This is it pansit. Jusme. Ten years na 'tong naka-stay foot sa mga docus ko. Hahaha. Anyways, ito na 'yung pinakahuling period and then... TADA!
'Yun lang, may surprise!
Oha. Oha. Kaya basa-basa na! Tara! XD
----------------------------***
PERIOD FIVE
After habulan at asaran scene, akalain mong napagod rin kami kahit na sa buong rooftop lang kami naghabulan. Hehe.
Nandun lang kami sa pinaka-wall at pinagmamasdan naman ang view mula sa baba.
“Hindi ka pa ba nagugutom?”
Ai, shocking, lunch break nga pala. At dahil sa pagddrama ko kanina, nakalimutan ko palang kumain. Haay. Pagdating talaga sa pag-ibig, pati pagkain, nakakalimutan mo na. *sighs*
Umiling lang ako sa kanya just to answer ‘no’.
“Kita mo ‘yan, nang dahil sa kagwapuhan ko, pati pagkain, nakalimutan mo na. Tara na.”
“Ehem. Saan?”
“Sa canteen, kakain.”
“Ililibre mo ko?”
“*sighs* porke’t ba aayain kitang kumain, ililibre na kita agad?”
“*pouts* ang daya! Ikaw na lang kumain mag-isa mo!”
“Hehe. Syempre joke lang.”
“Talaga?”
“Yup. Basta sabihin mo muna, ‘I love you Eulrick.’”
“A-a-a-a-ah. Ah. Basta! Ayoko nga. Inuuto mo lang ako eh! Sige na ikaw na lang kumain mag-isa mo!”
“Sige. Aayain ko na lang si Leila. Nakakawalang gana kasing kumain mag-isa eh. Bye.”
Tapos nanglakad na sya paalis.
Teka! Hindi pwede ‘yun! B-bakit kailangang si Leila?! Ah-ah-ah-ah-ah. Hindi pwede!
“H-hoy Eulrick, saglit lang!” sa pagtawag kong ‘yun, napatigil sya kaya naman nilapitan ko na sya.
“Hindi naman talaga kayo ni Leila ang magkasamang kakain ‘di ba? He-he.”
“Totoo ‘yun.” Malamig nyang sabi.
“H-huh?”
“Totoo ‘yun. Kapag hindi mo ko sinabihan ng ‘I love you Eulrick’.”
Kill me now. I knew it!
“He-he-he. Seryoso talaga?”
Tumango lang sya.
Kung ako ang gutom at desperadang makalibre ng pagkain…no choice na mga ‘dre. Tawag na ng sikmura ko ang mahalaga.
“He-he. Seryoso talaga as super?” tumango lang ulit sya.
Huminga muna ako ng malalim.
“I-i-i-i. I-*lunok*-I-I-*lunok*-I love y-you Eu-eulrick. Hehe. Tapos na. Ok na ‘yun. Libre mo na ‘ko.” Hay. Damn. Buti hindi ako hinimatay. Shocks. Parang labas pa rin sa ilong ‘yun eh.
“I love you too. Tayo na.”
“Eh? T-tayo na? As in tayo na? Tanong ba ‘yun o isan statement lang?” with matching paturo-turo kamay pa ko sa ‘ming dalawa.
AMBILIS NAMAN!
“Ayaw mo ba?”
“H-huh? Pero ang bilis naman. Hindi ba dapat may ‘yung ano, ‘yung basta ganun bago ‘yung ‘tayo na’ na part? Hindi naman porket nagkaaminan na ganun na lang din kabilis ‘yun, ‘di ba? Hehe.”
“Eh?”
“Eh?”
Bakit parang hindi naman nya naiintindihan ‘yung sinasabi ko? With the expression he has on his face, he obviously didn’t get me.
“Ibig kong sabihin, ‘yung baga, before a girl say ‘yes’, the boy will gonna make an effort first to prove what he really feels for the girl?”
“Eh?”
Eh-ewan. Ang sakit sa bangs. Hindi ko magawang sabihin ‘yung word na ‘ligawan’. What a life?! Bakit ba ako nahihiya? I just need to say na bakit ang bilis naman ng ‘tayo na’ eh wala pa ngang ligawan na nangyayari? Hindi naman sa nag-iinarte pa ako or whatsoever, syempre gusto ko na rin naman ‘yung part na ‘yun yet is it just happening so really fast?
“*sighs* I mean…….” Yumuko ako iniwas ko ang tingin ko sa kanya, feeling ko nagbblush na talaga ako at nahihiya kaya ‘di ko na magawang makipagtitigan sa kanya.
“I mean…ambilis namang maging tayo. Eh hin— “
“Aaaaah. Hahaha.”
“Eh?”
Hindi ko natapos ‘yung kailangan kong iexplain sa kanya kasi bigla na lang sya nagreact ng parang “Eureka! Eureka! I found it!”. Tinignan ko na lang sya tuloy ng may halong pagtataka.
“Haha. I get your point. Sorry, medyo naging mabagal ‘yung processing ng utak ko kanina. Hehe.” Yeah right, super slow.
“Anyways, I knew what you meant.” Nagbend sya at itinapat nya ‘yung mukha nya sa mukha ko.
“Hindi ko naman din hahayaang ganun na lang magiging mabilis ang lahat noh.” Sabay pitik nya sa noo ko, pero ‘yung mahina lang naman. “Syempre I’ll gonna make moves first, if you let me, because that’s a gentleman really does to a lady, right? Pero what I’m trying to say lang naman kanina is tayo na, meaning tara na. Haha. Nagtataka lang talaga ako sa’yo kung bakit ganun ‘yung mga sinasabi mo.”
“Eh?”
And for pete’s sake, WTH?! Of all the analyzation na ginawa ko kanina, damn right, iba pala ibig sabihin nun, TARA NA. Abay TARA----whatever. Double meaning lang talaga ‘yun. I was the one who’s super slow, yeah, super slower than him. SORRY. Ang joke. Joke. KORNIK!
Sabay gulo nya sa buhok ko, inakbayan nya ako at sabay na kaming naglakad paalis.
“Oh tara na ah.”
Hindi na ako sumagot. Ang corny talaga. Super corny. Ha-ha-ha-ha.
--------end of period five-------
--------------------------***
Hanggang dito na lang po muna. Ai basta may surprisa akong inihanda. :D
Thank you po ah sa lahat ng nagbasa na kahit "pioneering" pa lang ang peg natin. Ok lang 'yan. I-push natin 'yan! Hahaha.
I love you all!
KUDOS! *u*
BINABASA MO ANG
Shout Out Love
Ficção AdolescentePaano mo ba mailalabas ang namumuong damdamin na matagal mo nang gustong ilabas? How could you let your feeling be out? How could you say what you really feel? Lagi mo na lang bang palalagpasin ang bawat pagkakataon? Itatago mo na lang ba ang lahat...