PERIOD TWO
“Mahal kita Leila.”
Takbo. Takbo. Takbo.
Pagkarinig ko ng mga salitang iyon, wala akong iba pang ginawa kundi ang tumakbo. Tumakbo para makatakas sa sakit. Tumakbo para umiwas sa iba pang pwede kong marinig. Tumakbo para tigilan na ang kalokohan kong ito. Tumakbo ako kahit saan man ako dalhin ng mga paa ko.
Alam kong may mga nakatingin sa ‘kin kung bakit akong parang engot na tumatakbo habang umiiyak. Sorry, stupid me. Pero wala na akong pakialam kung ano mang isipin o sabihin nila, basta ang alam ko lang na kailangan kong makawala at makatakas sa sakit na ‘to. Hindi ko pinapansin at iniintindi kung anong mga sinasabi nila, ang alam ko kasi, wala ng iba pang pumapasok sa isip ko, kaya walang silbi na rin kung iintindihin ko pa kung anong mga sinasabi nila.
My mind and my heart are totally closed and out of focus and what I just really wanted to do is to run so that I can express the total insanity within me. KAILANGAN KO NG ILABAS LAHAT NG ‘TO!
Sa pagtakbo kong iyon, sa isang lugar na pati ang mga paa ko alam kung saan man ako pwedeng maayos. Scratch. Mabawas-bawasan ang nararamdaman ko.
Sa may rooftop.
Hindi ko rin masagot sa sarili ko kung bakit lagi na lang ako dito nai-end up ng mga paa ko lalo na kapag may matinding nararamdaman ako sa sarili ko. Siguro dahil sa komportableng lugar ito para mailabas ko ang mga dapat kong ilabas. Siguro dahil ito ang pinaka-comfort zone ko. Hindi ko naman pwedeng kimkimin lahat ng ito sa sarili ko, mahirap na, baka lalo akong sumabog, tulad ng lobo na pinuno ng hangin at bigla-bigla na lang puputok dahil sa hindi kinaya ang pressure. Sabi nga nila, hindi lahat ng bagay, pwede mong itago, kailangan minsan, marunong ka ring magrelease ng mga emotions mo, para hindi ka tuluyang mabuang sa mga pinagdadaanan mo.
Sa lugar na ‘to, wala ring halos bumibisita dito. Siguro, meron, ‘yung mga tulad kong emo, pero ang alam ko, kapag pumupunta ako dito, ako lang ang nagiging tao.
Lumapit agad ako sa pinakapader, sa may dulo ng rooftop at tumayo roon.
Kailangan ko ng konting minuto.
Inhale.
Exhale.
Oras na.
Habang naiyak pa rin ako, nilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang dulo ng bibig ko.
“WALA KA TALAGANG KWENTA DAENA “STUPID” FORTEZ! LAGI KA NA LANG GANYAN! ANG TANGA-TANGA MO! SANA NUNG UNA PA LANG, SINABI MO NA SA KANYA PARA HINDI KA NGAYON MUKHANG ENGOT NA INIIYAKAN ‘YUNG HINAYUPAK NA LALAKING, EULRICK NA ‘YUN! AYAN, WALA KA PANG LAKAS NG LOOB AH, ‘YAN TULOY ANG NAPAPALA MO! OH ANO, IIYAK-IYAK KA NGAYON?! ANG OA MO! PARA LANG SA LALAKING MAY MAHAL NG IBA, KAILANGAN MO PANG IYAKAN! KASALAN MO ‘YAN! KASALANAN MO! SANA KASI HINDI MO NA INISIP KUNG ANO MANG MAGIGING RESPONSE NYA! SANA KASI HINDI KA NAGING NEGA! ANG SHUNGA-SHUNGA MO TALAGA!”
Sabay punas ko sa mga luha kong ayaw tumigil sa pagtulo.
“*SOBS* ASAAAAAAAR! IKAW, EULRICK KA, BAKIT BA KAILANGAN MO KONG PAIYAKIN HA? GRABE KA TALAGA SA ‘KIN! ANG SAMA-SAMA MO! LAGI MO NA LANG AKONG SINASAKTAN! GWAPO AT MATALINO KA NGA ANG MANHID MO NAMAN! HINDI MO BA AKO NAPAPANSIN, HA? PAMBIHIRA’T KALAHATI KA TALAGA! KUNG HINDI LANG SANA KITA GANOON KAMAHAL AT TALAGANG PARA AKONG ENGOT, AI BWISET, ENGOT NA TALAGANG NAGSISIGAW DITO, MATAGAL NA KITANG PINA-ABDUCT SA MGA ALIEN PALABAS NG EAAAARTH!”
“AKALA MO DYAN. BAKIT HINDI MO NA LANG PINADAMA, NA MAY GUSTO KA PALA SA KANYA! BAKIT KASI, HINDI MO NA LANG DINERETSONG SABIHIN KAHIT KANINO NA MAY NAGUGUSTUHAN KA NA PALA, PARA KAMING MGA SHUNGA MONG TAGAHANGA, HINDI NA SANA UMASA PA! PAASA KA MASYADO EH!”
*sobs* (punas luha)
“AT ITO PA PALA! MANHID KA NAMAN KAYA ASA PA KONG MARIRINIG MO AT MADARAMA MO LAHAT NG PAGDADALAMHATI KONG ‘TO! ANG DRAMA KO NOH? PERO WALA KA NG PAKIALAM DUN! GUSTO KO LANG SABIHIN SA’YO, NA TANGA AT KALAHATI KA NA KUNG HINDI MO PA MALALAMAN ITO, MAHAL NA MAHAL KITA EULRICK MENDOZA, MULA NOON HANGGANG NGAYON! TANDAAN MO ‘YAN! KASI AKO, HINDI KO NA ALAM KUNG HANGGANG KAILAN PA MAGTATAGAL ‘YAN! OH ANO, NARINIG MO NA? MASAYA KA NA AT MAY BABAENG INIIYAKAN KA? HELL! KAPAG NAWALA NA AKO SA EARTH AT HINDI MO PA NALAMAN ‘YAN! IKAW NA ANG DAKILANG SHUNGA!”
At doon na natatapos ang epic fail kong monologue sa pag-ibig. Yaeh naman. Buti na lang at medyo nabawas-bawasan na rin ang mga nilalaman ng loob ko. Buti na lang din at natigil na rin sa patuloy na pagdaloy ‘yung mga pisteng luha ko. Shocks. Ganito ba talaga nagagawa ng pag-ibig?
*siiiiiiiiiiiiiiigh*
Pagkatapos noon, nakayuko na kong tumalikod sa may pader at umakto ng maglalakad paalis. Ayos naman na ako at medyo naibsan naman na ‘yung nararamdaman ko. At I really feel the relief of expressing everything kahit mukha lang talaga akong takas sa mental, but well, at least, konti na lang ang hapdi.
Nasa may pintuan na ako ng rooftop at bubuksan ko na sana ‘yon ng…
Teka sandali…….
------end of period two----------
to be conitnued....
HAHAHA. Hula-hula muna tayo ng ending kapag may time.. XD
READ> VOTE> ESPECIALLY, COMMENT! LOVE YOU ALL!
BINABASA MO ANG
Shout Out Love
Teen FictionPaano mo ba mailalabas ang namumuong damdamin na matagal mo nang gustong ilabas? How could you let your feeling be out? How could you say what you really feel? Lagi mo na lang bang palalagpasin ang bawat pagkakataon? Itatago mo na lang ba ang lahat...