Chapter 17 (Broken Pages)

5 0 0
                                    

"Martin! Bumangon ka na dyan! Tanghali na oh'! Kumain ka na muna! Anu' ba yang hitsura mo!? Saan ka ba galing kagabi ha!? Maligo ka muna at nangangamoy alak ka!!"

Martin: *stretching* "Hmmpt. Anu' ba naman Tita. Tsk."

Tessie: "Aba! Aba! Bumangon ka na dyan! Dalian mo na at naghihintay ang pagkain sa baba!"

Unang araw iyon ni Martin mula nang umalis si Dianne. Naging desperado na sya simula kagabi pa. Idinadaan na lang nya sa pag-inom ng alak at pagbabarkada ang lahat para maibsan ang sakit na nararamdaman.

Lumipas pa ang ilang araw, hindi naging madali para kay Martin ang pag-move on. Halos hindi na sya umuuwi sa kanilang bahay, kaya naman ilang gabi na ring walang tulog si Tessie kakahintay sa kanya. Ni' hindi na nya inaayos ang kanyang sarili. Wala syang ibang karamay kundi ang alak at yosi. Ilang buwan na lang, pasukan na naman. Pero wala yatang balak si Martin mag-college dahil sa mga huling nangyari sa kanila ni Dianne.

~~~~~

Sa isang restaurant na madalas nilang kainan. Magkakasama ang buong GYG(except Martin) para pag-usapan ang mga dapat pag-usapan. Ito ang muli nilang pagkikita matapos ang graduation.

"Salamat naman at nakarating kayo." pagsisimula ni Irah.

Vanna: "Ok lang yon' Ate Irah."

Irah: "Teka, nasaan nga pala si Martin? Kailangan nyang marinig ang mga ipapaliwanag ko."

Biboy: "Tinext ko na sya, pero hindi naman nagrereply."

"Andito' na ako!" ang biglang pagsulpot ni Martin.

Nagulat naman ang lahat.

Ellah: "K-kanina ka pa dito?"

Martin: "Nag-cr lang ako. Nauna na ako dito kanina pa. Ano bang pag-uusapan? May lakad pa ako."

Irah: "Maupo ka muna, saglit lang naman to'."

Martin: "Saglit lang pala eh. So bakit kailangan umupo pa ako? Anu' ba yun? Sabihin mo na!"

Irah: "Iku-kuwento ko sa inyo yung about kay Dianne. Martin, pakinggan mo ang mga ikukwento ko."

Martin: "Oo na! Ang dami pang satsat eh! Simulan mo na!"

Kahit hindi umiimik ang lahat, base sa reaksyon ng mga mukha nila, parang galit nga si Martin kay Irah. Ngunit hindi naman iyon pinapatulan ni Irah at nagsimula na lang syang magkwento.

Irah: "Alam kong nagulat kayo sa nabalitaan nyo tungkol kay Dianne. Una sa lahat, gusto kong humingi ng dispensa sa inyo. Kina Ellah at Vanna, alam kong kayo ang pinakamalapit kay Dianne pero hindi ko nasabi sa inyo kasi yun yung pakiusap sakin ni Dianne. Ikaw Leric at Biboy, sorry rin dahil sinunod ko lang rin ang desisyon ni Dianne. Lalong lalo na sayo Martin. Alam kong karapatan mong malaman ang lahat, pero naiintindihan ko si Dianne sa mga desisyon nya. Bago mag-JS Prom, ako ang kauna-unahang sinabihan ni Dianne ng problema nya. About sa pag-alis nya at pagpapakasal nya sa ibang lalaki. Last year pa pala yun pero nito nya lang nailabas sa akin. Guys, wala syang kalaban-laban sa Mommy nya. Ayaw nyang umalis. Ayaw nyang iwanan tayo. Nasasaktan sya sa bawat araw na naiisip nya na aalis na sya. Bukod doon, ipakakasal sya base sa napagkasunduan ng mga magulang nya at magulang ng lalaking pakakasalan nya. At para sayo Martin, hindi gusto ni Dianne na masaktan ka. Hindi nya nasabi sayo dahil natatakot sya. Ikaw ang inaalala nya. Walang gabi na hindi nya naiisip kung ano na ang mangyayari sayo kapag nawala sya sa tabi mo. Siguro naman naipaliwanag na sayo ni Dianne kung bakit sya naglihim sayo. Martin, pareho lang kayong nasaktan."

Martin: "Pero Ate Irah nagmukha akong tanga! Pinagmukha nya akong tanga! At pinagmukha nyo rin akong tanga!"

Irah: "Dahil kapakanan mo lang ang iniisip nya. At sinunod ko lang sya bilang pagrespeto ko sa naging desisyon nya."

Broken PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon