Period Three

54 2 1
                                    

PERIOD THREE

Teka sandali…….

Hindi na ako natuloy sa pagpihit sa may knob ng pinto dahil napatingin na lang ako bigla sa gawing kanan ko.

WTF?!

Bakit?

Hindi ko alam kung anong dapat ang ireact ko. Kailangan ko na bang umalis o mag-stay muna, kahit saglit lang?

Asar! Ano naman sa ‘kin ngayon? Akala ko ba tapos na? Damn it Daena! Umalis ka na ng tuluyan nang wala ng iba pang mangyari sa’yo! Umalis ka na kung ayaw mong tuluyang sumabog at magdanak ng dugo dito!

Wala na nga akong ibang ginawa kundi ang tuluyang umalis.

Pinihit ko ang knob ng pinto at binuksan ito.

“SA TINGIN MO SAAN KA PUPUNTA DAENA FORTEZ?”

Napatigil ako sa patuloy na paglabas. DAMN! DAMN! DAMN! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh!

Hindi ko na lang sya papansinin. Tutuloy na lang ako sa pag-alis. Damn it Daena dapat kanina ka pa talaga umalis!

“DAENA FOTEZ SAAN KA PUPUNTA?” sabi nya habang nakaharap sya sa view ng rooftop, sa part kung nasaan din ako naglabas ng mga hinanakit kanina.

“Bwiset. Ano bang kailangan mo?!”

Hindi ko na talaga tinuloy pang umalis. Sinara ko na lang ang pinto at humarap sa kanya habang nakatalikod naman sya sa ‘kin.

“PLEASE. ‘WAG KA MUNANG UMALIS.”

“DAMN YOU. NANDITO LANG AKO. ANO BANG KAILANGAN MO?!”

Since kanina pa sya sumisigaw, nakipagsabayan na lang din ako.

HELL! Ano ba talagang kailangan nya? Yaeh. Oo alam ko, kung ano mang ginagawa nya rito, isa lang ang alam ko, malamang, narinig na nya lahat ng mga pinagsasabi ko kanina. Darn. Hindi ko man lang sya napansin kanina! Asar! Asar! Asar!

Nakakainis talaga. Isip. Isip. Isip. Hindi ko dapat palalain lahat ng ito. Damn. Kailangan ko na talagang umalis kung ayoko na ulit makatikim ng hagupit ng sinturon ni Hudas. ASAR!

Promise. Huli na talaga ‘to. Kailangan ko na talagang umalis. Hindi ko lang talaga kakayanin kung ano pang kailangan nya sa ‘kin. Baka may hindi lang akong magandang magawa. I’m still weak. All of my strength was already gone. I’m still left with nothing. Kailangan ko muna ulit makapag-ipon ng panibagong lakas.

“KUNG WALA KA NAMANG SASABIHING MAGANDA, AALIS NA KO. DYAN KA NA!”

I open the door and I’m starting to step my feet outside.

“’ALAM KO NA ANG LAHAT DAENA. HINDI LANG SA NARINIG KO KANINA PATI NA RIN SA NARAMDAMAN KO. MATAGAL KO NG ALAM LAHAT NG ‘YUN. SH*T. HINDI KO LANG ‘YUN SINABI SA’YO.”

Ano bang ibig nitong sabihin? Damn. Damn. Damn. Hindi ako dapat makinig sa kanya, kasi in the end, he will hurt me, again and again and all over again.

Tumuloy ako sa paglalakad. Hindi ko na sya pinansin hanggang sa nakalabas na ako and I’m supposed to-------

“MAHAL DIN NAMAN KITA DAENA FORTEZ EH!”

It’s a total blow.

Isa ‘tong panlilinlang.

Hindi ‘yan totoo.

Hindi ako dapat maniwala.

Tears.

Dumbfounded.

Lalong bumilis sa pagtibok ang puso ko.

“ANO BANG SINASABI MO?! ALAM MO BA ANG SINASABI MO, HA?!”

Pumasok na ulit ako at isinara ko ang pinto.

“OO. ALAM KO ANG MGA SINASABI KO. KASI HINDI LANG NAMAN BIBIG AT UTAK KO ANG NAGSASABI AT NAGTUTULAK SA ‘KIN NA SABIHIN ‘YUN. PATI RIN NAMAN PUSO KO. MAHAL KITA DAENA. MAHAL NA MAHAL.” Banat nya habang nakaharap pa rin sya sa view ng rooftop.

HINDI.

HINDI.

HINDI.

HINDI PWEDE ‘YUN.

“ARE YOU OUT OF YOUR MIND?! SINASABI MO LANG ‘YAN KASI NAAAWA KA LANG SA ‘KIN. KASI NARINIG MO LANG AKO KANINA! *sobs* KAYA BAKIT KO KAILANGANG MANIWALA SA’YO? *sobs*ANO BA ‘TO, JOKE? KUNG JOKE LANG ‘TO, KAILANGAN KO NA BANG TUMAWA? OR BAKA NAMAN NASA WOW MALI NA AKO? HAHA. *sobs* KANINA LANG GANUN THEN ALL OF THE SU-------.“

“Nung una pa lang kitang nakita alam ko na at ramdam ko na na may spark ng dumaloy mula sa bloodstreams ko hanggang umabot sa puso at utak ko. Hindi ko lang ‘yun pinansin kasi alam ko namang hindi mo rin ‘yun madadama. Pero, sh*t, kahit anong pilit kong tanggalin ‘yung spark na ‘yun, patuloy pa rin ‘yung dumadaloy at kinukuryente ako. Hindi talaga mawala-wala, hanggang sa pinabayaan ko na lang. At dahil sa pagpapabaya ko dun, nag-develop ‘yung spark na ‘yung hanggang sa mas lalong tumaas ‘yung voltage. Haha. Sh*t. Bakit ko ba kailangang i-relate sa electricity ‘yun? Pero totoo ‘yun Daena.”

“S-sinungaling ka.”

“Hindi na naman kita pinipilit na maniwala sa ‘kin eh. Ang gusto ko lang eh pakinggan mo ang mga sinasabi ko.”

Asar ka. Bakit mo ba talaga kailangang sabihin sa ‘kin ‘yang mga ‘yan? Great. Just great. Naaawa lang naman talaga sya sa ‘kin eh kasi narinig nya ako kanina. ‘Yun lang ‘yun at wala ng iba pang dahilan kung bakit.

Pero bakit pa din nya kailangang manakit ng iba? Bakit?!

“Pero si---“

Wala naman talaga ‘yun eh. We’re just friends at hanggang doon lang ‘yun. May spark man na dumadaloy sa ‘kin na para sa kanya, parang kiliti lang ‘yun at hindi kailanman mahihigitan ang spark na meron ka.”

“User ka!  Bakit kailangan mo pa syang paasahin?! Bakit kailangan mo pa syang saktan?!”

“Hindi ko sya pinaasa at hindi ko sya sinaktan!”

ANO?!

Teka, hindi ko sya maintindihan.

-------end of period three-------

Shout Out LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon