Broken Pages

248 4 1
                                    

''Broken Pages''

by: ThunderMax

[Prologue]

Bawat kwento may iba't ibang page. At bawat page, may iba't ibang chapters. Bawat tao, may kanya-kanyang kwento. May kanya-kanyang libro na walang ibang nagbibida kundi tayo. Bawat pahina ng buhay mahalaga. At sa kwento ng buhay ng isang tao, may nag-iisang pahina na hinding hindi mo talaga makakalimutan.

Pero paano kung ang pahinang pinaka-iniingatan mo, masira na lang ng tuluyan? May kakayahan ka bang baguhin ang lahat? Paano ka babalik? Kung hindi ka pwedeng bumalik sa nakaraan? Paano ka gagawa ng ikalawang yugto kung sira na rin naman ang inyong pagsasamahan? At higit sa lahat, paano ka gagawa ng panibagong libro kung ang nauna mong kwento hindi mo kayang iwanan?

Saksihan ang love story na sumisimbolo sa tunay na kahalagahan ng pagkakataon. Dahil ang bawat pagkakataon ay hindi dapat namimili ng panahon. Every person deserves to have chances to change. Pero paano mo yun mabibigay, kung pati puso mo gugustuhin na ring mamatay?

[Chapter 1]

(Fairy tales, magics, spells, cupid, witch, prince, princess and more fantasies. Hmp! May katotohanan pa ba ang lahat ng ito? Pero, bahala na! Mas gusto ko silang isulat kesa sa reality. Hmmm, ano kayang magandang pamagat? Tatlong libro na ang natatapos ko. Sabi ng mga classmates ko, masyado raw pambata ang imaginations ko. Hindi daw sila masyadong maka-relate. Hmm, well ako naman, sa sarili ko, nagbabasa rin naman ako ng mga real love stories katulad ng kinahuhumalingan nila ngayon. Pero hindi ko maimagine ang sarili ko na magsulat ng kwento tungkol sa realidad ng buhay. Lumaki kasi ako sa mga fairy'stories, kung anu-anong libro about Prince and Princess na may witch at mga alagad nya na gumagawa ng spells para mainlove yung Prince sa witch. Hindi ko alam na hanggang sa paglaki ko, yun parin ang magiging hilig ko. Oo na, bata na kung bata. Wala eh, yun talaga eh. Alangan namang iwasan kong isipin or isulat ang mga bagay na gusto kong gawin.)

Ganyan ang nasa isip ni Princess habang sya ay nakasakay sa taxi papunta sa apartment ng kanyang ate sa Manila. Kinailangan na rin nya na tumira doon sapagkat wala na rin syang kasama sa kanilang bahay sa probinsya. Limang taon nang nagttrabaho ang kanilang mga magulang sa Canada. Mula elementarya hanggang high school,ibinilin lang si Princess sa Tita Lorrie nya na ngayo'y nag-abroad na rin.

(I hate this! Sayang. Kung kailan fourth year high school na ako,saka naman ako magt-transfer sa ibang school! Sabi ko naman kasi kina Mommy na kaya ko na mag-isa. Pero mapilit sila. I will miss my friends. I will miss everything!!! Gosh. I'm dying. Kakayanin ko ba dun? Tsk.) -- Princess

Si Princess ay isang simpleng babae. Tahimik. Mahinhin. Maganda. Never nagkaroon ng boyfriend. Syempre crush meron. Nasa nature na nating lahat ang magkaroon ng crush ^^. Pero hanggang crush lang muna sya. Kailangan muna nya na makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho. Yan ang paninindigan nya sa sarili. Hindi pa sya nahuhulog kung kanino man. Weird, pero totoo. Sa katunayan ay may lugar na sya para sa kumpanya ng Papa nya sa Canada at doon sya magta-trabaho kapag sya ay nakatapos na. Kung matuloy man,sa ibang bansa na rin siguro sya tutungtong ng kolehiyo. Pero hindi pa naman sya sigurado rito.

Hilig nya ang magbasa at magsulat ng mga librong puno ng imahinasyon. Mahilig sya sa fairy tales at kung anu-anong fantasy or fictions. Pangarap nyang maging isang sikat na writer balang araw. Ngunit nangangamba naman sya dahil hindi related ang course na binabalak nyang kunin kapag tumungtong na sya ng kolehiyo dahil sa kumpanya naman sya dadalhin pagtapos din nitong mag-graduate.

Ilang saglit lang ay nakarating na rin sya sa bahay ng ate nya. Si Mylene. Sinalubong sya agad nito.

"Hey! Andito na pala ang napaka-ganda kong kapatid!" ang masayang bati ni Mylene sabay beso kay Princess.

Broken PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon