lagi mo na lang bang palalagpasin ang bawat pagkakataon? Itatago mo na lang ba ang lahat...